VLOG #10

4 0 0
                                    

CRESCENT STAR

Bigla kong kinuha ang phone nya at kinonfirm na si Mamoru nga ang nasa photo.

OMG. This is literally him.

"Uuuuy. Tinititigan ni Star!" pang aasar ni Sam. "Businessman pala ang trip mo ha. Hindi yung mga taga-showbiz."

Nagtawanan sila lahat at sa totoo lang, hindi ko sila masyadong nadinig o napansin, so I just innocently returned her phone.

"Oh, bakit kayo nakatingin?"

Ngingisi-ngisi silang tumingin ulit sakin bago pag pantasyahan muli ang picture ni Mamoru.

Hindi ko alam kung bakit nangingiti ako. Guess proud lang siguro ako na close ako sa mga crush nila. Haha Envy me, girls!

"Oh, wait. Girls, isn't he somehow familiar? I feel like I've seen him before... somewhere." Pagtatakang sabi ni Sam. Pati tuloy ako, napaisip dahil baka nakita nya na kaming magkasama before. Oh my gosh! That can't happen.

"Uhmm... you're a journalist, Sam. So baka nakita mo na sya before sa news." I casually commented.

"Uhm... maybe. But my instinct says I saw him already in person."

Instinct! OMG, delikado yan. Nagpaalam na ko sa grupo nila dahil baka ano pang teorya ang maisip nila. Now, I have to be more careful na itago na rin sa kanila si Mamoru. Well, don't get me wrong. Hindi para bakuran si Moru, kundi para maiwas kami sa headline ni Sam. I remember one time, gumawa kasi sya ng fake news. Although hindi sya nagpakilala, obvious naman na si Sam ang pasimuno. Nagpa-blind item sya before na isang varsity player daw ang nabuntis ng isang professor. Well, truth is, they just secretly dated sa isang buffet at busog lang talaga yung girl na napagkamalang buntis. Hahaha. Sobrang epic talaga non.

Anyway, sa vlogger side ko naman. Everything is normal naman. I got positive feedbacks from the Spicy Noodle challenge, and now, they're requesting for some Make-Up Challenge. If legal lang sana kami ni Wolf, gusto ko sanang sya yung mag-makeup sakin as a challenge. Yaah kilig. Haha.

*Beep beep.

Mamoru: Hi. See you tomorrow. Sunduin kita bukas?

Luh? Anong sinasabi nito? Matagal akong nag-isip dahil wala naman akong matandaang schedule bukas.

"I'm sorry. What's this for again?" reply ko sa kanya. Minutes later, bigla syang tumawag. Nasa café pa rin ako. Medyo malayo naman sa tao so sinagot ko na ang tawag nya.

"Hello?"

"Oh, Star. Did you forget?"

"Forget what?"

"Last time na nagdinner ako sa bahay nyo. Your dad mentioned about a business dinner with my family tomorrow. Diba gusto nyang sumama ka?"

OM- what? Aisshh. Hindi kasi ako nakinig sa kanila nung nag-uusap na sila about sa business. So... hindi ko alam!

"So... sunduin kita bukas, about 6pm?" he asked.

"Ahm, I'm not really sure if makakapunta ako. Y'know. Kinda busy sa school."

"Ohh. Okay, then." Rinig ko ang lungkot sa boses nya. "Just update me nalang. Miss you."

"Ahm... yeah. Okay."

Then he hung up. Gosh. Bakit may pag-'miss you'? Even before ko pa itago yung phone ko sa bag ko, may tumawag na naman sakin.

"Hi there, mom!"

"Honey, please be there tomorrow. The business dinner with the Saitos. You remember, right?"

"But mommy..." I paused, signalling my mom na ayoko pumunta.

"Star, you know your dad. Alam kong ayaw mo, but please pagbigyan mo na. Actually, for how many times ko na sinabi sa kanya na busy ka. He got mad."

I sighed deeply. "See you mom."

Three days ng wala sa bahay yung parents ko. Nasa Cebu sila, for some business matters. Kahit pupunta pa ko sa dinner, there's no way na sasabihin ko yun kay Moru.

Like seriously, ano na naman bang pakulo to? Baka mamaya biglang engagement na ang pag-usapan nila! Swear, if that happens, magbabalot na ko ng gamit.

---

"You seem really occupied, bes." Pag-aalala sakin ni Allison. Nakatambay kami sa ilalim ng puno sa school field ngayon. Buong maghapon, yung dinner mamaya lang ang naiisip ko. It's about 6pm na. 8pm pa naman yung dinner so tambay muna.

"Ah, wala naman." I shortly said.

"Weh, sa hitsura mo na yan? About kay Balloon ba yan?"

I shook my head and smiled. "Hindi, yung isa."

Yes, she knows about Mamoru. If I entrusted her my secret relationship with Wolf, of course I'll tell her about Mamoru also. In fact, they personally know each other since her family works with the Saitos.

"Ayy. Ang haba talaga ng hair ng best friend ko. Haha. So... what's with him? Ginugulo ka pa rin?"

"Actually, may business dinner kami with his family later and..."

Napahinto ako ng biglang may mga babaeng nagsigawan malapit sa parking area.

"What's that?" sabay tayo ni Allison.

"Yung gwapong businessman na nasa newspaper natin, nandito raw!"

"Whaaaat? Did they invite him sa school?"

"Sino raw!?" tanong ko. Bigla akong hinarap ni Allison.

"Bes, he's here. Students know him dahil na-feature sya sa newspaper natin."

"M-Mamoru??"

She nodded.

"Oh no! Itago mo ko!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BEHIND HER VLOGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon