Thank you for jumping this far. :-) I hope you'll find your love too! As much as I want my David and Maro to find theirs.
xoxo
Maro's POV
Everything happens for a reason. You fall inlove to a certain person for a reason. A reason where you cannot fathom easily. Bakit? Dahil bago mo pa malaman kung totoong mahal mo talaga siya ay ihahain ka pa ng tadhana sa nakakalokong mga pangyayari. May it be a life and death situation, a third party, family conflicts or your own feelings itself. Walang makakapagsasabi nito. Either you na may hawak ng nararamdaman mo.
What I've learned in my vacation this summer is that you may hold a very shallow feelings for someone and treat it like fragile vase na sobra sobra kang matatakot kapag nasira mo ito. You may also hold a very strong feelings for someone na masasabi mong "ito na yon". Or sometimes, wala ka talagang espesyal na mararamdaman bukod sa pagmamahal ng pagiging isang kapamilya, wala ng iba. Dependi kung kanino, saan at kailan titibok ang puso mo. At ikaw na ang bahalang mag rate sa intensity nito. Ikaw lang ang makakaalam sa bigat nito, hindi ang mga magulang mo, ang kapatid, ang Phivolcs or ang bestfriend mo. Ikaw lang.
David taught me to stand on my own feet. To be strong to defend myself from any harm. To love someone which definitely made that someone, him. However, David also taught me that what I felt for him was just too shallow to be recognised as heavy to be engaged in a romantic relationship. And he was actually right. I only realised it too late. I over exaggerated my feelings which lead me to give him wrong meanings.
"Honey are you ready? We'll leave in an hour." Sigaw ni nanay sa labas ng kwarto ko. Habang ako nama'y nakatunganga lang.
Vacation is done. Summer is done. At panibagong yugto ng pagaaral ko naman ang aatupagin ko sa Maynila. Our departure somehow left me lamenting. Ang oa pero iyon ang totoong nararamdaman ko. Gusto kong umiyak at mag maktol pero alam kong nandito lang kami for vacation. Mamimiss ko rito...
"Yes nay. Bababa napo ako." Sagot ko ng wala sa sarili.
"Honey, please also wake your brother up may aasikasuhin pa ako." hirit ni nanay bago nilisan ang may pintuan. Tingin ko bumaba na.
Bago pa ako dalhin ng pagliliwaliw ng utak ko ay tumayo na ako at nagtungo na sa kwarto ni Macky. Naabutan ko pa ang loko na nag lalaro sa VR niya. Kahit kailan talaga e isip bata tong lalaking to. Walang pakumbaliang in-off ko yung power ng tv at hinila ang wire nito sa saksakan.
"Ateeeeeeeeee!!" Malakas niyang sigaw at hinagis ang headphones sa kama at sinugod agad ako ng hampas niya. Tatawa tawa nalang ako sa reaksyon niya. Priceless! Ako pa lang yata ang may kayang gawin to sa kanya.
"Magbihis kana kasi. Aalis na tayo in an hour, ibaba mo narin yang bagahi mo pati sakin nasa sa kwarto pa." Usal ko habang inaayos yung medyo nagulo kong buhok dahil sa kabalastugang ginawa niya sakin. Para pang ako ang nakakabatang kapatid dito, ang sadista nang kapatid ko.
"Bahala ka diyan. Sinira mo game ko. Hindi mo ba alam na championship game yon? Ano nalang sasabihin ng mga ka team ko?" Maktol parin niya. Kinurot ko ang pisngi dahil sa panggigil.
"Please brother?" Pa cute kong sabi. Alam ko kasing tatablan at tatablan ang taong to e.
"Oo na! Andiyan ka na naman sa pacute mo eh hindi ka naman cute." Sabi niya at pumasok na sa banyo at nagkakamot ng ulo.
"Hindi ka tatablan kung hindi talaga ako cute brother! Pa hiram ng laptop mo ahh? Stream lang akong got7 Mack! Love you!" Sabi ko at hindi na hinintay ang sagot niya't lumabas na papuntang sala.
Doon nalang ako tatambay since dala ko naman ang sling bag ko na naglalaman ng personal kong mga gamit. Ibababa narin naman na ni Macky yung maleta ko. Kaya wala ng problema at diretso nakong lalakad kung sakali.
YOU ARE READING
Love in Summer Vacation
Short StoryA story of a teenage girl finding love because of vacations. Will her love remain only during that period of time? Or will it remain forever? Let's find out!