Chapter 5

180 157 7
                                    


Rhye Yeli Villadavid

Kasalukuyan akong nag-iimpake ngayon dahil bukas na kami aalis papunta sa resort nila Krysyn. Nag-iba kasi ang plano. Doon nalang daw kila Krysyn dahil libre daw kami doon.

Mahirap tangghihan ang biyaya. Libre daw eh. Pero may malaki akong problemang haharapin, hindi pa ako nakapagpa-alam.

Ang hirip magpa-alam pero ang daling tumakas.

"Yel, lika nga dito," sabi ni Smier habang tinatapik ang tabi niya.

"Bakit?" tanong ko nito habang chine-check kung may nakalimutan ba ako.

"Basta, halika dito," napatingin ako sakanya dahil seryoso ang boses nya pero ang walangya nagpapacute ang Lolo niyo.Ulol!

Pero unti-unti din akong lumapit sa kanya. Pagka-upo ko, agad niya akong niyakap ang aking likuran na para bang ilang taon kaming hindi nagkita.

"Namiss kita," sabi nito habang nakasubsub ang ulo nito sa aking likuran.

"Namiss din kita," sabi ko sabay pisil sa kanyang ilong. Agad namula ang kanyang tinga kaya agad akong natawa. "Ang cute mo. Para kang sira. Wengya!" sabi ko sa kanya habang natatawa.

"Ahh ganun? Pinagtripan mo pa talaga ako? Alam mo bang masamang mamula ang tainga ng mga sira?" sa sinabi mas lalo pa akong natawa. Langya tanggap niyang sira siya! HAHAHAH!

Habang busy parin ako sa kakatawa hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin kaya agad akong bumangon sa kama.

Biglang pumunta sa ilalim ng kama si Smier at habang palapit siya ng palapit bigla nalang akong kinabahan.

Mas nagulat pa ako nung bigla niyang kiniliti ang aking paa.

"Hahahahha....wag-wag di-diyan hahahahaha." tawa pa rin ako ng tawa

"Ano? Pipisilin mo pa ang ilong ko? Gawin mo lang yan sa harap ng maraming tao. Naku! Malilintikan ka talaga sa akin," sabi nito habang kinikiliti parin ang aking paa.

Para akong tanga sa aming posisyon. Nakataas ang aking isang paa habang ang isa ay nasa lapag.

"Hahahha....h-hin-di na hahahahha ta-tama na hahahah Sm..smier hahahhaha..." hindi ko na alam ang gagawin ko. Hahampasin ko ba siya, kakapit ba ako sa amparador, babatukan ko ba siya? Naguguluhan na ako.

Palaging nandito si Smier sa bahay kahit hindi siya pinapayagan nila. Si Smier lang ang nagpapasaya sa akin simula nung nangyari.

Hindi ko pa naikwento ang nangyari pero sa inaasal niya, parang alam na niya.

Ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa at parang mawawalan na ako ng hininga. "St-stop hahhaha hi-hindi na a-ako maka-hi-hinga hahhaha.." Dahilan kung bakit ako nawalan ng balanse at natumba.

Dahil hindi na orient si Smier sa pagkatumba ko agad siyang nakaibabaw sa akin. Nanlaki agad ang aking mata dahil sa nangyari.

Travel Through MemoriesWhere stories live. Discover now