PagpapanggapKailangan kung paukit-ulit na alalahanin na bestfriend kita at hanggang doon lang ang pagmamahal na dapat na ilaan para sa'yo. Kailangan kong kalimutan na mahal kita ng higit pa sa matalik na kaibigan.
Nagtagal ang relasyon ninyong dalawa. Masaya ka, masaya siya at ako? Masaya ako......ata? Nagparaya na ako dahil alam kung mahal ninyo ang isa't isa.
Sabit lang ako.
Oras, araw at buwan ang lumipas, walang bahid nang kung ano mang paghihiwalay ang inyong relasyon. Naalala ko nga nung prom natin, sinayaw mo ako nun at masayang-masaya ako.
Naging prinsesa ako panandalian dahil sa pagsayaw mo sa akin. Ang masama nga lang, siya ang pinag-uusapan natin noon. Gusto ko sanang sabihin sa'yo na inis na inis na ako sa'yo dahil siya lagi ang bukambibig mo.
Siya na lang lagi,
Pwedeng iba naman?
Pwede namang tayo muna,
Kahit anong oras lang naman.Pero ano nga lang ba ako?
Ay, oo nga pala.
Ako nga pala ay
Hamak lang na bestfriend di'ba?Oo tanging bestfriend mo lang kaya wala akong karapatan. Tungkulin ko lang bilang bestfriend mo ay maging andiyan sa tabi mo tuwing kailangan mo ako, tuwing kailangan mo nang karamay.
Nothing more,
Nothing less.Lumipas ang ilang minuto nung gabing iyon, tumigil ako sa pagsasayaw dahil last na! Alam ko naman na sa una pa lang, siya na ang gusto mong ka-last dance kaya naman umalis ako sa dance floor at naupo.
Masayang-masaya kayo sa huling
sayaw ninyo. Ako? Nakatitig sa inyo, nakangiti habang tumutulo paunti-unti ang luha.Masaya ako, huwag kang mag-alala,
Masaya ako dahil sa akin lang
Ikaw ang una't huli kong kasayaw.Umuwi akong luhaan pero may ngiti sa labi. Gusto ko ialis ang larawan sa isip ko nung mga sandaling nakatingin ako sa inyong dalawa na masayang nagsasayaw pero hindi, ako mismo ang gumagawa ng paraan para lalo akong masaktan.
Makakatulog na sana ako nang bigla kang pumasok sa kuwarto ko.
Wala kang sinabi. Nagulat na lang ako nang bigla-bigla ay niyakap mo ako. Umiiyak ka at hindi ko Alam ang gagawin ko. Kung noon ay malungkot ka lang nung niyakap mo ako, masaya ka nung niyakap mo ako------ ngayo'y umiiyak ka na.
"Bakit anong nangyari?"
Umiiyak ka lang ng umiiyak at sinabing:
"Hindi na niya ako mahal"
Gusto ko din mapaiyak sa mga oras na iyon at sabihin sa'yong: 'Ang tanga mo kasi. Kung sana ako na lang, hindi ka masasaktan ng paulit-ulit'
Pero bakit ko pa sasabihin? Para sirain ang pagkakaibigan nating dalawa?Huwag na lang