KABANATA 10

10 1 0
                                    

Pangungumusta

------------------------------

Ngunit kahit ayoko man ay napangiti din ako.

KAGAGUHAN

Ano itong kagaguhan na ito?

"Kamusta?" Ngumiti ka na parang walang nangyari nung huli tayong nag-usap.

Nakakainis...

Nakakaasar...

Parang nalimutan mo na lahat ng sakit na ibinigay mo sakin dati.

"Oks lang". Pinatuloy kita sa bahay. Binigyan ng juice at umupo tayong dalawa sa sofa.

Walang nagsasalita...

Walang kumikibo...

Wala...

Tanging ang T.V lang ang nagbibigay ingay sa buong bahay.

Awkward silence...

Magsasalita na sana ako para tanungin kong hindi ka pa ba uuwi pero naunahan mo ako.

"Kayo pa din ba?"

Tumingin ka sa mga mata ko na parang interesado kang malaman kung kami pa ba ni Tom. Napangiti ako bigla. Hindi ko naman sinabi sayo na sinagot ko na siya pero alam mo naman pala.

"Paano mo nalaman?", May care ka pala sakin.

"Kalat sa buong school bago ako umalis"

Parang biglang nadurog ang puso ko nang sabihin mong kalat sa school. Parang ipinahihiwatig mo sa akin na kaya mo lang nalaman ang tungkol samin ni Tom ay dahil kalat ito sa school. Ayaw mong malaman pero nalaman mo naman.

Bwiset ka.

"Ah". Hindi ko na alam ang sasabihin ko. We've been bestfriends for years pero mukhang hindi na kita kilala. Hindi ko pala talaga kilala ang tunay na ikaw.

Wala kang kwenta...

Wala akong kwenta...

Katahimikan...

Binalot na naman tayo ng katahimikan...

Hindi na talaga tayo tulad ng dati kung saan bata pa tayo. Hindi na tayo tulad ng dati na pwede nating sabihin ang lahat ng bagay sa isa't-isa. Hindi na tayo tulad ng dati na maingay kahit na tayong dalawa lang...

Hindi na tayo yung dating magkakilala pa...

Hindi na tayo yung dating magka-ayos pa...

May sarili na akong buhay...

Siguro may sarili ka na ding buhay...

Kanya-kanya na tayo nang mundo...

Hindi na tayo yung dating...

Best Friends...

Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon