Jump6

0 0 0
                                    

Hinabol ko si David. Umalis kasi siya bigla tapos nagulat pa ako sa nakita kong mga luha sa mata niya. Neke nemen!

"Maiiwan na muna kita Zeke. Nag tampo si bestfriend eh." Sabi ko at tumakbo na agad.

Hinanap ng mga mata ko si David. Asan na ba kasi yung pagong na yon?

Where art though Romeo?

Pumunta ako sa may gilid ng pool yung pinuntahan ko kanina kung saan ko nakita sina Daisy at David. Hindi nga ako nag kamali.

Naka upo si David sa bench at naka yuko.  Kaya lumapit ako at tumabi sa kanya.

"David..."

Nagulat siya ng bahagya. Kaya dali-dali niyang pinahid yung mukha niya.

Umiiyak nga siya.

David's POV

Nakita ko si Zeke at Maro nag-uusap sa harap ng mansiyon.

Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Daisy para linawin yung samin. Hinanap ko si Maro at natagpuan ko siya dito. Saktong sakto, may kasama pang drinking straw. Nabilaukan tukoy ako tas napa iyak. Ang bakla!

"I'm no longer a bully. I changed as I've said. Because being a bully is the reason why you hated me and liked another man. I'm jealous." Narinig kong sabi ni Zeke.

So? May ibang lalaki na gusto si Maro? Hindi ko man lang alam, naturingang bestfriend. Eh bakit si Zeke alam niya?

Lalo tuloy tumulo luha ko. Ano bayan! Nakakabakla to ah.

Hindi ko mapigilan. At nagulat pa ako nung lumingon bigla si Maro sa kinatatayuan ko at nakita niya for sure yung legendary kong luha.

Kaya mala Cinderella ang show ko. Takbo palayo sa princesa ko. Buti nalang hindi naiwan yung sinelas ko kung hindi sobrang nakakahiya.

Pansin niyo? Sobrang OA ko yata. Sana hindi nalang ako tumakbo, mas cool siguro kapag nag-smile nalang ako non. Ikaaaaw kasiiii! Dabideeeeee, grabe ka-oa-han mong gwapito ka! May paluha pa eh, parang nag confess tuloy ako.

Oo nga no? Baka akala ni Maro eh nasasaktan talaga ako sa narinig ko kanina. Eh hindi ba? Manahimik ka! Sino ako? Sino pa ba?

Anoooooooo baaaa??

Anyways, pumunta nalang ako sa may bench na pinag tambayan namin ni Maro kanina. Bago pa siya man landi nong kabarkada ni Zeke. Harsh ko ata no? Bala sha! Mas gwapo ako!

"David..." nabigla naman ako don!

Ng lingunin ko kung sino. Si Maro pala, dali  ko namang pinunasan yung luha ko sa mukha. Nakakahiya na kaya. Baka akalain ng mga tao eh inaaway ako ng magandang dilag na nasa harapan ko.

"M-maro." Oy bibig! Ba't ka nababakla?

"I'm sorry." Sabi niya at biglang yumuko. Eh?

"T-teka, ba't ka nagso-sorry? " bigla nalang siyang humagulhol pagka tanong ko non.

"Maro? Hoy! Anong problema?" nag-aalala na ako tuloy.

"I'm sorry.." patuloy niya paring sabi habang umiiyak. Kaya yinakap ko nalang siya. Baka kasi giniginaw lang. Di joke, ano, baka kailangan niya. After all we're best friends.

"Bakit ka nga nagso-sorry sakin? Dahil ba sa ginintuang luha ko? Ganon ba yon ka nakaka-konsensiya?" biro ko. Ayun tuloy nasapak sa tagiliran. Huhu. Masakit beh!

"Ano.. kasi, best friends tayo kaso andami kung tinatago sayo." she said in between her sobs.

Napapa-english tuloy ako. Lakas maka-foreigner ha! heeeh.

"Teka..." sabi ko at inilayo siya ng until at tiningnan. Ang kyut! Pula pa yung mga mata niya habang nakatingin sakin.

"Magma-madre ka ba?"

"Aray!" boom! another punch.

"Wag mo nga akong ma biro-biro jan David!" reklamo niya.

"Alam mo? Mag audition ka kaya bilang si one punch man. " biro ko ulit. Kaya ayon, another hit.

"Pag naka triple kill ka talaga Maro hahalikan talaga kita!" nasabi ko out of the blue. Omo! Napa-igting naman siya.

"Gusto kita..." sabi niya na nag-pahinto sakin. Totoo ba to? Ba't ayaw e-absorb nang utak ko?

"M-maro."

"Hindi ko alam kung kelan pa to. Pero hindi ko na kayang itago pa. Best friends tayo kaya sinasabi ko to sayo." straight niyang sabi.

Pano nato oy!? Ito yung gusto ko diba? Na magustuhan rin ako ng taong gusto ko? Una pa nga siyang nag-confess kaya this feels surreal. Kani-kanina lang eh may paiyak-iyak pa akong nalalaman.

"Maro? I feel the same way too but don't you think it's wrong?" sabi ko.

"Huh? I-i . I thought you like me too, pero bakit ganito? Bakit mali?" naiiyak niyang wika.

Yinakap ko siya ulit. Ayokong ma feel niya na nag-iisa siya. Andito parin naman ako.

"Mali kasi best friends tayo." sagot ko na nagpagulo pa lalo sa kanya.

"Eh ano yung luha mo kanina? Akala ko, dahil yun sa narinig mo kanina at baka na misinterpret mo. Kaya nag-desisyon na akong sabihin sayo yung totoo."

"Oo, umiyak ako dahil nasaktan ako sa ideyang baka may iba kang gusto bukod sakin. Ang selfish no? Pero narealize ko rin Maro, na mali. Sobrang mali dahil best friend kita at pinagkakatiwalaan mo ako. Ayokong masira yon."

"Anong mali don? Yung iba nga eh." umiiyak pa rin siya. Ang sakit tingnan na umiiyak yong best friend mo dahil sayo. Medyo feeler ako, pero yon yung totoo.

"Mali Maro kasi ayokong ang taong pinagkakatiwalaan mo ang rason nang mga luha mo bukas. Kilala mo naman ako diba?" Ang selfish ko! Bwesit!

"So sarili mo lang rin pala ang iniisip mo. So that you won't bear anything with your conscience. Now I know, thank you for informing me in advance." sabi niya at umalis sa yakap ko at umalis.

From there, I have felt her coldness. A cold as ice. I have felt there was something taken from me. My heart probably? I was speechless and was crying. Grabe epekto niya sakin no? Ang powerful niya. Nagagawa niyang e-mobilize ang katawan ko ang utak ko, ang puso ko.

And I David, Maria Rosario's best friend is standing here alone in the bench-side near the pool where a loud party is. Realizing that I have been selfish. Very much. What an idiot! Sht!

************

A/N ; Sobrang ikli ba? Sorry. Huhu, feel ko kasi yong  selfishness ni David kaya selfish rin ako ngayon. Lol.
Anyways, malapit na.☺
-cat writer

*Like*Comment*Share

Love in Summer VacationWhere stories live. Discover now