B1010; 04

37 9 0
                                    

"Hi baby." Nagmake face naman ako na parang nandidiri sa sinabi nya.

"Mandiri ka nga sa mga pinagsasabi mo, Soonyoung. Ikaw alam mo wala ka na ngang mata ang laswa mo pa." Tumawa naman sya at kinapa ang piercing nya at hinaplos haplos ito ughh-- faster-- daddy-- JOKE HEHEHEHEHEHHEHE

"Sayo lang naman ako ganto, baby eh." Tumawa ako ng pilit at nirolyo ang mata ko.

"Yeah right baby number ano ba ko haha." Sabi ko at naglakad paalis, palayo sa taong matagal ko ng kinaiinisan.

Sino nga ba si Soonyoung sa buhay ko, let's say we were 'friends' dati. Close kami at hindi sya ganyan. Hindi sya pakboi, siga, bully at kung ano pang masamang ugali. Soonyoung was the sweetest little hamster, maalaga, laging nakangiti. At yung Soonyoung na yun yung mahal na mahal ko.

Natawa nalang ako sa sarili ko sa tuwing binabalikan ko ang nakaraan. Ano nga bang nangyari sa amin? Sa kanya?

Hindi ko namalayan nasa isang park na ko. Umupo ako sa isang swing at inisip kung ano nga bang nangyari.

***

Ngayon ay June 15, 2016 naglalakad kami ng squad ako, Soonyoung, Gyu, Seoks, Kwan, Jun, Cheol hyung at Han Hyung. Papunta kami ngayon sa isang eat-all-you can buffet kasi nga birthday ni Soons kakain kami at libre nya.

Masaya kami at puro lang tawanan. Minsan lang pala ko tumawa ang ingay na din kasi at pinagtitinginan na kami. Nagmumukha tuloy kaming hypebeast hahaha. Medyo malayo ang resto na pupuntahan namin pero dahil trip namin naglakad kami papunta dun after school. Tumabi sakin si Soons since nasa may likod ako dahil maliliit ang hakbang ko. HAKBANG YUNG MALIIT!!

"Ji! Hyung mo na ko ahihi." Naparolyo nalang ako ng mata dahil sa kachildishan nya. Inakbayan nya ako.

"As if naman tatawagin kitang ganun." Sabi ko at tumingin sakanya. Sumimangot naman sya. I scrunched my nose at sana hindi ko nalang ginawa. Dahil kinurot nya ang pisngi ko.

"Aray ko Kwon Soonyoung!" Hinampas ko sya at hinayaan nya lang ako but after a couple of hits hinuli nya ang kamay ko at hinawakan nya. Napangiti nalang ako at hindi nagtalagal nagintertwine ang mga daliri namin.

"Yieee ikaw Jehun ah tsansing yan ahihi keleg ako." Natawa nalang ako napailing.

"Nilalamig lang ako wag kang assumero." Sabi ko at akala ko sisimangot sya or kukurutin nya ko peor he just smiled. Ewan ko nga kung ako ba pero it's different from the smiles I love. This one seems sad.

Hindi rin nagtagal nakarating na kami sa resto syempre tabi kami ni bespren Mingyu at tabi din kami ni Sunyang. So nasa gitna nila ko. 2 of the most important treasures in my life!

"Ji." Bulong sakin ni Soonyoung. 3 nalang kami dito dahil yung iba kumuha na ng pagkain. Parang second batch kami.

"Kailangan mo?" Tanong ko. Kinalabit ko si Mingyu.

"Tinitingnan mo jan?" Napansin ko kasi syang nakatingin sa isang table. Table ng bullies sa school namin. Leader nilang si Wonwoo at mga kung sino sino pa. Same year kami nyang Wonwoo nayan pero ibang section.

"Crush mo ba yan na hangal na yan?" Narinig ko namang tumawa si Soonyoung pero di ko pinansin.

Tumingin sakin si Mingyu at parang iiyak na. Jusq bat ba ang iyakin nitong bespren ko? Pinat ko ang ulo nya at buti nakaupo kami kaya abot ko.

"Masama ba yun hyung?" Umiling ako and I kissed his crown.

"Hindi yan." Ngumiti sya at nagsibalikan na ang iba sign na kami naman. Tumayo na ko pati si Gyu at Soons.

**
Tapos na kaming kumain at ngayon ay nakatambay sa park malapit sa mall. Yung iba naglalaro at iba kumakain ng street foods. Kami ni Soons nakaupo sa swing at nagstastar gazing.

"Soons. May itatanong ako."  Nag'ok' naman sya. "May story kasing akong binasa. Magbestfriend sila at may gusto yung isa aamin ba yung isa? Ayaw naman nya kasi baka daw masira friendship nila." Tiningnan ko reaksyon nya pero nakangiti lang sya at nakitingin sa mga bituin.

"Hoshi." Sabi ko. Tumingin naman sya.

"A-ano?" Nauutal nyang sabi. "Hoshi." Ulit ko at ngumiti. Napangiti nalang sya at niyakap ako. "Hoshi-yah you're my star." I said then I stroked his hair. I heard him sob pero hinayaan ko nalang. I don't know what's going on pero umiyak sya sa bisig ko and he kept murmuring 'sorrys' which got me confused. Pero hindi ko ito pinansin.

After a while tumahan na sya.

"Hintayin nalang muna nya ang tamang oras." He said. I looked at him confused. At tinanong ko sya ng 'ano?'

"Wag na muna syang umamin. Maghintay muna sya for 3 years exact." Nagtaka naman ako pero tumango nalang.

After that night pumasok kami at wala ng Soonyoung.

1 day.

1 week.

1 month.

3 months.

After 5 months bumalik sya I was ready to hug him at sabihing mahal na mahal ko sya pero hindi ko sya nakilala.

He started to bully. Even his appearance changed. Piercings and yung hair nya. Black na which is hindi nya ever nagustuhan. Gusto nya makulay lagi ang buhok nya pero ngayon? I don't know him.

We started to approach him pero he kept ignoring us. And he bacame 1 of the well known bullies sa school. Not after a week nasira kami. Dahil sakanya at dahil sa pagalis ng itinuring naming ina.

Umalis si Han-hyung at nabaliw si Cheol-hyung. Wala ng pagasa ang pagkakaibigan namin. Sinuyo pa din namin si Soonyoung na baka pag bumalik sya sa dati babalik din lahat. But we were wrong.

He started to humiliate us. Pinapahiya nya kami with other students. Kaya sumuko na sila. But I didn't, pero ng araw na yun... Sukong suko na ko, ayaw ko na.

He broke my heart by saying 4 fucking words. 'Ayoko na sainyo, sayo." Sabi nya at tinulak ako. At saka sya umalis. That's the day na talagang sinabi ko ayaw ko na.

Naayos namin ang squad pero hindi na kami kompleto we lost 2 members. I lost my number 1 star, I lost my Hoshi.

**

Di ko napansin umiiyak na pala ako. Wala pa naman ako panyo kasi nawala ko. Pero may nakita ako kamay na nakalahad may panyo na din.

"Soonyoung."

Bot 1010Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon