Jump4

0 0 0
                                    


Nakarating kami sa bahay ni David ng tumatawa. Na slide kasi yung bike niya kaya ayon, na roll siya sa daan. Sobrang tawa ko kahit nagkanda sugat-sugat na siya. Kahit siya rin naman tumatawa sa nangyari sa kanya.

"Nay! I'm back. I'm with David." Sigaw ko pagka pasok sa bahay.

Inakay ko naman sa sala si David. At kumuha ng emergency kit sa cr. At nilinis nayung sugat sa braso ni David.

"Hey sis. Wala sina nanay at tatay. Pumunta sa party sa bayan. " sabi ni Macky habang pababa ng hagdan bitbit ang ipod niya.

"Huh? Party?" Tanong ko ng hindi parin naka tingin ky Macky.

"Oo sa bahay ni Mayor. Pool party yun. Tara punta tayo? Sigurado may chicks dun! "

"Nag mumukha kanang rooster niyan Mackenzy. Magsitigil ka." Pigil ko sa kalandian ng kapatid ko.  Kebata pa nito.

"Actually Maro. Pupunta ako sa party. Every year kasi may paparty si mayor eh. Sama kana."

Tiningnan ko naman si David na nakangiti at kay Macky na naka ngisi.

"A-aray Maro." Reklamo niya, na diin ko kasi yung bulak sa sugat niya.

"Sorry. Okay fine. Let me change first."
At hinipos ko na yung emergency kit.

"Wait. Pano ka David? Uuwi kapa para magpalit?" Tanong ko sa kanya.

"No worries sis. Papahiramin nalang kita David. Magkasing muscle naman tayo eh. Haha"

"Thanks bro." At umakyat nanga si David at Macky sa kwarto nito.

Sinuli ko nalang yung kit sa cr at umakyat narin sa kwarto.

Pagkarating ko, nasa cabinet na lahat yung mga gamit ko. Pati narin yung mga kits ko, nasa table na. The best talaga si Nanay.

Agad akong nag shower at kinuha yung baby blue two piece ko at sinuot yun. Kinuha ko narin yung Gray see through ko for my top. At nag lip tint ng konti. And olah! Ganda ko na. Hahahhaa charot lang. Kinuha ko yung towel ko at lumabas na.

Nasa sala na sina David at Macky parehong naka Black shirt at swimming trunks nila. Ang hoooot ng mga lolo niyo mga bakla. Hahaha siguradong dudumugin tong kapatid ko and of course David. But with me? Nah! No one could. Hahahaha charot lang. As if naman.

"Panga mo Macky. Magkapatid tayo tandaan mo." Natatawa kong usal. Hahaha obvious sa dalawa eh. Star strucked sa ate niyo. Hahaha

"Do you really need to wear like that? I'm not saying you're not beautiful because you're one hell gorgeous but it's too revealing." Wika ni David.

Uh-oh. Talaga? Nang yukuin ko ang katawan ko. Cleavage in, slim in, butt in then legs in. Woah! Tama nga si David, too revealing. But I like it. I feel confident with this.

"No way David. Ayoko namang mag mukhang lola ang ate ko dun no. Atleast pareho kaming hot. Hahaha tsaka andiyan ka naman ah. Kung ayaw mong may  tuminging iba sa kanya. Edi protektahan mo." Sabi ni Macky out of nowhere at bigla nalang kinuha yung car keys at lumabas na ng bahay.

Errr. Awkward. Nagkatitigan kami ni David at nag-iwas rin. Ahhh. Anong sasabihin ko mga bakla? Tulong naman oh.

"Ahm. Maro ako na." Sabi niya at kinuha yung towel na dala ko.

Ngumiti naman ako at sumunod na sa kanya. Pinag buksan niya ako ng pinto at sabay kaming tumungo sa sasakyan. Sumakay ako sa likod ngunit sinamaan ako ng tingin ni Macky.

"Ayokong maging driver niyo. Kaya si David ang mag da-drive ikaw sa passenger seat. " mataray na wika ng kapatid ko. Binatukan ko naman dahil akala mo kung sino ang mokong nato. Nag pout naman ang loko kaya napangiti nalang ako. Hahaha

Love in Summer VacationWhere stories live. Discover now