ICAREUS WOLF
Growing up with famous celebrities is actually like a curse. Walang freedom. Walang fun. Walang privacy. Lahat ng actions mo, monitored. Paparazzi everywhere! Mga naghahanap ng news para lang may mai-headline. Kahit ako, nadadamay.
"Icareus! Papicture naman kami sa kuya mo!"
"Icareus! Pa-autograph naman daw sina mommy sa parents mo!"
"Pre, pakilala mo naman samin si Artemis oh!"
I'm not a bridge.
From reel to real ang naging relationship ng parents ko. Minsan, ini-stalk ko sila sa internet at don ko lang narerealize kung gano kalaki ang pangalan na ginawa nila sa showbiz.
My kuya Fox Apollo started doing commercials when he was just 3 y.o. He instantly became a child star at 5! Obviously, dahil sa parents namin, mas malakas ang pangalan nya kaysa sa ibang child stars. Huminto sya sa show business no'ng 14 sya para makapagfocus sa studies nya. But when he returned at 18 y.o., I tell you, phenomenal! Malaki rin kasi nagbago sa hitsura nya.
My younger sis Artemis Raven started her career in music. At 12 yo, she became a pop star! Now at 16, she's a leading lady of some teen shows. I must tell you that she's very talented, lalo na sa drama and musical that require heavy scenes. I'm actually a fan of her. And as her kuya, protective ako sa kanya lalo na sa mga nali-link sa kanya.
Now if you're asking me about my case, well, I'm the "black sheep". Ako lang yung naligaw sa family. The world expected me to follow my family's legacy, but I failed them. But not until I turned 17! Ako yung tipong gustong magfocus sa studies, lumayo sa limelight, at magtago nalang sa back stage. But I realized that it will never happen. Naka-magnet na sakin ang fame ng mga taong kasama ko. That's why at 17, nakita ko nalang din ang sarili ko nag-sa-sign sa isang modeling agency. As expected, I was first introduced in the industry as either "Henry and Ysabel's 2nd Child" or "Apollo and Artemis' Hot Brother". Lol. Seriously?
Hindi masyadong maingay ang pangalan ko, unlike my parents and siblings. Well, I think mas okay naman yun, since nag-aaral pa rin naman ako. Right now actually, kakatapos lang ng class namin at nagpaiwan muna ko sandali sa room para panoorin ang vlog kahapon ng girlfriend ko.
I first met Crescent Star in a big party. Nag-open ng business ang family nya and my sister happened to be one of their celebrity promoters. I never got the chance to talk with her or at least know her name that time. But at that point, I knew she was something else.
2 years later, na-discover kong schoolmates kami. How ironic na halos lahat ng girls sa university, pinapansin or kinakausap ako kahit hindi ko kilala. Pero sya? Iba sya. Kailangan ko pang gumawa ng kung anu-anong eksena para mapansin lang nya. One time, during break time, nakita ko syang mag-isang nakaupo sa bench. Umupo ako sa kabilang dulo ng bench at unti-unti akong nagbigay ng hint na kunwari ay masama ang pakiramdam ko. Haha.
"Arrgh. Oh no." Pagkukunwari ko sabay hawak ng dalawang kamay ko sa ulo ko sabay yuko. Pagkatapos ay sumandal ako na parang latang-lata. Nakikita ko sa gilid ng paningin ko na tinitingnan nya na ko. In fact, biglang kumabog ang dibdib ko non. Oh, please!
"Excuse me? Ayos ka lang?" Tinabihan ako ni Crescent at pansing kong may pag-aalala sa mukha nya. Oh no. Lalo akong kinabahan ng marinig ko ang boses nya. "Are you not feeling well? Gusto mo bang samahan kita sa clinic?"
Hindi agad ako kumibo. I was so nervous that time. I couldn't believe na kikiligin din pala kaming mga lalaki sa ganitong pagkakataon.
"Ikaw si Icareus diba?" She continued. "Tara, samahan na kita sa clinic! Baka kung ano pang mangyari sa'yo."
BINABASA MO ANG
BEHIND HER VLOGS
RomantikCrescent Star AKA "Twinkle Star", is a youtuber/vlogger who has a secret relationship with the rising actor Icareus Wolf. But since the public started to become interested in their career paths as individuals, it was becoming more difficult then f...