Chapter 9

165 151 12
                                    

(Mahabang A/N: Hi Drizzles! Sorry sa matagal na update --palagi nalang-- lalong-lalo na sa mga naghintay. Nawalan kasi ng gana dahil ang daming mga scenes na nabuo sa aking makitig na utak pero ako ay nalilito parin kung ano ang isusunod. Wag kayong mag alala itutuloy ko parin ang storya nito. Pero wag kayong aasa na palaging may update.

Abangan niyo rin ang mga story kung nagawa galing sa aking imasyon. Unexpected Reality, The Demon Inside and The Girl Behind the mask.

Ang tibay, may nagawang ibang storya ngunit hindi pa nakatapos ng isang story man lang.

Oo na, ako na si Matibay gumawa ng mga stories pero ang tagal mag-update.

If you are willing to make a cover of it I would gradually accept it. Again sorry sa lahat ng naghintay.

and..

Wala lang. Gusto ko lang talaga maging mataas ang A/N. HAHAHHAHA

-----

Something fishy

Rhye Yeli Villadavid

"Hey" sigaw ni Freya galing sa malayo.

"Rhy come and join us here!" ani din ni Reesse na halos hindi na makapagsalita dahil paos pero ito siya ngayon, sumisigaw.

"Masarap kaya dito"

"Ang init na nga eh"

"Ahh so refreshing!"

Kanina pa sila sumisigaw at kanina ko pang napiling hindi sila papansinin. Ano naman ang mapapala ko sa kanila.

Puro pasarap lang sa buhay ang kanilang alam. Parang kinalimutan na nga nilang may naghihintay at nag alala sa kanila sa bahay.

Buti pa nga sila. Mukhang hindi naman sila nag alala sa akin. Kahit nagpaalam ako kay Kuya hindi ko parin maiwasang isipin siya.

Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Baka kausap niya naman ang litrato ni Ate Ali. Kinukulit na niya yon panigurado.

Napangiti at napailang making ako sa aking naisip. Hayyy.. kahit maliit ang utak non mahal ko yun. Miss na miss ko na ang aso ko.

"Hoy" may biglang kumalbit sa akin.

"Ay puting pating palakang aso na walang suso" nasabi ko nalang sa tindi ng pagkagulat.

"Ano? Aso na walang suso? Ano yun? HAHAHAHA." kung makatawa naman to parang walang ginawang masama.

Sinamaan ko siya ng tingin at siya naman ay nagpatuloy parin sa pagtawa.

Ah ganun, gusto mo palang mang gulat ano?

Patuloy parin ito sa pagtawa kaya hindi niya napansing tumayo ako galing sa kinauupuan. Pumunta ako sa kanyang likuran at... tinulak siya.

*SPLASSHH*

Tawa ako ng tawa dahil sa kanyang itsura. Pati na rin sila AA na naliligo sa pool.

"Rhy ano ba?" inis na tanong nito sa akin.

"Rhy ane be? " ginaya ko pa ang sinabi niya na may kasamang malanding tono.

"Lagot ka talaga sa akin" akma niya hihilain ang aking paa kaya dali dali akong lumayo.

Balak niya na sanang umahon ngunit sinakyan siya ni AA sa likod kaya dali-dali na akong tumakbo papunta sa room naming.

Muntik pa akong madulas sa hagdan buti nalang at nakahawak agad ako sa railings.

"Aray! Ang bigat mo. Bumaba ka nga sa aking likuran" rinig ko pang sabi ni Smier.

Papalapit na ako sa room ng mga girls nung may narinig akong naguusap sa loob.

Travel Through MemoriesWhere stories live. Discover now