CHAPTER ONE: R

19 1 0
                                    

#1

ONCE IS ENOUGH, TAKE CARE OF YOURSELF

Humans are like a porcelain display. Once you fell, you'll be broken. Don't just let the others touch you. It's either you'll be broken once again or they'll feel pain when your shards cut them.

10 YEARS AGO

Couples...

How does their relationship work?

Is it a matter of fighting or surviving?

'Yan agad ang pumasok sa isip ko ng makita ko ang dalawa kong kaklase na si Anne at Jerome na nakangiti habang nagtititigan sa loob ng classroom namin. Nakaka-curious talaga, pero ayokong malaman.

I don't want to feel any lethal they call 'love' anymore. Besides, natuto na ako dati. Actually, one sided love isn't that bad at all. You feel inspired without any commitment. Masaya ka kapag nakikita mo siya, the inner iridescence within you explodes every time you see her. And besides, kung nawala na yung spark mo sa kaniya, pwede mo kaagad I-divert yung atensyon mo sa bago mong natitipuan.

Napansin ko din sa bestfriend kong si Kyle na palagi siyang nasasaktan if ever na sumusugal siya sa isang commitment. Ang balik, talo siya.

'Yon nga lang, nangyayari lang 'yon kapag nasaktan ka na. Kahit yung taong gusto mo, even with the slightest crush, ay bigla mo na na lang mababalitaan na may gusto na ring iba, may ka-M.U na, or the worst, nakatali na sa iba.

Love... People go crazy in it as if it's something permanent in this world.

And oh, not to mention they bid everything to it as if their feelings can be reciprocated. HAHAHAHAHAH!

Today is Saturday and we're all up for the school's sports festival. At first, hindi ako game sa event na ito dahil talagang ginanap sa araw na dapat ay nagpapahinga na ako. Kakatapos lang din kasi ng Special Program in the Arts Festival na may collaboration sa aming mga Arts & Design kahapon, as part ng aming activity sa Performing Arts ngayong second semester. Sa Theater ako kabilang at gumanap bilang extra-isang sundalong kastila noong kapanahunan ni Gabriela Silang.

Kaso, nae-excite ako sa hindi malamang rason. Siguro dahil first time kong sumali sa isang sports event? I really don't know.

The teams were composed of senior high tracks. Nasa Black team kami dahil Arts and Design kami kaso may kasama kaming mga taga-Humanities and Social Sciences dahil kakaunti lang kami. Katabi namin ang Blue team sa bleachers and I heard na mga tiga-Accountancy and Business Management sila.

Nag-participate ako as a player sa badminton. Dapat sa singles talaga ako kaso yung representative naming ulikba, inilagay kami ng kaibigan kong si Vince sa doubles match. A round of sarcastic applause, 'coz I'm not freaking good playing sports with others.

"Francis Salvedra, Vince Cheng, after ng singles match pa ang game ninyo." sambit ng isa naming kaklase na organizer ng event na si Ralfe Angela Apolinario. Well, culminating daw nila 'tong sportsfest kasi isa under siya ng Sports track.

Tinanguan ko na lang siya dahil tinatamad akong magsalita at saka in-open application kung saan pinagpa-practice-an ko ang digital arts. After 10 minutes, na-bored din ako dahil natapos ko na yung rough sketch, hindi pa din kasi nagsisimula yung event dahil hinihintay pa ang principal para sa opening remarks.

Sa ilang minutong pagtunganga ko, napalingon ako sa side ng mga ABM na nakaupo sa sahig ng covered court. A group of girls were chatting about random stuffs when a certain girl caught my attention. Hindi siya nagsasalita sa isang tabi pero nasa circle of conversation siya. Pangiti-ngiti lang at halatang nakikinig.

Pagkakita ko sa kaniya ay naalala ko yung dati kong crush na kapatid ng teacher ko dati, Kamukha niya kasi. Singkit na mata, payat na pangangatawan, and oh, the hair. Straight yung buhok niya, bouncy at mukhang ball gown HAHAHA. Plus factor na din yung pagiging tahimik. But this one is her taller and Grade 11 version. Grade 9 kasi yung tinutukoy ko HAHAHA. I bet this girl's engaged with arts. Kung hindi otaku 'to, magaling mag-drawing. Ganyan kasi yung mga na-obserbahan ko sa mga kaklase kong visual artists. Madalas, kung sino pa ang mga tahimik, sila ang mga artsy.

