Chapter 2

189 156 21
                                    


Ngayong araw na ang lubong ni Don Virgilio. Lahat ng angkan ng mga Villadavid ay umiiyak na. Hindi malaman ni Rhye ang gagawin iiyak o tulala na lang sa isang tabi.

Mahinang umiiyak si Rhyu sa magkakatabi na magkakaibigan. Hindi niya kailangan manghina ngayon dahil kailangan siya ng kanyang kapatid. Maraming nalungkot sa pagkawala ni Don Virgilio kasama na rito ang makakaibigan.

Si Rhye, Reesse, Freya, Calix, Ash, at Krysyn ay ang pinakamalapit kay Don kaya ganoon nalang ang kanilang reaksyon sa pagkawala nito. Alam ito ng buong angkan kaya pinapahalagahan din sila. Hindi man sila magkadugo ay sinabihan silang magsama-sama kahit anong mangyari.

Umiiyak ng palihim, humahagulgol na ang iba pero parang hindi parin maproseso sa utak ni Rhye sa pagkawala ng kanyang Lolo.

Wala na siyang masasandalan kapag sermonan siya ng kanyang ina. Napuno ng hagulgol ang sementeryo.

Rhye Yeli Villadavid

Nandito na ako sa aking kwarto. Kakatapos lang ng seremonya at agad akong umuwi sa bahay kasama ang mga kaibigan ko.

Ilang oras na akong nakatulala sa kawalan, iniisip ang nangyari. What just happened?  Lutang ang utak ko, kung saan saan na nagsusuot.

Ang tagal maproseso sa utak ko ang mga nangyayari.

*tok tok*

Nagulat ako ng biglang may kumatok sa aking pintuan. Baka dumating na sila Kuya, papagalitan ako nito.

"Rhy?" nakahinga ako ng maluwag ng maanig ko ang boses ni Kuya

"Po?" hinanap ko agad ang aking boses. Nawala kasi.

"Ba't umalis ka agad? Bakit hindi ka sumabay sa amin?" tanong nito habang papasok sa aking kwarto at umupo sa aking malambot na kama.  Malambot 'yan 'wag kang ano. Mas malambot pa 'yan sa boobs mo.

"Hindi ko po kasi kayo mahanap," pagsisinungaling ko.

Agad akong binatukan ni Kuya dahil sa aking sinabi. Mashaket, paksheett.

"Anong hindi mo ako mahanap? Nasa tabi mo lang ako. Pinagloloko mo ba ako?" inis na tanong nito sa akin.

"Ehh kasi Kuya," kamot batok kong sabi. Naghahanap ng palusot.

"Alam mo Rhy dalaga ka na talaga. Pinipigilan mo na ang iyak mo. Noong bata ka pa kunting kembot lang umiyak ka agad. Napakaiyakin mo noong bata, ngayon.." nagbuntong hininga si Kuya.

"Hindi naman masama umiyak Rhy lalo na kapag hindi mo kaya. The only thing that can ease the pain is to cry. Don't hold back your tears Rhy. Crying is not a sin, we need to endure the pain. It doesn't mean you're weak. We are not robots who couldn't feel any emotions. Just cry. Let it be." 

Kaloka! Nagbigay pa ng mga qoutes. Ma tweet nga sa twitter.

Pilit kung pinapasaya ang aking isipin pero unti unti ring tumulo ang mga luha galing sa aking mata. Reality just hit me so hard to the point I feel numb. Unti-unti akong niyakap ni Kuya.

Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman.
Pagkagulat. It may take you a long time to grasp what just happened. Ngayon lang nagsink in lahat ng nangyari. The shock can make you numb. Mahirap paniwalaan na hindi na maibalik si Lolo. Wala na siya. Many people felt disorientated - as if they have lost their place and purpose in life or are living in a different world.

Sakit. Masakit sa aking dadamin ang pagkawala ni Lolo. Hindi man lang ako nakadalaw sa kanya ngayong linggo. 'Wag mo sana akong dalawin Lolo. Ikaw nalang ang dadalawin ko sa sementeryo.

Travel Through MemoriesWhere stories live. Discover now