Tahimik na lumuluha si Riva habang panay naman ang punas ni Logan sa mukha niya. Panay ang alo ng binata sa dalaga para kumalma ito kahit na papaano.
Maging sina Sinag at Luna ay alalang alala din sa dalaga ngunit wala itong magawa dahil hindi pa rin sila pinapakawalan ng dalaga."Tahan na, Riva, wala naman nakakita. I was there, natakpan ko agad." masuyong sabi ng binata habang pilit na pinapangiti ang dalaga ngunit nananatili pa rin itong umiiyak.
"What happened?! Hija are you okay?" humahangos na ani Leona at agad na niyakap ang dalaga.
Isang tipid na ngiti at marahang tango ang isinukli ng dalaga habang pinipigil ang pagtulo ng luha niya. Pakiramdam niya ay naging isang ina ang ginang sa kanya dahil sa pag aalala nito na animo'y isang butihing ina na nag aalala para kanyang supling na nasaktan.
"Zeth! Hindi ba sinabi ko sayo na ayusin ninyo lahat bago ninyo palabasin lahat ng mga model para maiwasan ang mga ganitong pangyayari, hindi ba ninyo tsinek maiigi 'yan!" pagalit na ani Leona sa naghahandle sa kanila.
"Inayos naman po namin Madam, pero hindi po namin alam kung paano nangyari 'yan sa kanya." natatarantang ani Zeth, ngunit sinimangutan ito ni Leona na bakas ang pagkadisgusto niya sa nangyari.
"Logan, ihatid mo na muna pauwi si Riva, baka hindi na niya kayanin na ituloy ang fashion show. mas makakabuti na magpahinga na muna siya pansamantala.."utos ng ginang sa binata.
"Pero may isa pa po kaming-"
"No hija, You should rest..."
Sasagot pa sana ang dalaga ng biglang pumasok si Faith at agad itong inaya papalabas ng dressing room ng dalaga. Lingid sa kaalaman ng dalawa ay nakasunod sa kanila ang dalawang lambana na gustong makasagap ng tsismis.
"Ma'am Leona, nakita ko na po ang cctv at nakita po na ang huling pumasok sa kwarto kung saan nakatambak ang damit ay si Erin. Siya lang po ang bukod tanging pumasok roon na modelo kahit na hindi naman siya dapat na andoon,"
"Kung ganun may posibilidad na si Erin ang nanabotahe ng damit ni Riva?!" namumula sa galit na ani ng matanda.
"Opo Ma'am,"
"Di ko ito mapapalampas! Sa ginawa niya hindi lang ang modelo ko ang nasira niya kundi maging ang kompanya ko!"
"Ano pong gagawin natin Ma'am?"
"I want to talk to her after the show, papuntahin mo siya sa office ko" ani ng ginang bago ito lumabas para samahan ang mga bisita nila.
"Tingnan mo Luna! Sabi na nga ba at ang bruhang iyon ang may pakana ng lahat eh!!"umuusok ang ilong na wika ni Sinag sa kasama.
"Naghahanap talaga siya ng sakit ng katawan, sa lahat ng kakalabanin niya si Riva pa!"
"Alam mo ba kung ano ang naiisip ko Luna?" nakangising wika ni Sinag sa kasama.
"Tinatanong pa ba yan Sinag?" nakangisi ring sagot ni Luna.
Isang makahulugang tinginan pa at agad na nagtungo ang dalawa pabalik kay Riva.
"Logan, pwede mo ba akong ikuha ng tubig?" mahinang wika niya sa binata na agad naman nitong sinunod.
"Riva!!!" matinis na sigaw ni Luna habang papalapit na sila sa dalaga.
"At saan kayo galing na dalawa?! Nag iiiyak ako dito tapos iiwanan nyo na lang ako basta-basta" sita niya sa dalawa na humihingal pa.
"Pwede bang pakawalan mo na kami?" ani Sinag sa kanya.
"At bakit ko gagawin 'yon?"
"Parang awa mo na, hindi mo na ba kami napapatawad? sige na naman ohhh" muling pakiusap ni Sinag sa dalaga.
BINABASA MO ANG
My Ravishing Enchantress Riva(COMPLETED)
FantasyIsang kwento ng pag iibigan ng isang anak ng diwata sa isang mayamang binata. Sa kabila ng pagiging iba ng kanilang pagkatao,magawa nga kaya nilang maipaglaban ang kanilang pag iibigan? o may isang susuko at magpapaalam??