KABANATA 6

26 3 0
                                    

Paghangad......Sa Wala

--------------------------

Sa apat na taon na lumipas na nakilala kita.

Wala ni isang lalaki ang pumukaw sa atensyon ko.
Wala akong ibang nagustuhang lalaki.
Wala ni isang lalaki ang nagpaningning sa mata ko.

Siguro kasi wala nang iba ang hinahanap-hanap ang puso ko.

Ikaw lang,
Ikaw lang talaga
Para sa akin, ikaw na ang lahat.

Ikaw na ang hinahanap ko sa isang lalaki, Hindi ka man perpekto
Hindi ka man yung tipo na pinagkakaguluhan ng mga babae
Alam ko sa sarili - Ikaw ang kailangan ko

Pero iyon ay para....sa akin lang

Ang mali ko kasi, hindi ko inalam kung ano nga ba ako para sa'yo kahit na alam ko sa sarili ko na sa una pa lang, wala na ako sa'yo

Best friend lang talaga.
Iyon na 'yon.

Habang nagmumokmok ako sa kwarto ko at iniisip ang mga nangyari kanina, nagvibrate ang cellphone ko. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang pangalan mo. Nagtext ka na pumunta ako sa bahay ninyo within 15 minutes.

Natuwa ako siguro kasi naalala mo ako. Excited ako kaya naman nag-ayos ako at pumunta na sa inyo agad. Masaya ako, basta feeling ko maganda ang mangyayari pag nagpunta na ako sa inyo. Masaya ako kasi siguro makikita na naman kita, ewan ko masaya lang talaga ako.

Pero hindi lahat ng saya ay mananatili.

Madilim ang paligid at tanging ilaw na lang ang nagbibigay liwanag sa buong kalsada. Sa baba ng poste, may nakita akong dalawang tao na parang masayang magkayakap.

Lumapit ako ng kaunti at tiningnang mabuti ang senaryo. Napagtanto ko na lang na nanonood pala ako sa paghahalikang nagaganap sa harap ko. Isang romantikong paghahalikan ang nangyayari na naging dahilan ng pagtulo ng luha ko.

Ang sakit
Ang sakit makita,
Ang sakit ng puso ko.

Kasabay ng tuluy-tuloy na pag-agos ng luha ko ay tumalikod ako't umiyak ng tuluyan dahil nag sink-in sa utak ko na

Ikaw pala iyon at isang babaeng hindi ko kilala.

Nawala bigla lahat ang sayang narandaman ko kanina na parang kinuha mo lahat ng lakas ko.

Pumasok ako sa 7/11 nang hindi ko alam kung anong gagawin ko dito, nang makita ko si Tom. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng makita niya akong luhaan.

Inis na inis ako sa sarili ko.

Bakit ba ako patuloy na umaasa sa'yo?
Bakit ba ako patuloy na aasa sa bestfriend ko?
Bakit ba ako patuloy na magpakatanga sa bestfriend ko?

Bestfriend nga lang di'ba?
Best friend lang kita, dapat!
Bestfriend lang.

At masasabi kung ang tanga-tanga ko nang maisip kung magiging masaya din ako...sa piling ng iba.





"Tom, pumapayag na akong ligawan mo ako".

Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon