Waaahh. How nice it feels to back here. Ilang buwan naring hindi ako nakakapunta rito. Sa bahay namin ay wala paring nagbago. Ngunit yung mga daan na maputik ay naging cemento na. Marami-rami narin ang kabahayan. Grabe talaga ang takbo ng panahon.
"Nay? Alis muna ako ahh. Pupunta ako ng bayan." Pamama-alam ko kay nanay na nag-uunpack sa gamit namin.
"Gumagabi na. Mag bisekleta ka. Tsaka Mackenzy!! Samahan mo ate mo." Sagot naman niya. Lumukot naman ang mukha ko. May guwardiya na naman kasi ako.
"Aye! Aye! My Queen. Let's go princess?" Sabi ng kapatid ko at kinuha na yung bike niya. Kinuha ko yung sling bag ko at bike narin.
Ilang minuto ng pag bi-bisekleta mula sa bahay ay narating rin namin ang bayan.
"Mackenzy. Ano bang ganap sa buhay mo?" Wala sa mundong tanong ko sakanya.
" Ikaw ate. Kelan ka kaya makaka move-on sa summer lover mo?" Sa tanong niya ay bigla naman akong natigilan.
(Flashback)
Napaiyak ang batang 5 taong gulang na babae dahil sa sakit ng kanyang tuhod. Dahil habang naglalaro kasi siya sa manika niya bigla itong inagaw ng isang matabang batang lalaki. Kaya hinabol niya ito at nadapa siya.
Habang tinatawag ang mama niya ay may isang guwapong batang lalaki ang lumapit sa kanya at binigyan siya ng panyo.
"Wag ka ngang umiyak. Malayo kaya sa bituka yan." Bulol-bulol pa nitong sabi.
Tinanggap ng batang babae ang panyo at pinunas sa luha niya at kalaunan ay tumayo at nagpagpag ng nadumihang damit.
Nagulat pa siya ng bigla siya nitong hilahin malapit sa swing ng play ground at pinaupo dun.
Yumuko ang batang lalaki at naglabas ng band-aid at nilagay sa sugat ng batang babae. Dahil sa ginawa ng batang lalaki ay napangiti ang batang babae sa ginawa nito. Kinilig siya sa ginawa ng lalaki. Na para bang nasa pelikula sila.
"Anong pangalan mo?" Bulol-bulol na tanong ng batang lalaki.
"Maro Elgort." Cute na sagot ng batang babae.
"Kakilala mo ba si Ansel Elgort? Idol ko yun, magka-apelyido kasi kayo." Sagot naman ng huli.
"Kuya ko siya." Dahil sa sagot ng babae napangiti ng sobrang lawak ang batang lalaki.
"Ikaw anong pangalan mo?" Balik na tanong ni Maro.
"David Herona." Sagot ni David
Napangiwi naman si David dahil sa biglaang pagtawa ni Maro. Napatitig siya sa mukha ng babae. Napaka-ganda nito. Malilit na ngipin at mapupulang labi. Sa murang pag-iisip ni David ay alam niyang crush niya si Maro. Matagal na itong pabalik-balik sa kanilang baryo ngunit hindi niya malapitan. At ngayon nakaka-usap na niya.
"Bakit ka tumatawa Maro?" Bulol niyang tanong sa kabila ng pagtawa ng batang babae.
"Talaga bang ganyan ka magsalita?" Hindi parin maiwasang mapatawa ni Maro.
Napayuko naman si David kasi kadalasan sa mga kaibigan niya ay tinutukso siya sa pagiging bulol niya. Nalungkot naman si David dahil akala niya iba si Maro. Ngunit natagil ang batang lalaki ng hawakan ng batang babae ang kanyang mga kamay.
"Wag kang malungkot. Hindi naman kita hinuhusgahan. Tinatanong ko lang. Ngunit kung hindi mo sasabihin okay lang rin... David." Nakayukong wika ni Maro.
YOU ARE READING
Love in Summer Vacation
Short StoryA story of a teenage girl finding love because of vacations. Will her love remain only during that period of time? Or will it remain forever? Let's find out!