Ang Manhid Mo!-------------------------
At ngayong college na tayo.
Walang pinagbago sa ating dalawa.
Ikaw pa rin iyan at ako pa rin Ito. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o ikakalungkot ang lahat.
Hanggang ngayon kasi,
Best friend pa din.
Hanggang doon na lang.
Pero bakit nga ba ako maghahangad ng mas mataas pa doon? Isa ng pribilehiyo sa akin na ako ang nag-iisang babae na pumasok sa buhay mo at hindi na lumabas. Na kahit nanay mo iniwan ka.
"Alam mo thankful ako", ayan ka na naman sa ngiti mong iyan. Nakakainis ka, alam mo ba iyon? Hindi mo alam kung anong mararamdaman ko sa tuwing nginitian mo ako at kung minsan nahihirapan na din akong pigilan ang kilig na dinulot na iyon.
"Bakit naman?", ngumiti din ako.
Naisip ko na behind your smiling face ay isang lalaki na kinikilig din sa tuwing ngumingiti din ako.
Pero huh, Aasa ba ako?
"Kasi-", biglang naputol ang pag-uusap natin dahil lumapit si Tom. Hindi ko alam kung ako lang ba iyon o talagang masama ang tinginan ninyo sa isa't-isa.
"Uy, Pwede ka ba sandali?", hinatak ako ni Tom at napansin kung nagulat ka. Nagulat din ako dahil sa tingin na ipinukol mo kay Tom. Habang hawak ni Tom ang braso ko, asar na asar ako sa kanya dahil nilalayo ka niya sa akin.
"Ano ba iyon?", asar na asar na tanong ko.
"Hindi ko alam kung tama ba na ngayon ko ito sasabihin pero gusto kong malaman mo na mahal kita, higit pa sa pagiging isang kaibigan. Pwede ba kitang ligawan?", nablanko naman ang mga mata ko, kinabahan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong ni Tom. Naguluhan ako bigla. Biglang pumasok sa isip ko ikaw, ngumiti ka sa akin at sinabing;
"Kung saan ka masaya, doon ako liligaya......best friend", para kang nang-aasar nang sinabi mo ang katagang 'bestfriend' na para bang magkaibigan kang talaga tayo.
Biglang nainis ako sa naisip ko.
Hindi man literal na sinabi mo iyon, ang nasa isip kuna ang nagsabi na hanggang bestfriend lang talaga tayo at dapat huwag na akong maghangad pa nang sobra.
"Pag-iisipan ko", nginitian ko siya at iniwan siyang nakatayo. Naglakad ako palayo pero laking gulat ko ng nakita kitang nakatayo at nakasandal sa poste.
"Bakit mo pa pag-iisipan?", nahiya ako bigla. Sa dinami-dami nang pwede niyang marinig, iyon pa!
"Gwapo naman si Tom di'ba, mabait, may pagkaloko nga lang", naiinis ako sa'yo. Kung alam mo lang. Nakakainis ka!
"Wala ka bang ibang gusto? Bakit hindi mo subukan? Nagtataka nga ako kung bakit sa apat na taon nating pagkakaibigan ay wala ka pang pinakilala sa akin" tumingin ka sa mga mata ko't nakangiti pa na parang ansaya-saya mo dahil may nagkakagusto na sa akin.
Bakit ba hindi mo alam?
Bakit ba hindi mo inalam?
Bakit ba hindi mo ramdam?
Bakit ba ang manhid mo?
Bakit? Bakit?!Wala naman akong ibang gusto.
Wala akong ibang hangad
Wala akong ibang mahal kundi
Ikaw lang
Ikaw lang...Kahit iba ang gusto mo.