Magmula ng malaman ni Logan ang tunay niyang katauhan ay mas lalo pa itong naging malapit sa kanya. Marahil ay labis itong humanga sa kanya at ikinatuwa din ng binata ang pagiging masiyahin nina Luna at Sinag. Sa katunayan ay ipinaubaya na ni Logan ang mga strawberries sa dalawang lambana kaya naman walang pagsidlan ang tuwa ng dalawa. Si Aling Cely naman ay naging maayos na rin ang pakikitungo sa kanila sa loob ng ilang araw na pananatili nila doon.
"Gusto mo ba siya?" mahinang tanong ni Aling Cely kay Logan ng mahuli nito ang binata na nakatitig sa dalaga habang nakikipaglaro kina Sinag.
"Gustonng-gusto po Aling Cely, kaso hindi niya ako gusto. Parang pakiramdam ko naglagay siya ng malaking pader na napakahirap sirain para makapasok ako sa buhay niya..." mahinang sagot ng binata habang di tinatanggal ang tingin sa dalaga.
"Maaaring may dahilan siya kung bakit niya nilikha ang pader na iyon sa pahitan ninyong dalawa. Pero sa ilang araw na nanatili sila dito, sa tingin ko naman ay okay naman siya. Mabait, maganda, matalino, at may mabuting puso. At bonus na lang sigurong maituturing yung pagkakaroon niya ng dugong engkatada, bagay kayo..."
"Pero papaano ko po siya mapapasagot? Hanggang ngayon nga hindi niya pa alam na gusto ko siya at ni hindi pa nga ako nakakapanligaw. Lalo na ngayong hindi pala siya ordinaryong tao na kagaya natin, sa tingin mo Aling Cely, kung sakali kaya na manliligaw ako sa kanya, may pag-asa kaya ako?"
"Bakit? tinanong mo na ba siya kung papayag siya na manligaw ka? Inamin mo na ba sa kanya na napupusuan mo siya? Kung hindi pa ay umamin ka na. Malay mo may gusto din siya sayo pero nahihiya lamang na maunang magsalita."
"Tingin mo Aling Cely, may pag asa ako?"
Paano mo malalaman kung hindi mo sasabihin." nakangiting sagot ni Aling Cely sa binata bago ito iniwanan para makapag muni-muni.
-
Nangungulit na naman si Sinag sa dalaga dahil napansin nito ang malalagkit na tingin ni Logan at bilang lalaki ay nararamdaman niya na may malaking pagkagusto ang binata sa dalaga.
"Riva, tingnan mo si kolokoy tulo-laway na naman sayo," ani Sinag sa dalaga na agad namang tiningnan si Logan na nakatingin sa di kalayuan.
"Baka kayo ang tinitingnan niya at hindi ako. Ikaw Sinag ha, huwag kang nanunukso, gawin kitang daga makuha mo." pananakot niya sa lambana para tigilan siya nito sa pangungulit.
Maging siya ay naasiwa na din sa ikinikilos ng binata at hindi siya manhid para hindi maramdaman ang pagtatangi sa kanya ng binata. Yun nga lang ay di pa siya sigurado kung tuluyan na niyang papapasukin ang binata sa buhay niya lalo na at hindi siya ordinaryong nilalang.
Kaya kahit na panay ang paramdam at pahaging sa kanya ng binata ay nananatili siyang walang kibo. Ayaw niya na munang bigyan ng kahulugan o malisya ang lahat ng ipinapakita ng binata. Nais niya munang siguraduhin ang nararamdaman niya sa binata bago ito tuluyang papasukin sa kanyang mahiwagang mundo.
-
Natapos ang kanilang ilang araw na pagbabakasyon at sabay na silang bumalik sa Maynila. Napagkasunduan nila na wag na munang ipaalam kay Leona ang nalaman ng binata para maiwasan ang pagkatakot nito sa kanya o baka hindi sila paniwalaan.
Kagaya ng nakagawian ay sumama pa din sina Sinag at Luna sa unang araw ng pagbabalik trabaho niya, agad naman silang nagtsikahan ni Faith at anito ay may napili ng bagong modelo si Leona at ipapakilala sa kanila ng araw na iyon. Natuwa naman siya ng malaman iyon dahil sa wakas ay may pupuno na sa pwesto na iniwan ni Erin.
"Maganda at mabait 'yong bagong modelo. Sa katunayan agad nga niyang nakasundo lahat, lalo na ang mga lalaki." dagdag pa ni Faith sa kanya.
"Baka sobrang ganda kaya ganun..." natatawang sagot niya sa dalaga.
BINABASA MO ANG
My Ravishing Enchantress Riva(COMPLETED)
FantasyIsang kwento ng pag iibigan ng isang anak ng diwata sa isang mayamang binata. Sa kabila ng pagiging iba ng kanilang pagkatao,magawa nga kaya nilang maipaglaban ang kanilang pag iibigan? o may isang susuko at magpapaalam??