Pagbabago
-----------------------------------
Nag-iba ka na.
Hindi na ikaw iyong lalaking nakilala ko.
O baka iba lang iyong lalaking nakilala ko noon.
Papunta ako ng 7/11 at dala-dala pa rin iyong sakit ng pang-iisnab mo sa akin. Mugto pa din ang mga mata ko pero wala akong pakialam. Minsan naiisip ko itong 7/11 na ito ay isa sa mga nagpapasaya sa akin.
Hindi pa ako nakakalapit sa 7/11 ay may natanaw akong lalaki na nakatayo. May binuga siyang usok at sa hindi malamang kadahilanan, kinabahan ako.
Lumapit ako ng kaunti ng may lumapit na babae sa lalaking iyon. Kinuha nung babae yung stick ng sigarilyo na hawak-hawak nung lalaki at siya naman iyong naninigarilyo.
Nangilabot ako nung nilapit ng babae yung bibig niya sa bibig ng lalaki at binuga yonh usok ng sigarilyo sa bibig ng lalaki. Pero mas kinilabutan ako dahil pagkatapos ng ginawa nilang mag share ng usok sa bibig nila ay naghahalikan sila.
Lumapit ako lalo at mukhang mali ata ang paglapit kung iyon. Parang tinusok ng isang libong karayom ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Ayoko man maniwala sa nakikita ng mga mata ko pero hindi ei. Totoo ito!
Anong ginagawa mo?
Bakit ka nagkakaganyan?
Anong nangyayari sa'yo?
"Babe, kilala mo?", tumingin ka lang sa akin pero hindi ko pinansin iyong babae at sa'yo ako nakatingin. Hindi ko masyadong maaninag ang mga mata mo dahil against sa light ito pero alam kong nakatingin ka sa akin.
"Sandali lang", nakatitig lang ako sa'yo. Hindi ko lubos maisip na hahalikan mo iyong babaeng iyon sa harap ko, na para bang sinisigaw mo sa tenga ko na hindi mo ako mahal, hinding-hindi mangyayari.
Hinatak mo ako papasok ng 7/11 habang naiwan iyong babae na kahalikan mo sa labas, naninigarilyo. Hindi ko inakalang mapapasama ka sa ganyang klase ng tao. Hindi ko inaakalang ang dating ikaw na kilala kung ayaw na ayaw ng usok ng sigarilyo ay maninigarilyo.
"Bakit ka nandito? Gabing-gabi na", tinitigan kita sa mga mata. Gusto ko makita mo sa mga mata ko na naiinis at nagagalit ako sa mga kinikilos mo.
"Bakit ikaw? Bakit ka nandito? Para makipaghalikan sa babae at manigarilyo?", sumama ang tingin mo sa akin na parang sinasabi mo sa akin na 'shut up'. Nagtinginan lang tayong dalawa na parang may halong galit ang bawat segundong lumipas.
"Wala kang alam"
"Wala akong alam kasi hindi mo naman pinapaalam. Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka ba nagkakaganyan? Akala ko ba bestfriends tayo?", at sa puntong iyon parang nagkamali ako ng pagpili ng salita. Dapat pala hindi ko sinabi iyon. Hindi ko inakalang sa pagbigkas ko ng mga salitang iyon ay siya din magpapaiyak sa akin.
"Akala mo lang iyon", tiningnan mo ako sa huling pagkakataon at iniwan ako. Lumabas ka ng 7/11 habang umiiyak na naman dahil sa'yo.
Dahil akala ko kahit masakit,
bestfriends tayoAkala ko lang pala iyon.