Title: The Enchantress named RIVA [Part 01 ]
Genre: Fantasy|Humor|Romance
Author: Lea Quimbo Vargas[ Synopsis ]
Si Logan Verganza ay nag-iisang anak na lalaki ni Leona, isang businesswoman nang isang clothing company. He is undeniably handsome and wealthy---but--- a certified playboy.
In this world full modern technology, will you still believe that supernatural being does exist?
What if one day, makilala niya si Riva at mahumaling siya sa ganda nito? Paano mapapasakanya ang dalaga kung ang mundo nila ay magkaiba? Will Riva, unfold her magical secret to Logan?Will they have a happy ending just like any other fairy story that has already been told?
[ Part 01 ]
@Logan's bachelor pad.
"Anak, ano ba naman yan. Bumangon ka na diyan at tanghali na." ani Leona sa anak habang hinahawi ang makapal na kurtina na nakatabing sa bintana ng kwarto ng binata.
"Mom...!" saway ng binata sa ina sabay patong ng malambot na unan sa mukha dahil sa nakakasilaw na liwanag ng araw.
"Anak, ano ba... I thought papasok ka na sa VFI kahapon pero di ka naman dumating, akala ko napano ka na kaya pinuntahan kita dito may sakit ka ba?" alalang tanung ni Leona sa anak habang paupo sa tabi ng malambot na kama ng binata.
"I woke up late yesterday kaya di na ako tumuloy. I called Faith at nagbilin ako sa kanya to tell you na di ako makakapasok." ani ng binata sa ina.
"Masyadong busy si Faith sa trabaho kahapon dahil marami akong pinagawa." ani Leona sa anak.
"Well, she's your secretary and it's her job."
"Anak, masyadong busy 'yong tao. Besides kailan pa kita tinuruan na utos-utusan ang mga subordinates ko?"
"Oo na..." antok na ani ng binata para lang hindi na humaba ang usapan nila ng ina.
"Saan ka na naman ba naglakwatsa kagabi anak. Ano ba naman yan, grow up Hijo. Sabi mo tutulungan mo na ako sa paghahandle ng kumpanya..." tila nagtatampong wika ng ina.
"Mom...Please.. Stop it...Nagdadrama ka na naman eh!"
"Eh kasi naman anak, alam mo naman na matanda na ako. I need your hands now, sana tulungan mo na ako sa pagpapatakbo ng kumpanya or better yet, find someone and settle down. I want apo..."
"Here we go again...." ani ng binata sabay tayo at maglakad patungo sa banyo niya.
Alam niya na kapag hindi niya iniwan ang ina ay magdadrama na naman ito ng tuluyan.
"Shower lang ako, sabay na ako sayo papasok sa VFI.." aniya bago tuluyang sinara ang pinto ng banyo niya.
Samantala ay napangiti naman si Leona dahil sa wakas ay sasama na ang anak sa pagpasok. Kailangan na din kasi niyang maturuan ito sa pasikot-sikot sa kumpanya lalo na at nasa tamang edad na ito at siya naman ay nagbabalak na ring magretiro.
Muling iginala ng matanda ang tingin sa buong pad ng anak at kitang kita niya ang lungkot sa buong paligid. Alam niya na magkakaroon lamang ng kulay ang pad ni Logan kapag nagkaron na ito ng babaeng mamahalin na siyang magbibigay ng kulay sa lugar at anak na siyang maghahatid ng musika sa tahimik na mundo ng binata.
@Riva's residence...
"Sinag, huwag mo ng pakialam 'yang buhok ko... Maawa ka naman kay Luna, na kanina pa ako sinusuklayan!" natatawang saway ni Riva sa dalawang pixies na naging bantay at tagapangalaga niya simula pa lamang ng isilang siya ng inang si Helena.
BINABASA MO ANG
My Ravishing Enchantress Riva(COMPLETED)
FantasyIsang kwento ng pag iibigan ng isang anak ng diwata sa isang mayamang binata. Sa kabila ng pagiging iba ng kanilang pagkatao,magawa nga kaya nilang maipaglaban ang kanilang pag iibigan? o may isang susuko at magpapaalam??