end

481 13 1
                                    

Nananatiling tahimik ang dalaga kahit na anong higpit ng yakap ng binata kaya naman nagtaka ang binata dahil sa inasal ng dalaga.

"Di mo ba ako namiss Riva? Kasi ako miss na miss kita eh .." mahinang ani Logan habang hinahawakan sa kamay ang dalaga ngunit marahan itong tinabig ng dalaga.

"Anong ginagawa mo dito Logan..Alam mo bang isang malaking kasalanan ang pagpasok dito?? Oras na malaman ni Inang Diwata na may nakapasok na mortal dito ay baka maparusahan ka niya ng higit pa sa inaakala mo!" mariing sabi ng dalaga habang patingin tingin sa buong paligid.

"Wala na akong pakialam kahit parusahan pa ako...Ang mahalaga sakin ngayon ay nakita na kita, nakausap at nayakap.Yun ang mahalaga para sakin Riva at wala ng iba..."

"Nababaliw ka na ba talaga Logan? Sa tingin mo ba naging hero ka na ngayon dahil diyan sa ginawa mo? Bumalik ka na sa mundo ninyo at wag ka ng babalik!" ani ng dalaga bago ito humakbang papalayo sa binata ngunit agad na naagapan ni Logan ang kamay nito.

"Iyan lang ba ang sasabihin mo sakin Riva, matapos kong isugal ang sarili ko para lang makarating dito 'yan lang ba ang maririnig ko mula sayo? Alam mo ba kung gaano kita ka-miss?" tila nagtatampong wika ni Logan.

"Bakit Logan? Sinabi ko ba sa iyong puntahan mo ako rito? Sinabi ko ba sa iyong isugal mo lahat para lang makita ako? Magkaiba na tayo ng mundo Logan. At wala ka ng magagawa pa para baguhin kung ano na ang nakatakda para sa akin."

"Mahal kita Riva!!!! Mahal na mahal!! Kaya ako nandito kasi namimiss kita, kasi gusto kitang makasama. Hindi ako nanunumbat pero gusto kong iparating sayo na kahit tinalikuran mo ako noon,ay handa pa rin akong gawin ang lahat makasama ka lang. Kahit alipinin mo ako dito ayos lang sakin, basta kasama kita Riva," mapait na wika ng binata sa dalaga na tila naging bato na ang puso pagdating kay Logan.

"Reyna na ako dito Logan, pasan ko na ang responsibilidad sa buong kaharian at kasama sa pagiging reyna ko ang kalimutan ka. Maghanap ka na ng ibang babae na nababagay sa iyo at nakatira sainyong mundo. Kaya naman hindi mo kailangang ialay ang sarili mo para maging alipin dito, maraming babae sa mundo ninyo na nagkakandarapa sayo, 'yung mas deserving sayo at hindi ako yun!"

"Ganoon lang ba kasimple para sayo lahat Riva? Ganun lang ba talaga kasimple sayo ang ipagtabuyan ako? Sabagay sino nga naman ako di ba? Isang mortal na walang direksyon ang buhay. Isang lalaki na gago na nga sira ulo pa. Isang lalaki na binago ang sarili para sayo pero sa huli ay wala rin palang kwenta!" mapait na ani ng binata sa dalaga na saglit na natameme.

"Sinag, Luna, ibalik na ninyo si Logan sa kanila, at pagbalik ninyo dito ay mag uusap tayong tatlo!" matigas na wika ng dalaga bago ito nagsimulang humakbang papalayo ng muli itong tawagin ng binata kaya huminto ito saglit ngunit hindi na lumingon pa.

"Riva! Pwede ba akong magtanong sa huling sandali?" laylay ang balikat na wika ng binata.

"Ano yun.."mahinang sagot ng dalaga.

"Minahal mo ba ako kahit kunti lang? Pinahalagahan mo din ba ang mga pinagsamahan natin noon...Kasi ako-"

"Hindi kita minahal at kahit kailan hindi kita mamahalin Logan. Hindi ko kailanman gugustuhin ang isang lalaking kagaya mo,sana ngayon ay malinaw na sa iyo ang lahat"

"Ganun ba?? Siguro nga tama ka..Mahirap nga siguro akong mahalin ng totoo..Alis na ako...Mag iingat ka palagi,at sana wag mong kakalimutan na kahit anong mangyari mananatili ka sa pus-".

"Ihatid nyo na si Logan, hindi siya pwedeng makita ni Inang Diwata rito." putol ni Riva sa mga sasabihin pa sana ng dalaga kasabay ng pagtakbo papalayo sa binata.

Lulugo-lugong umalis si Logan habang unti unting nadudurog ang kanyang puso dahil sa mga narinig mula sa dalaga. Siguro kailangan niya ng tanggapin na hindi nga sila pwede ng dalaga.

My Ravishing Enchantress Riva(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon