Chapter 3

172 156 9
                                    


Rhye Yeli Villadavid

"Ano ba Rhy, 'wag ka ngang makulit!" inis na sabi ni Freya sa akin.

"Bakit? Kailangan ba talaga 'yan?" sabi ko habang iniiwas ang aking mukha. Kasalukuyan akong mine-make up ni Freya at lalagyan daw niya ako nung stick na mataas para sa pilikmata ko.

Ngayong araw na ang aming graduation at si Freya ang nag aasikaso sa akin ngayon. Wala daw kasing magpapaganda sa akin.

Tinapos na ni Freya ang aking mukha at inayos na ang buhok kong kinulot niya kanina. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin, agad akong namangha sa aking nakita. Ang galing talaga ni Freya.

Pumunta ako sa isang salamin, 'yung full length size. Ang ganda ng mukha ko.

"Ang ganda mo Rhy. Ayiee!" biglang tili ni Frey. "Saan ka nagmana?" dagdag nito. Syempre kay Kuya. Nagkabit balikat nalang ako bilang tugon.

Sabay na daw kami ni Frey papuntang school dahil wala pa si Kuya. Hindi ko alam kung saan nagsuot ang magaling kong ina.

Sakto lang nung nakarating kami sa paaralan. Marami-rami na rin ang mga tao. Baka nandito narin sila.

"Rhy here!" biglang sigaw sa kung saan. Nilingon ko saan nanggaling ang sigaw at nakita ko si Reesse kasama ang kanyang pamilya na nag go-group picture. Agad akong hinila ni Frey papunta doon.

Pagkarating namin doon, agad akong nagmano kay Tito Eliza at Tita Rio, magulang ni Reesse. Ganon din ang ginawa ni Freya. Buti pa siya nandyan ang buong pamilya na para suportahan siya pero ako .... nganga.

"Ang ganda mo hija," papuri ni Tita sa akin.

"Salamat po," nakangiti kong sabi.

"Saan ang mama mo?" tanong nito. Aba malay ko Tita.

"Papunta na po si Kuya," nakangiti kong sagot. Tango lang sinagot nila sa akin.

Agad akong bumaling sa aking dalawang kaibigan na kung ngumiti labas ang gilagid.

"Saan ang iba?" takang tanong ko. Wala kasi ang mga lalaki.

"Ayiee si Rhy, pumapag-ibig kay Calix," sabi ni Ate Alisson, kapatid ni Reesse, sabay sundot sa aking tagiliran. Agad nagtawanan ang pamilya ni Reesse kasama si Freya.

"Ang iba, ang sabi ko ate," sabi ko.

Agad akong napayuko dahil sa kahihiyan. Pasimple kong sinamaan nang tingin sina Reesse at Freya, pero ang dalawang bruha, iniiwas ang tingin.

"Haayy nako, 'wag niyo ngang asarin si Rhye. Si Abo wala pa dito, alam mo naman 'yon. Si Kyle, sinamahan ang bebe loves mong bumili ng tubig para sa'yo este sa atin," bungis ngis na sabi ni Ate Alisson habang hinihimas pa ang buhok ko.

Hindi na lang ako sumugot, baka asarin pa ako lalo. Palinga-linga ako sa paligid para hanapin si Kuya, siya ang magsasabit sa akin ng medalya. Kaso iba ang nahagip ng aking mata.

Isang lalaking matangkad, maayos ang pagka-ayos ng buhok, maputi, magagandang singkit na mata, matangos ang ilong, mapupulang labi, may jaw line at may bitbit na plastic. Ang astig maglakad parang isang modelo ng plastic.

Travel Through MemoriesWhere stories live. Discover now