Prologue

248 167 18
                                        

---

My little old copper alarm clock rests on my desk tick - tocking away each inevitable second of the day, only to shake, rattle, and ring me to wake every morning.

As I lay there in bed, half dead, minsan iniisip at pinapangarap ko nalang na magkasakit para umabsent.

Pero hindi pwede 'yun, hindi naman ako masyadong good girl para sabihing masama 'yun, malapit na ang graduation namin at hindi pwedeng nakatanga lang ako doon. 

Dumiretso na ako sa banyo upang maligo at eh handa ang aking sarili para pumasok. Inaayos ko ng mabuti ang aking sarili at hinahayaan ang aking buhok na nakalugay.

Mamaya pang alas otso ng umaga ang aking klase kaso nais ko lamang maaga upang maka-iwas sa mga sasabihin ni mama. Gusto ko kasing nakalabas na ako ng bahay nang hindi pa ako naabutan ni mama para wala siyang masabi sa akin.

Bumaba na ako upang kumain, ito nalang ang huli kong gagawin sa ngayon. Hindi ko nakasabay si kuya sa hapag kainan at baka tulog pa ito.

I am currently eating my breakfast nang marinig ko na may bumukas na pintuan. Agad kong binilisan ang aking pag-kain at baka maabutan pa ako ni mama.

Nadidinig ko ang yabag na paa na papalapit sa akin. Mas binilisan ko at muntik na akong mabulunan. Muntik na akong atakihin sa puso nang makita si kuya na nakatingin sa'kin.

Binagsak ko ang aking hawak na baso at niligpit ang aking pinagkainan. "Ano ba naman 'yan, kuya?! Ginulat mo ako," napahawak pa ako sa aking dibdib.

"Ready ka na ba, bunso? Halika ka na," binaliwala niya lamang ang aking sinabi at nauna ng lumabas. Doon ko lang napansin na tapos na pala lahat si kuya. Nakapagbihis na siya ng office attire niya.

I hurriedly went outside and I saw told him to wait a little. He just answer me with a nod. Nagsipilyo lamang ako at agad lumabas.

Nakarating ako sa paaralan na wala pang masyadong tao. As I look at my watch, it's 6:28 in the morning.

Pagdating ko sa aming silid nadatnan ko ang dalawa kong kaklase.

Si Unahh na walang paki-alam sa mundo at sa mga taong nasa paligid niya, pwera nalang sa bestfriend niya na si Azura na wala pa dito at matalino rin.

Si Ejud na SSS - Student Supreme Secretary - ng paaralan at matalino rin. Para sa akin siya ang pinakamatalino sa aming magka-kaklase pero isip-bata kapag nandyan ang mga kaibigan. Hindi ko alam ang kasarian. Who am I to judge him? We're not even close.

Tahimik lang akong umupo sa aking upuan at linabas ang aking paboritong novela. The School for Good and Evil by Soman Chainani. Binili ko ito kay Azura dahil dalawa daw ang nabili niya na Book 1.

Si Azura ang katabi ko na bestfriend ni Unahh. Close kami ni Azura pero hindi kami close ni Unahh na may-sapi.

Busy ako sa pagbabasa nang biglang...

"Hi babe," at pinindot niya pa ang aking dalawang tagiliran gamit ang kanyang index finger. Kaya mapapa-tuwid ka talaga ng upo.

"Ay walang forever," nasabi ko nalang dahil sa pagkagulat at agad sinapak ang taong yon.

"Aray babe," sabi nito habang hawak ang kanyang panga. "At anong walang forever? Meron kaya meron kaya tayong forever," at ngumiti na parang alien at mas sumingkit ang mata.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa ginawa niya.  Busy kasi ako sa pagbabasa ng bigla niya akong pinindot ang aking tagiliran.

"Sorry naman para ka kasing bulate, sumusulpot bigla. Hindi ko na 'yan kasalanan," sabi ko rito.

Travel Through MemoriesWhere stories live. Discover now