Pagbabago (Part II)
--------------------------------
Masakit man pero pinilit kong kalimutan ka.
Hinayaan ko ang sarili kong sumaya
Hindi man ganun kasaya, pinilit ko pa din.
Hindi man ako sigurado sa nararamdaman ko,
Sinagot ko si Tom.
Hindi ako binigo ni Tom. Hindi niya ako binigyan ng problema. Masaya siya kasama. Magaling siyang mag-alaga. Siya talaga iyong tipo ng lalaking mainlove sa sobrang boyfriend material.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagluluto kami ng hapunan namin. Kung tutuusin nga ay gwapo din naman si Tom kaya lang ewan ko nga ba, may kung ano ka yatang karisma na wala sa kanya.
Nagdaan din ang buwang,
Hindi na tayo nag-uusap
Hindi na tayo nagpapansinan
Hindi na tayo magbestfriendHindi na talaga!
Ganun lang iyon.
Oo, ganun lang.
Ganon lang talaga iyon."Bakit ka ganyan makatingin sakin?", nakangiting tanong ni Tom sa akin. Niyakap ko siya mula sa kanyang likod at pinatong yung ulo sa likod niya.
"Cute mo kasi", tumawa kaming dalawa. Kahit papaano si Tom ang nagbibigay sa akin ng ngiti. Hindi niya ako pinapabayaan kahit anong mangyari. Hindi niya ako hinahayaang mag-isa. Hindi niya ako hinahayaang malungkot.
At hindi ko rin maitatangging,
Gusto ko na siya.
Araw, buwan at taon
Oo, dumaan ang tatlong taon.
Nawala ka na parang bula na kahit isang paalam galing sa'yo, wala akong nakuha sa'yo.
Mabilis ang panahon
Mabilis ang oras,
Kami pa din ni Tom.At hulaan mo,
Natutunan ko kahit nung una ay parang pilit. Hindi kasi kita matanggal sa isip ko. Ewan, siguro iba lang talaga ang impact mo sa akin. Gusto ko si Tom pero ikaw ang mahal ko. Para bang ginamit ko lang si Tom, ewan. Pero ngayon alam ko sa sarili kong,
Mahal ko siya.
"Babe, uwi na ako", hinalikan niya ako sa pisngi at tuluyan ng umalis sa bahay. Gabi na din at para makapagpahinga na din siya. Nanood na lang din muna ako sa telebisyon -- nagpapalipas ng oras nang may kumatok sa pintuan.
Pagbukas ko ng pinto. Nagulat ako at para bang biglang tumigil ang oras.
Naghalo ang lungkot at saya.
"Long time, no talk"