06

334 8 0
                                    


Nagawa ng maikubli ng dalaga sina Sinag, Luna at Yumi, bago niya pagbuksan ng pinto si Leona, nagtataka ito sa mga nangyari. Dangan nga lamang, hindi ito makapagtanong kay Logan at sa kanya.

Pinatulog niya rin kasi si Logan ng ilang saglit para makapagpahinga at hindi maguluhan ng husto pagkagising.

Agad na hinanap ni Leona si Yumi, at batid ng dalaga na magtataka ito kung bakit biglang naglaho ang dalaga. Kaya naman   mas ninais niyang magtapat sa ginang tungkol sa tunay niyang pagkatao. Isa pa kakailanganin din niya ang tulong ng ginang sa oras na bumalik siya sa kabilang mundo.

Kagaya ng inaasahan, halos hindi makapaniwala ang ginang sa nalaman pero napatunayan iyon ng dalaga lalo na ng ipakita niya ang tatlong lambana.

"Okay, now you're telling me that you're an enchantress! And these two pixies are your guardians. And Yumi, my former model was trying to invade our world??"

"Pasensya na po kayo Tita Leona, pangako po na hindi na ito mauulit.  Sa pagbabalik ko sa kabilang mundo ay titiyakin kong wala ng lambana ang gagaya kay Yumi"

"Babalik?"

"Nakipagkasundo ako kay Inang Diwata na babalik ako sa amin kapag binigyan niya ako ng bulaklak ng nekosyana na tanging lunas sa pagkaakit ng mga lalaki kay Yumi, lalong-lalo na si  Logan. At mayroon na lang akong isang linggo para manatili dito para makasama ko kayo..."

"Ibig mo bang sabihin hindi ka na namin makikita ng anak ko?" Tila nalulungkot na wika ng ginang sabay sulyap sa natutulog na anak.

"Pasensya na po Tita Leona, pero ganoon na nga ho ang mangyayari, ipapasa na kasi sa akin ang pamumuno doon at hindi ko na mababawi ang aming kasunduan..."

"Ohh Riva, I know hindi matatanggap ni Logan ang pag alis mo. Hindi siya papayag, alam kong mahal ka ng anak ko at alam kong di siya papayag na mawala ka..."

"Kaya ko po sinasabi sainyo ang lahat ng 'to para po ninyo. At sana hindi malaman ni Logan ang araw ng pag alis ko...Gusto ko siyang maging masaya habang nandito pa ako sa inyong mundo." malumanay na ani ng dalaga habang pinipigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

"Para na kitang anak, Riva... Ang sakit naman ng mga sinabi mo na iiwan mo na kami ng anak ko..." Naiiyak na wika nito.

"Palagi ko pa rin kayong gagabayan Tita...Huwag po kayong mag alala." ani ng dalaga habang mahigpit na niyayakap ang lumuluhang ginang.

Maging si Sinag at Luna ay napaiyak na din sa eksenang nasaksihan at tanging si Yumi lang ang may kasalanan ng lahat.

"Kasalanan mo 'to eh, kung hindi ka ambisyosa di kakailanganin ni Riva ng bulaklak at di siya makikipagkasundo kay Inang Diwata!" Paninisi ni Luna kay Yumi na noon ay nagpupumilit pa rin makawala.

"Wala akong pakialam sainyo, palabasin niyo ako rito!" paasik na ani ni Yumi ngunit kahit anong gawin niya ay hindi siya makakalabas doon.

"Tita, my hihilingin po sana ako kung pwede??" nahihiyang tanong ng dalaga.

"Ano yun hija?"

"Gusto ko sanang makasama si Logan, kahit sa huling araw ko dito..".

"Kung iyon ang gusto mo hija. Batid kong ikakatuwa yun ng anak ko..."

"Salamat po tita..."

Naputol ang pag uusap nila ng biglang kumatok si Faith dahil may kailangan daw ito kay Leona. Agad namang pinaunlakan ng ginang ang sekretarya at agad itong lumabas.
Kaya naman agad ng ginising ng dalaga ang binata para mahimasmasan na.

"Ano ba yan,oras ng trabaho tutulog-tulog. Porke ba anak ng may ari ng VFI??" tukso ng dalaga sa binata na tila walang nangyari.

"Huh??! Nakatulog ako?!"mulagat na tanong ng binata habang pupungas-pungas.

My Ravishing Enchantress Riva(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon