Rhye Yeli VilladavidLumipas ang tatlong araw at ngayon, wala ng pasukan. Nandito kami ngayon sa isang mamahalin na cafè. Tumakas lang ako sa bahay dahil alam ko, hindi nila ako papayagan.
"Where are we going?" tanong ni Reesse na siyang katabi ko sa kanan. Nagusap-usap kami tungkol kung saan kami pupunta ngayong summer na.
"Sa Bohol na lang," suhestiyon ni Smier.
"Ano? Gusto ko sa Boracay," saad ni Krysyn
"Sa amin nalang," ani ni AA. Sinamaan agad siya namin ng tingin.
"Bohol? Boracay? Wala ba kayong taste?" saad ni Freya habang nandidiri pa.
"Sa Palawan nalang," sabi ko. Wala ako sa mood dahil sa nangyari noong nakaraang araw at wala din akong balak na sabihin sa kanila.
"Kyaahh! I like that!"
"Wahhh!! Gusto ko dyan."
Nagulat kaming apat nung biglang sumigaw ang dalawa. Tumingin sa amin ang mga costumers at agad kung tinakpan ang aking mukha sa menu.
Kahiya talagang kasama nitong dalawa. Hindi ba sila nahihiya? Kingina lang!
Habang busy ako sa pagtakip ng aking mukha, may biglang lumapit sa amin na crew.
"Ahh maam, s-sir... pwede po ba ka-kayong luma-mabas? Naiingayan kasi ang i-ibang costumers," sabi nito habang nauutal-utal.
Instantly napataas ang aking kilay sa aking narinig. Ano bawal ba mag-ingay dito?
Bago pa ako makapagsalita inunahan na ako nung dalawa.
"Ano?! Bakit bawal ba mag-ingay dito? May nakalagay bang 'Silence Please'? Hindi ba pwedeng ma excite dito?" mataray na tanong ni Frey.
"S-sorry p-po napagu-utusan l-lang p-po," pagpapaumanhin nung crew.
"Tell me, who the hell ordered you? Does that person who owns this cafe," taas kilay na tanong ni Reesse.
"Ako bakit? Anong kayang mong gawin? Anong pinaglalaban mo?" biglang sigaw nung babaeng kalapit table namin.
Nakalugay ang blonde na buhok. Hugis mangga ang mukha. Tss!
"Ikaw?" bigla kung tanong. Tumayo pa talaga ako. Nagulat ang apat kong kaibigan dahil alam nilang ayaw ko sa gulo. Well, just let me teach this ripe mango a lesson.
"Oh bakit ka natulala? Natulala kaba sa kagandahan ko?" biglang tumawa ang kanyang mga kasamang prutas.
"Maganda? Yuck!" rinig kung bulong ni AA sa aking likuran.
"Kagandahan? Meron kaba nun? At ano ako natulala sa kagandahan mo?" Hindi ba pwedeng kinukumpara ko lang ang mukha at paa mo? Magkaparehas kasi. Pero hindi ko 'yan sasabihin. Gasgas na kasi.
"Hindi ba pwedeng iniisip ko kung tao kaba talaga? Ohh my bad, prutas pala. Mukha mo parang mangga. May tanong lang sana ako. Anong klaseng tao ka? Tao ka ba talaga? O prutas?" hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin ng lahat ng yan.
"Excuse me---, "
"Pwede kanang dadaan," umusug pa ako ng kaunti para mabigyan siya ng space.
"How dare you bitch! Pwede kitang ipakulong. My dad is a lawyer. Ako ang may-ari ng cafè na ito," sigaw nito.
"Then do it. I'm not scared. Ohh do you even know who you are talking with?" kita ko sa mukha niya na siya naguguluhan.
"Well let me introduce my self to you. I am Rhye Yeli Villadavid," pagpapakilala ko rito.
YOU ARE READING
Travel Through Memories
Mistero / ThrillerDo you love to travel? Do you want to go somewhere where you can feel freedom? To escape reality? Rhye Yeli Villadavid seems to be hated alot by her lovely mother. She is an outgoing girl, happy to be with, and cheerful. She doesn't let the...