Pilit na sinesenyasan ni Riva na magsitahimik sina Sinag at Luna na naging maligalig na nang marinig ng mga ito na magiging modelo na siya, kaya naman mas excited pa sa kanya ang dalawa.
"Naks naman, haba ng hair! " tukso sa kanya ni Luna habang paikot-ikot ito sa harapan niya.
"Kaya sayo ako Riva eh...Ang ganda ganda mo kasi," matinis na wika ni Sinag habang tila nananaginip ito habang nakatitig sa kanya.
Agad naman itong nilapitan ni Luna at agad na binatukan ng malakas."Aray ko Luna! Nakakadami ka na ha! Grrrrr! Humanda ka sakin!" Galit na galit ni Sinag habang hinihila nito ang tenga ni Luna.
Kung wala lang siguro si Leona ay baka pinagalitan na naman niya ang dalawa kaso ayaw naman niyang akalain ng matanda na nababaliw siya at nagsasalitang mag-isa kaya hinayaan na muna niyang magrambulan ang dalawa na parang mga bata. Madalas man na hindi magkasundo ang dalawa ngunit pareho naman nitong mahal ang isa't isa."We're here." Nakangiting untag ni Leona sa kanya bago ito sumenyas na bumaba na sila, kaya naman agad siyang umibis sa kotse nito at agad na sumunod sa ginang papasok ng building.
"Good morning, Faith! Where is Logan?" bungad ni Leona sa sekretarya nito ng makarating ang ginang sa opisina.
"Nasa conference room po Maam Leona..." magalang na sagot ni Faith sabay ngiti kay Riva bilang pagbati.
"Conference room? What is he doing there?" takang tanung ulit ni Leona.
"Dumating po kasi si Maa'am Erin kanina,"
"Ohh....Hindi ko alam na magbabakasyon ang batang 'yun so, nasa conference room sila?" nakangiting tanong nito.
"Yes, Ma'am..." tila nag-aalangang sagot ni Faith.
"Okay... Punta na lang kami dun, halika hija" nakangiting yakag sa kanya ng ginang ng bigla itong pigilan ni Faith.
"Ahhmmmm.! Ma'am, kabilin bilinan kasi ni Sir na wag silang iistorbohin eh..." tila nahihintakutang pigil ni Faith sa matanda.
"Don't worry Faith, miss ko na rin si Erin eh..."
"Pero Maam,"
"I said it's okay, besides I still own this company, to be precise, I'm still the boss, not Logan,"
Wala ng nagawa ang sekretarya ng magpatuloy sila sa paglalakad patungo sa kinaroroonan ng dalawa.
"Erin is one of my top model here in my company. Anak siya ng isa sa mga partners ko dito sa kumpanya. And just like you, she's beautiful..." malumanay na wika ng matanda bago nito buksan ang pintuan para magulat lamang sa makikita.
Halos nakahubad na kasi si Erin habang nakapatong ito sa mesa at kahalikan ang binatang si Logan. Maging ang mga ito ay nagulat ng biglang bumulaga si Leona sa harapan ng mga ito.
"Ohh...Tita Leona, I'm glad to see you again," ani Erin ng makabawi ito sa pagkabigla.
Agad nitong inayos ang sarili bago lumapit kay Leona at nakipagbeso dito."Yeah, I thought nasa bakasyon ka?" takang tanung ng ginang sabay sulyap sa anak na inaayos ang puting long sleeve nito.
"Yes tita, nauna lang akong umuwi dito dahil madami pa akong commitment." nakangiting ani nito sabay tingin kay Riva mula ulo hangang paa.
"I see, sinurprise mo naman kami ng anak ko hija..."
"Hahahaha, kaya nga po, by the way. Who is she?" tanong ni Erin sabay nguso kay Riva na tahimik lang na nakatingin sa kanila.
"She's Riva, magiging kasama ninyo soon..." maluwang ang pagkakangiti na sagot ni Leona.
"Really, tita? Ngayon ko lang ata siya nakita?"
BINABASA MO ANG
My Ravishing Enchantress Riva(COMPLETED)
FantasyIsang kwento ng pag iibigan ng isang anak ng diwata sa isang mayamang binata. Sa kabila ng pagiging iba ng kanilang pagkatao,magawa nga kaya nilang maipaglaban ang kanilang pag iibigan? o may isang susuko at magpapaalam??