Maro’s POV
Umalis ako doon. Umalis ako sa lugar kung saan ang una naming pinuntahan ng BESTFRIEND ko pagkarating ko agad dito. Ang lugar kung saan nasabi ko narin sa wakas sa kanya ang tunay kong nararamdaman sa kanya sa loob ng napakatagal na panahon. At sa lugar ding iyon ako nawalan ng bestfriend, ng mahal. Bakit? Dahil nagpadala ako sa agos ng galit ko. Ewan, tingin ko lang talaga kay David sa mga sinabi niya kanina ay isa siyang napaka selfish na tao. Katangian niya na ngayon ko lang nalaman
Selfish nga ba siya Maro? Oh natakot kalang na e-reject ka niya kaya yung mga salita na yon ang pumasok agad sa isip mo? Napakababaw!
Ano ba! San ba ako lulugar dito ha? Puso o isip? Char!
Naglalakad na ako pauwi ngayon kahit gabi na. Hindi narin ako nakapag-paalam kina mama at papa pati narin kay Macky. Haays. Pero ang nakakainis nga lang, bukod sa hindi ko dala ang cellphone ko ngayon ay tanging ang tuwalya lang na binigay sakin ni David kaninang pag-ahon ko sa pool ang humaharang sa naglalagablab kong katawan. Two piece nalang ang panloob. Tingnan mo, David na naman. Hmmmm.
Medyo madilim narin ang parte ng nalalakaran ko at medyo malayo na sa mansyon. Natatakot narin ako dahil baka may multong bigla nalang magpapakita dito. Matatakutin pa naman ako.
“Huwag kang matakot sa mga multo, mas matakot ka sa pweding gawin sayo ng mga tao. Kaya mag-ingat ka palagi Maro ah? Lalo na kapag wala ako sa tabi mo.”
Sino nga ba ang nagsabi non? Syempre walang iba, ang bukang bibig ng reyna.
Habang iniisip ko kung naging oa nga lang ba ang naging walk out scene ko kanina ay biglang naramdaman kong parang may sumusunod sakin. Ewan, alam kong matatakutin ako pero talagang natatakot na ako ih! Hindi pa naman desente tong suot ko! Bakit kasi may pa walk-out pang nalalaman.
Ikaw kasi Maria Rosario ih!
Pssst…
Pssssst…
Psssssssst.
Nako lagot, hindi ko alam kong multo pa ba yun oh talagang manyak na tao na talaga. Oh baka naman manyak na multo? Ay! Wag yan, mas nakakatakot na ata yan eh. HAHAHA. Aba? Nagawa pang tum----
Psssssssssssst angsaraaaaap mo naman, hihihihihi.
Diyos koooooooo!! Hindi nato multo! Taong manyak na talaga to. Walang halong joke, sobrang takot ko na kaya napatakbo ako ng sobrang bilis. Mala the flash..
“Huli ka! hihihi” sabay hablot nang buhok ko at pinatong sa ilong ko ang isang panyo.
YOU ARE READING
Love in Summer Vacation
Short StoryA story of a teenage girl finding love because of vacations. Will her love remain only during that period of time? Or will it remain forever? Let's find out!