David’s POV
Dalawang oras lang ang tulog ko kakaisip sa kalagayan ni Maro ngayon. Talagang sobrang nag-aalala ako ngayon. Sobra-sobra.
“ Heto mag kape ka muna, hinahanda na nila ang kagamitan. Paparating narin rito ang mga pulis. ” wika ni Zeke at binigay sakin yung mainit na kape.
“ Mukhang napapadalas ang pagbibigay mo sakin ng kung ano-ano ha. ” biro ko.
“ Gago! Mukhang kailangan mo kasi, kaya ganon. ” sabi niya at bigla siyang napalingon palayo.
“ Anyway, maraming salamat pala dito Zeke. ” walang halong biro yan.
“ Don't be, Maro's a friend too. Let’s go, everything seems ready. Maro’s safety can’t wait anymore I guess. ” wika niya at nauna ng lumabas ng bahay.
Sumunod agad ako sa mga yabag niya at di kalaunay nakasakay na kami sa itim sa van nila Maro. Kasama rin namin ni Zeke ang parents ni Maro lalo na si Macky na hindi magkaugaga sa kakalikot sa laptop niya. Just to make sure our target hasn’t changed course yet.
Nang umandar na ang van, nag signal narin si Zeke sa iba pang kasamahan namin na legit na nga kaming lalarga. Habang papunta sa paruro-onan namin nag alay ng dasal si tita para sa kaligtasan ng lahat lalo na kay Maro at sa balak narin naming pagligtas sa iba pa.
*screeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeech
Ng pag-preno ng van, agad-agad na kaming kumilos lahat maliban nalang kina tito at tita na nasa loob lang nang van at taimtim na nagdadasal. Balak pa nga sanang sumama ni Macky pero pinigilan ko siya at inatasan nalang sa pagpatuloy na pang-hack sa mga open cameras around the area para kung sakaling may aberya at makatakas ang criminal ay may taong nakaabang kung saan siya lalabas mula sa kanyang lungga. Sumang-ayon naman si Macky at binigyan nalang ako ng bluetooth headset na direktang naka on-call sa kanya para mas mabilis niya akong ma contact ano mang oras.
Nag bitbit narin ako ng batuta. Oo nakakatawa pero paninigurado lang to. Baka nga matapon ko na to dahil baka kerri ko lang ng mano-mano yung kidnapper.
Spell gwapo na cool... D-A-V-I-D
Lahat ng mga kasamang pulis namin ay nagsi-pwesto na. Ang iba ay sa harapan dumaan yung iba naman ay pinuntahan ang may bandang likod at sa kaliwa’t kanan narin. Tanging ang mga tauhan nalang ni Zeke ang natitirang nag susubaybay sa lahat ng labasan ng bahay.
Ako, nag-iba ako ng rota dahil yun ang sinabi sakin ni Macky. Pumasok ako sa may bandang kaliwa dahil sabi niya way nakita raw siyang daanan dito. Sinunod ko naman yung mga sinabi niya.
Dahan dahan akong pumasok at sinikap na huwag makagawa ng ingay sapagkat baka maalerto yung kidnapper at tangkaing itakas yung mga babae ng hindi namin alam. Although hindi niya madadala lahat, may posibilidad paring isa sa madadala si Maro.
Kumusta na kaya siya? Hindi ba siya sinaktan o pinahirapan nung walang hiyang lalaking yon? Iniisip ko pa lang kung anong nangyari sa bestfriend ko parang gusto ko ng pumatay.
*aaaaaaahhh!!
Isang sigaw ng babaeng sobrang natatakot ang umalingawngaw sa buong bahay. Pero wala parin akong makitang kwarto na pinagmumulan non. Agad akong napa-alerto sa narinig ko at mas lalong pina igting ang depensa ko.
“ Narinig ko yung sigaw kuya and base from what I heard hindi nanggaling sa ibabawng parte ng bahay ang ganong sigaw. Probably nasa isang basement since hindi rin naman to two-storey building. ” sabi sakin ni Macky sa kabilang linya.
YOU ARE READING
Love in Summer Vacation
ContoA story of a teenage girl finding love because of vacations. Will her love remain only during that period of time? Or will it remain forever? Let's find out!