Rhyu Yli Villadavid
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kabilang linya.
"Nandyan ba si Reesse sa inyo?" balik tanong nito.
"Ang aga aga pa ah. Bakit mo sa'kin hinahanap? Miss mo na ako?" pang-aasar ko dito.
"Pag gising ko kasi wala na siya sa kwarto niya. Baka nandyan lang siya. At hindi kita namimiss," mataray na sagot nito sa akin. Aba't ako pa ang tinatarayan.
Mahina lang akong natawa sa kanyang katayaran.
Haayy naku Alisson..
Hindi muna ako sumagot sa kanya. Lumabas ako ng aking kwarto at nagtungo sa kwarto ni Rhy. Walang tao ang bumungad sa akin pagbukas ko nito.
Agad akong nataranta at bumaba para alamin kung nasaan si Rhy.
"Wala siya dito. Wala rin si Rhy," sagot ko dito.
"Sige salamat," at binaba ang tawag.
Tinignan ko ang kusina pero wala siya doon pati na rin sa bakuran. Agad akong umakyat sa taas para tignan kung nasa banyo lang siya.
Pero nabigo ako, wala siya doon kahit sa banyo niya. Napansin kong medyo bukas ang kanyang closet kaya tinignan ko ito -- baka doon lang siya natulog o nagtatago -- pagbukas ko nito mga kaunting damit lang ang nakita ko.
Balak ko na sanang lumabas pero may napansin bakit kaunti lang ang mga damit niya?
Inutil na bata. Lumayas ng walang pasabi.
Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya pero hindi niya ito sinasagot. Kinatok ko ang kwarto ni Mama para gisingin siya.
Binuksan ni Mama ang pintuan at halatang bagong gising pa. Naistorbo ko ata. Pero wala akong panahon dyan.
"Ma, nawawala si Rhy" sabi ko dito.
"Baka umalis lang. Hindi ba nagpapa-alam sayo?" tanong nito habang humihikab pa.
"Hindi eh. Wala siya sa kwarto niya wala rin siya sa bahay. Wala siya ma. Kaunti lang ang nakita kong mga damit sa kanyang cabinet," natarantang sabi ko dito.
"Aba malay ko sa batang 'yan," sabi nito at sinirado ang pinto.
"Ma! Baka lumayas si Rhy," kinakabahan sabi ko dito. "Bakit hindi siya nagpapa-alam?"
"Aba't kung lumayas nga, hindi talaga siya magpapa-alam," taka ko siyang tinignan. "May lumayas bang nagpapa-alam?" mataray na tanong nito sa akin.
Kamot batok nalang ang naisagot ko dito.
Oo nga naman Rhyu, magpapa-alam ka ba kapag lalayas ka?
YOU ARE READING
Travel Through Memories
Mistero / ThrillerDo you love to travel? Do you want to go somewhere where you can feel freedom? To escape reality? Rhye Yeli Villadavid seems to be hated alot by her lovely mother. She is an outgoing girl, happy to be with, and cheerful. She doesn't let the...