Actually, sa ilang taon kong pag-aaral sa Tarlac National High School, ito pa lang yata ang ikatlong beses na nakita ko ang babaeng ito.

Una, noong Grade 7. Nakasalubong ko siya sa may maraming puno ng mangga sa school. Na-cute-an ako sa kaniya dati. Naaalala ko pa nga, papunta na ako sa klase noon pero binagalan ko lakad ko para lingunin lang siya. Pangalawa, noong Grade 10-nang makita ko siyang naglalakad sa may malapit sa senior high school building. At pangatlo, itong pagkakataong 'to.

She's wearing a blue shirt, obviously, she's from blue team, shorts that looks like the color of copper, long socks and Vans Old Skool shoes and she's holding a badminton racket.

After that observation and a little bit of assessment, dumating na yung principal namin. Nakatabi ko pa nga yung babae nang nagsitayuan para sa prayer at pagkanta ng pambansang awit.

Bigla akong napaisip. Bakit ako biglang naging conscious sa paligid when this girl suddenly came into the picture?

I just sighed and took a seat.

I tried to avert, at least, my attention to other things like cheering aloud for my teammates. Kung cheering pa ba tawag doon dahil sobrang lakas ng boses ko at ako lang talaga ang sumisigaw. Mukha tuloy akong eskandaloso, wherein fact, I'm just being supportive LOL.

Halos lahat ng nasa paligid ko, tinatawanan ako dahil sa mga pinaggagagawa ko. Peymus ako mula sa mga nakakarinig sa akin, dyuspordones.

After I shed too much voice for the badminton match, dadako na sana ako sa volleyball para ipag-cheer ang mga kaklase kong nandoon. Kaso may nakita akong barricade na nakaharang at eksakto pa talagang nag-announce yung scorer sa badminton match na bawal daw dumaan around the badminton court perimeter dahil nadi-distract daw yung players.

"Ayy, sayang, bawal dumaan." sambit ko sa aking sarili pero 'di ko alam na may nakarinig pala.

Dalawang tiga-blue team ang nasa malapit sa akin, isang babae na kulay baby blue ang shirt at yung babaeng tinitignan ko kanina.

"Kuya, pwede pong dumaan." said the girl with the baby blue shirt.

Nagtaka ako. So lulundagin ko yung barikada?

Not until the girl I'm staring at a while ago suddenly pointed at the exit. Medyo hindi ko pa nga siya napansin dahil bigla akong kinausap ni baby blue shirt girl 'tsaka tinawanan, dahil siguro sa mga pinaggagagawa ko LOL. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nahiya. I just shrugged at that eerie feeling.

Pero bago pa man ako makaalis, I muttered 'thank you' to her. Hindi ko alam kung narinig niya ba o hindi.

Sa buong araw na lumipas, laging hinahanap-hanap ng mga mata ko ang babaeng 'yon. Wait, wtf? Gusto ko na ba siya? But how? Paano ako na-attract sa kaniya? What's special with her?

I flinched when a hand tapped my shoulder, "Huy, kanina ka pa tulala d'yan. Kanina, ang ingay-ingay mo ah?" Vince said.

I sighed, thinking if I should tell him or not.

But of course, I'm not so sure of my feelings either so I just shrugged and told him nothing.

Pero ang nakakainis lang, my mind tells me that I should approach her and ask her name. Ang kaso, parang nahihiya yata ako.

What the-ako, nahihiya? Sa pagkakaalam ko kasi, wala naman ako n'on. I can just ask her name then voila, wala na. Kaso hindi 'e. Iniisip ko pa lang na lalapit ako sa kaniya ay parang gusto ko ng itago ang sarili ko sa ilalim ng lupa.

What's effin' wrong with you, Francis Salvedra? Nababakla ka na ba?

I just brushed that thought away and focused on our practice. Kahit na wala-wala lang yung sportsfest, ay gusto ko pa ding manalo mamaya sa badminton match. Gusto ko na mapa-impress si-shit! Francis, what the hell are you thinking?!

My thoughts are messed up because of a girl. Crush ko na nga siya.

The Six Major RulesWhere stories live. Discover now