KABANATA 1

135 8 0
                                    


Ang Pagbabalik-Tanaw

Napansin kong tumingin ka sa akin, kaya naman napatingin din ako sa'yo. Nagtitigan tayong dalawa na parang tayo lang ang nasa paligid at tayo lang ang andito. Ngumiti ka na parang ngayon ka na lang ulit naging masaya kaya napangiti din ako, ilang segundo lang ang lumipas, sabay tayong tumawa na pawang alam natin ang iniisip ng bawat isa.

Apat na taon..

Apat na taon na tayong magkasama..

Akala ko ikaw na ang pinakamumuhian kong lalaki sa balat ng lupa noong nagkita tayo.

Akala ko lang pala 'yun.

Tumatawa lang tayong dalawa hanggang sa huminto ka kaya napahinto din ako.

"Bakit?". Tanong ko sa'yo pero tumingin ka lang sakin na parang may dumi ako sa mukha. Ewan ko, natatakot ako na baka mamaya sa pagtitig mo sakin, hindi ka nagandahan.

Nakakatakot.

"Wala, cute mo kasi". Sabi mo sabay pisil sa pisngi ko sabay takbo palayo sa akin. Alam mo kasing hahabulin kita. Pero hindi, tumayo lang ako sa kinatatayuan ko at hindi kumibo.

Ngumiti lang ako sa'yo at inaalala ang nakaraan.

First year high school ng maging magkaklase tayo. Asar na asar ako sa'yo noon dahil sa tingin ko ay ikaw ang pinakamayabang na lalaking kilala ko.

Naasar din ako dati sa'yo dahil panay ang pisil mo sa pisngi ko kahit hindi naman tayo close noon. Hindi tayo magkaibigan kaya lalo akong nabwibwisit sa'yo, dahil ang kulit kulit mo.

Isa kang malaking papansin, epal at ipot sa buhay ko.

Hanggang dumating ang araw kung naalala mo pa ba nang umuulan ng malakas, wala akong payong na dala. Sumugod ako sa ulan, papuntang 7/11, di alintana kung lalagnatin ako kinabukasan. Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit hindi ko itinuloy ang pagsugod ko sa ulan hanggang sa sakayan ng jeep. Basa na naman kasi ako, ano bang pinagkaiba nun?

Siguro wala ka sa sakayan ng jeep.

Nagulat ako sa aking pagpasok sa 7/11, mag-isa ka lang na nakaupo sa tapat ng salamin at nakatingin sa labas. Tila may utak ang mga paa ko't naglalakad papalapit sa'yo. Bago ako makapagsalita, tumingin ka sa akin.

Para kang nagulat na nakita mo ako doon. Yumuko ka at kinusot ang mga mata mo. Medyo natawa pa ako ng lihim dahil akala mo hindi ko gets na umiiyak ka pala nun. Pero alam ko 'yun, kahit hindi mo sabihin, nahalata ko nang umiyak ka.

Tumingin ka ulit sakin at ngumiti ng isang peke. Isang pekeng ngiti na hindi umaabot sa mga mata mo dahil may lungkot pa ding nakabahid dito. Ngumiti naman ako at doon ko napagtanto, gwapo ka pala.

Apat na taon.
Apat na taon na akong nagwagwapuhan sa'yo.
Sa'yo, sa'yo na best friend ko.

Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon