"Gising na Maria Rosario. Malayo pa ang byahe natin! " sigaw ng magiting kong ina habang hinahampas ang likod ko."Mama. Ano ba! Masakit! " at inilagan ko yung mga hampas niya na nagtungo sakin sa pagkabagsak mula sa kama.
Ang lakas nung bagsak ko na para bang isang sako ng bigas. Bigla nalang napabukas ang pinto at iniluwa ang walang kwenta kong kapatid.
"Anong nangyari nay?" Tanong niya habang pipikit pikit pa. Halatang kagigising lang.
Agad kong pinikot ang tenga ng magiting kong kapatid sa alaalang may kasalanan pato sakin.
"Sarap mong kataying bata ka. Pasalamat ka at kapatid parin kita. Kundi ipinagkanulo na kita sa NPA. Hah!" Sabi ko habang pinipikot ang tenga niya.
"Ano naman ba yan Maro. Halos araw-araw kayong nag-aaway ahh." Sita ni nanay.
Automatiko namang nabitawan ko ang tenga ng kapatid ko at inakbayan. Ganun rin siya sakin, na para bang wala kaming alitan. Ayaw kasi naming nakikita si nanay na na-eestress sa relasyon naming magkapatid
"Ay nako nay. Paglalambing lang tong akin. Diba kapatid?" Pagkasabi ko nun ay binigyan ko siya ng nagbabagang tingin at kinurot ang pisngi niya
"Ah.. Haha... Oo nay. Oo naglalambingan lang kami ni ate." Sakay agad niya.
"Ewan ko sa inyo. Basta maghanda na kayong dalawa at ng makakain na. Alam niyo namang malayo payong byahe natin. Kilos pagong pa kayo." Pagkatapos sabihin ni nanay yun ay lumabas na siya ng bahay. Este ng kwarto ko pala.
At agad-agad. Niligo ko ng mahiwagang hampas at pengot ang kapatid ko.
"Ahh ate. Tama na! Babawi talaga ako sayo. Promise! " impit niyang sagot. Para lang di marinig ni nanay.
At ng maka tiyempo ay agad siyang nagtatakbo palabas ng kwarto ko.
"Mackenzy Elgort!!! Humanda ka!!" Sigaw ko.
Oo nga pala. Bago ko makalimutan. I am the lovely darling of the Elgort's home. Maria Rosario Elgort. You can call me Maro. 19 years old and to become a 1st year college after this summer break.
Ewan ko ba kung bakit 80's yung ipinangalan sakin nung mga magulang ko samantalang kapamilya ko naman si Ansel Elgort.
Hindi ako nagbibiro ah. Though isang beses ko lang siya nakita ng personal at sobrang layo na ng degree namin.
At saka, mas close sina kuya Ansel sa kapatid ko. Ako naman sa kapatid rin niyang si Sophia.Okay enough of me. Sa pamilya ko naman. Nanay ko si Lorri Crisostomo-Elgort. Tatay ko si Macky Jay Fin-Elgort. Half american tatay ko kaya ganern. At ang nakakaloka kong kapatid si Mackenzy Dope Elgort 15 na siya. At dahil lalaki siya. Oo inaamin ko mas matangkad ang baklang yun. Meyged!
Enough of it all. Maliligo na ako dahil pupunta na kami sa Bahay bakasyunan namin sa Laguna. Pano ko ba nakalimutan yun? Andami kasing ganap sa last year ko sa high school diko na namalayan ang oras at panahon.
Pagkatapos kong maligo at magbihis a lumabas na ako ng kwarto bitbit ang maleta ko. Hinanda nato kagabi ni mama. Hahahaha
Ng paglabas ko nagkasalubong agad kami ni Mackenzy. Sinamaan ko siya ng tingin at bigla nalang lumuhod ang mokong
"Hahahaha para kang ano Mack. Hali ka nga." Sabi ko habang natatawa at kinamayan siyang lumapit.
Lumapit naman siya bitbit yung travel bag niya. Inakbayan ko siya at ginulo ang buhok. Hindi naman talaga ako galit eh. Hindi ako galit sa ginawa niyang, kinuha niya yung credit card ko para ipanlilibre sa nililigawan niya. On hold kasi yung kanya.
"Ate sorry na. Ililibre kita ng paborito mong magnum. Kahit mas may pera kapa kesa sakin." Nagmamakaawang sabi niya at yumakap sa beywang ko pagkatapos kunin yung maleta ka.
YOU ARE READING
Love in Summer Vacation
Short StoryA story of a teenage girl finding love because of vacations. Will her love remain only during that period of time? Or will it remain forever? Let's find out!