Pulang pula ang dalaga dahil sa hiyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Akala siguro ng mga ito ay napakatakaw niya. Kaya nagawa niyang kumain ng napakadaming strawberry to think na madami din siyang kinain kanina ng naghapunan sila dahil panay ang lagay ni Logan ng pagkain sa plato niya."It's okay Riva, If you want I can bring you to my farm. Para ma-experience mo din na ikaw mismo mamitas. It's really fun," nakangiting wika ni Logan matapos nitong lumapit sa kanya para tanggalin ang pagkapahiya niya.
"Yeah hija....Pareho pala tayong mahilig sa fruits and sweets. Pag nakapasyal kami dun ni Logan and you're free...We will take you there." ngiting sagot ng ginang sa dalaga.
"Salamat po sainyo....Pasensya na po kayo kung....naubos...ko...yung strawberry po" Mangiyak-ngiyak niyang sabi habang nakakuyom ang mga kamao dahil sa sobrang hiyang nararamdaman.
Kitang kita niya pa sina Sinag at Luna na parang mga bata na nahuling nang-uumit ng kendi sa garapon.
"Okay lang..Masaya nga ako na nagustuhan mo eh." naaaliw na sagot ng binata.
"Salamat Sir Logan..." aniya kasabay ng pagyuko ng bahagya.
"Logan, na lang Riva..." masuyong wika ni Logan sa kanya kasabay ng pilyong kindat nito sa kanya.
"And you can call me Tita Leona hija..." sabad din ni Leona sa pag uusap ng dalawa kaya naman napangiti na lang siya dahil sa kabaitan ng mag-ina.
"Salamat po sainyo..."
"By the way hija, Logan wants to take you home...gabi na kasi and he wants to drive you home safely, and we will not take No for an answer..." muling sabi ni Leona sa dalaga at wala na siyang nagawa dahil desidido talaga ang binata na maihatid siya kaya nagpaubaya na lang siya sa kagustuhan ng mag ina.
At kagaya ng isang maginoong binata ay panay ang alalay sa kanya ni Logan at kulang na lang ay buhatin siya nito patungo sa kotse. Samantalang sina Sinag at Luna ay tahimik lang na nakasunod sa kanila. Alam kasi ng mga ito na mapapagalitan sila kaya naman kinakabahan na ang dalawang lambana.
Matamang iginagala ni Logan ang paningin sa maliit na apartment na inuupahan niya na tila hindi ito makapaniwala na doon siya nakatira.
"Seriously??? Dito ka nakatira??" hindi makatiis na tanong ng binata sa dalaga.
"Yup.."
"Alone?"
"Yes. Gusto mo ng kape??"
"No,thank you...."
"Salamat nga pala sa paghatid mo sakin. I really appreciate it a lot." nakangiti niyang sabi rito.
"My pleasure!" nakangiting tugon ng binata.
Maya maya pa ay sunod sunod na naghikab ang dalaga para mapilitan itong umuwi dahil kanina pa siya gigil na gigil sa kina Sinag at Luna na pagpasok pa lang nila sa kwarto ay nagsitago na.
"Ohh, alis na pala ako..mukhang inaantok ka na eh see you tomorrow, Riva" nakangiting paalam ng binata.
"Sige, pakisabi ulit kay Ma'am Leona na maraming salamat sa pag imbita sakin."
"Tita Leona.... Magtatampo yun sayo pag tinawag mo pa din siyang Ma'am..."
"Ganun ba? Sorry, hindi na mauulit." hinging paumanhin niya sa binata kaya naman bigla itong tumawa ng malakas.
"Anong magic ang meron ka Riva?" mahinang tanong ni Logan kapagkakuwan.
"Ha??"
"Napaamo mo agad ang nanay ko in just a matter of days....And I think, ganun din yata ako..."
BINABASA MO ANG
My Ravishing Enchantress Riva(COMPLETED)
FantasiIsang kwento ng pag iibigan ng isang anak ng diwata sa isang mayamang binata. Sa kabila ng pagiging iba ng kanilang pagkatao,magawa nga kaya nilang maipaglaban ang kanilang pag iibigan? o may isang susuko at magpapaalam??