Jump3

0 0 0
                                    

"Ahuh! Hindi ka parin nagbabago Maro ah. Matatakutin ka pa rin." Sabi ni David habang hinimas-himas niya yung braso niyang nilukot ko.

"Nako. Pasensiya kana talaga David. " Hindi parin ako nagbabago, pero ikaw marami nang nagbago.

"Okay lang. Haha, mukhang mas gumaling ka pa sa martial arts ahh."

"Siyempre naman. Ako pa ba? " biro ko at umupong muli sa damuhan.

Umupo rin siya sa tabi ko at humiga.
Tahimik kami ng ilang minuto ngunit napagitla ako nang biglaan niya akong yakapin mula sa likuran.

"Namiss kita Maro. Sobra... Sobra." Sa mga salita niyang yun, nakaramdam nalang ako ng paru-paru sa tiyan ko. Kinakabahan ako ng sobra. Pinagpapawisan rin ako ng malamig. Di kaya multo talaga to?

"Si David ka ba talaga? Baka, multo ka ah!? Nag-aala David ka lang.?" Tanong ko at umaksiyong ilayo ang sarili ko sa mga yakap niya.

"It's me your bestfriend. Let's stay like this for a bit." Mahinhing wika niya. Natigilan ako kaya hindi nalang rin ako umimik. At sumandal narin lang ako sa balikat niya.

"How have you been?" Tanong niya kalaunan.

"Okay lang. Medyo pagod at stressed sa school pero iniisip ko nalang na summer na."

"Did you miss me?"

Ano ba Maro! Stop day dreaming!

"Syempre Oo. I mean hindi!" Utal kong sagot. Ewan ko. Hindi pwedi, ayokong aminin. I mean.

"It's a yes. Thank God." Naramdaman ko ang pag ngiti niya. Nakakagaan naman ng loob. Parang ayaw ko nang humiwalay sa mga yakap niya. Dito nalang ako. Pwedi ba?

Hoy Maro! Mag sitigil ka nga! Waksi ko sa sarili ko.

"Kumusta kana David? Pamilya mo?"

"Okay lang ako. Pero dito parin ako pag-aaralin ni mama ng college. Ayaw niya akong mawala."

"Talaga ba? So ibig sabihin----

" Mami-miss ko na naman yung bestfriend ko." Putol niya sa sinabi ko.

Siniko ko naman siya at tumayo bigla. Dahilan ng pagkahiga niya sa damuhan.

"Ang oa mo ah! Saksakin kita jan eh. Ng pagmamahal." Pero syempre ako lang yung nakarinig sa huli kong sinabi no. Hahahaha

"Ano ka mo?" Hayst! *face palm*

"Naturingang may mukha, bingi naman. Tara na nga! Libre mo kong ice cream. Kararating lang namin. Iniwan naman ako ni Macky."

Ti-next ko nalang rin si Macky na umuwi na siya since ihahatid lang rin naman ako ni David. As usual.

    David's POV

Nakaka panibago...

   Ang dating iyakin na bestfriend ko ay naging amazona na. Kaya narin niyabg protektahan ang sarili niya. Di tulad noon na ako ang pomu-protekta sa kanya.

  At....

At...

At ang ganda na niya...

"Hoy David! Cookies and cream yung akin ah. Tsaka Nova chips. With slurpee narin. Ehihihihi. " sabi ni Maro at isa-isang kinuha yung sinabi niya.

Nandito lang kami sa 7/11 store since ayaw niyang mag resto kami. Nagsasawa na raw siya sa pagkaing mayaman.

Isang factor rin kay Maro, kahit mayaman sila hindi siya maarteng kumakain sa mga public vendors. Kahit nga balot kumakain to eh.

Yung iba kung girlfriends, ang aarte. Pero hindi sa play boy ako ahh. Some of my ex's lang naman.

Hinila naman agad ako ni Maro papuntang cashier. At tiningnan ako ng nagpapa cute. Kinuha ko rin naman agad yung wallet ko at binayaran na yung binili ni Maro ng mapansin ko yung promo board sa may counter.

