Maro's POV
Nakikita ko ngayon ang galak sa mga mata ng dalawa. Bigla tuloy akong naiyak! Ano ba Maro! Ang oa mo talagang babae ka. Kanina kina nanay lakas-lakas nang loob mo tas ngayon sa mga kumag nato ganito ka?
" Maro!! " sigaw ng dalawa at agad na nagsitakbohan papunta sakin.
" May masakit ba sayo? "
" Sinaktan ka ba nila? "
" Asan na yung kumag na manyak na yon? At papatayin ko? Ha? Asan? "
" Asan damit mo? "
" Bakit ka naka gown? "
" Naka panligo pa ako nong na kidnap at binihisan niya ng ganito. Halos lahat nang mga babae sa loob nga e. Adik yon. " isang tanong lang ni Zeke ang nasagot ko. Para kasing si Tito Boy to kala mo nag f-fast talk kami. Samantalang si David naman e tahimik lang.
" Pupuntahan ko muna sina tita sa loob. " paalam ni Zeke. Or excuse lang? Nakahalata ata yon samin ni David. Char! big word SAMIN. Hahaha meron bang kami?
" I'm so sorry Maro. If only hindi narin ako nagpadala ng galit ko lazt night. If only pinigilan kita. If only hinabol kita. If only. If on-- "
" Wala kang kasalan David. " putol ko sa mga if only niya. Parang tanga to.
" H-hindi, ng dahil kasi sakin kaya ka nakidnap. K-kaya ka--- " nagsimula pang humikbi. Aba? Bakla to?
" Hoy! Kasalan ko dahil maganda ako kaya nagustohan ng kidnapper na maging asawa niya. Kaya wag mo na sisihin sarili mo. Parang baliw to. Tsaka isa pa alam ko namang hindi niyo ako pababayaan kaya hindi ako natakot. Slight lang. HAHAHAHA~~~ " naputol ang mala kontrabida kong tawa dahil bigla niya akong niyakap ng pagka higpit.
" But thank God you're safe. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko pag nawala ka. " sobrang seryoso ng sabi.
Ah. Eh. Ih. Oh. Uh. Charrot. Hindi ako makahinga mga bakla! Aaaaakk.
~~~~~~~~~
Lumipas ang isang linggo mula nong mangyari yung kidnapping. Andaming pamilya ang nagpasalamat sakin dahil kung hindi raw sakin hindi maliligtas ang kamag-anak nilang naging biktima. Para ngang nagpasalamat sila na nakidnap ako e. Pero seryoso, masaya ako dahil parang parte narin ako ng oplan rescue ng mga boys. Para tuloy akong undercover na agent. Char! Hahahaha
Ngayon nandito ako sa kwarto. Nag e-fb, like dito react doon. Wala nakong ibang magawa! Nababagot na ako sa bakasyong ito! Enebe!
Oo nga pala, nagkausap na rin kami ni David about samin at naging klaro na samin na kahit may nararamdaman kami sa isa't isa ay mananatili lamang na magkaibigan kami. Sobrang matalik na magkaibigan.
Hindi rin naman kasi ganon ka tibay yung pagmamahal ko sa kanya bilang isang lalaki dahil nangingibabaw pa rin sakin yung pagmamahal ko sa kanya bilang best friend ko. Oo inaamin ko na sobrang nasaktan ako nung gabing nagkasagutan kami pero nadala lang ako sa galit ko. Ma pride rin ang lola niyo kaya ganon yung nangyari.
Nakakalungkot lang dahil kabilang banda dayang yung nararamdaman namin. Pero let's be practical here, mas awkward kung magkakarelasyon kami yet pag na fall out of love wala narin yung friendship. Sobrang sayang non.
Hindi kami happy ending ni David ano? Pero nong panahon na nakidnap ako na realize ko na hindi bilang isang babae ang pinapakita ni David sakin na pag-aalala kundi bilang isang matalik na kaibigan at kapatid. At mas matimbang yun samin kesa sa pagkakaroon ng relasyon. Meron rin naman kaming relasyon e. Yung pagiging magkaibigan at pamilya. Sapat na yon.
YOU ARE READING
Love in Summer Vacation
Short StoryA story of a teenage girl finding love because of vacations. Will her love remain only during that period of time? Or will it remain forever? Let's find out!