Pag bumili ka ng isang box ng Dairy milk chocolate ay bibigyan ka ng couple bracelet at mini engagement ring. Kaya binili ko yun chocolate.

"Sakto po sir. Panghulihan nato, muntikan na kasing maubos sa daming couples na bumili nito eh. Bagay po sa inyo ni maam sir." Nakangiting wika ni kuya cashier.

Lol diko tinatanong oy!

Napatingin naman ako ky Maro ngunit hindi ko na mahagilap sa tabi ko. Tinuro naman nung cashier sa isa mga upuan si Maro na nilantakan na agad yung pagkain niya. Tong babae talaga nato. Napangiti nalang ako.

"Sir bagay po kayo. Sana po kayo magkatuluyan." Napangiti naman ako sa sinabi nung cashier.

Pero wait. Ako ngumiti? No way! Agad ko namang hinablot yung chocolate, yung freebie at yung sukli ko. At sinamaan ng tingin yung cashier. Chismosa eh.

Lumapit narin  ako ky Maro at nilapag yung chocolate sa harapan niya. Nag ningning naman agad yung mga mata niya. Sabi ko nanga ba.

"Waaaaah. Akin rin to David?"

"Obvious ba?"

"Ay! Sarkastic mo naman! Pero waaaaaah. Thankies. Hihihi uubusin ko to promise." Ang saya niyang tingnan.

"Dapat lang. Oo nga pala" sabi ko at inilabas na yung couple bracelet. Sinuot ko naman sa kanya yung pambabae na bracelet.

"A-ano to?"

"Freebie sa chocolate, promo kasi nila. Couple to kaya wag kang ano jan." Sabi ko habang sa kamay lang niya naka tingin.

Perfect! Saktong-sakto sa kanya. Kaya sinuot ko narin yung akin.

"Waaah ang cute nito David. Thank you talaga. The best ka! Hihihi. Dali picture-ran natin to. Pang IG. Ma iinggit si Sophie nito."

Pagkatapos ng ilang oras na daldalan ni Maro at kainan. Natapos narin siya sa wakas. Siya na ata pinaka matakaw na taong nakilala ko.

Pauwi narin kami. Hinatid ko siya since medyo malayo yung bahay nila dito sa park. Baka mapano pa ang babaeng to.

"I have my own bike Maro. Balikan nalang muna natin sa parking area sa park."

Nang malapit na kami sa parking area ng park ay naaninag kong naka-upo si Daisy  malapit sa bike ko.

"Hey Daisy." Sabi ko dahilan para mapalingon siya sakin.

"Hey babe. Are we really done? I can't accept it babe. Please come back to me." At nagsimula na siyang umiyak.

Nagulat ako sa ginawa niya. Lumuhod siya sa harapan ko.

"Hey. You're the one who cheated and you're saying I won't leave you? Stop this nonsense Daisy. Excuse me." Kinuha ko yung bike ko at inakay si Maro papalayo sa kanya.

"I won't stop until I'll get you back David. You're mine and always will. You'll be with me by hook or by crook." Sigaw niya at dali daling umalis don.

Hindi ako lumingon at sumakay nalang sa bike ko. Ganun rin si Maro na kanina pa walang imik.

"Hey sorry about that." Una kong sabi sa kanya.

"Ex mo?" Walang emosyong tanong niya.

"Oo. Siya si Daisy Milanis, nag break last two months. She cheated on me with my friend." Nang gigigil ko paring sabi. Ang sakit rin kayang magago.

"I see. But why is she acting like that?"

"Don't have an idea. Okay Maro let's... Let's not talk about her. She's not worth to be talked to. " pag-iiba ko ng usapan.

Ngumiti naman siya at nag bike ng sobrang bilis. Napa ngiti rin naman ako dahil napaka understanding niya. Hindi siya nagagalit hanggang hindi niya alam ang side ng isang tao. At humabol narin ako sa bilis niya.

Ma swerte ako sa kanya...

Maro's POV

Masaya akong single na siya...

*************

A/N: Enjoy reading guys!😊

*Like*Comment*Share*

Love in Summer VacationWhere stories live. Discover now