"Seriously, dude?" tanong sa akin ni Kyle habang nakangisi.
Our hide-out in Baguio went well. Dahil lahat kami ay lalaki, puro gala lang at minsan lang ang pagkuha ng pictures kung maganda talaga ang view. Tapos puro activities at kain lang din. Si Kyle ay bumili ng pasalubong para sa girlfriend niya habang si Vince naman ay bumili ng sandamakmak na souvenir items.
Bago kami umalis kagabi ay natapos ko nang basahin ang lahat ng nakalagay doon sa mini sketchbook. 'Tsaka I-polish yung mga drawings doon na idine-depict yung ilang happenings kung bakit ko ginawa yung kay cheesy na mga rules na 'yon. At napapangiti na lang ako ngayon everytime na maalala ko yung mga nangyari habang binabasa ko yung mga rules na isinulat ko noon.
Ngayon, pinagtatawanan naman nila ako habang nasa byahe pabalik ng Manila dahil malakas na binabasa ni Kyle ang mga nakasulat sa anim na magkakasunod-sunod na pahina.
"You do diaries?" tanong niya 'tsaka tinignan yung sketchbook mula harap hanggang likod.
"I don't do diaries," naasar na sagot 'tsaka hinablot sa kaniya 'yon, "It's a guideline and self reminder that helped me keep away myself from being hurt because of love throughout these years."
Napailing si Kyle, "Grabe 'tol. Laki pala ng pinagbago mo ano? From joyful, full of life Francis Saavedra to no fun, kill joy and a black hole guy real quick! What made you change, man?"
Vince scoffed, "'Who' made you change, man? My inner voices tells me that it is the girl named Rouise Mercedejas from our senior high school days. Recently ko na lang din syang naalala nang mapagtanto ko kung sino yung naaalala ko sa kasalukuyang sarili mo."
Tumingin ako sa labas ng bintana at saka bumuntong-hininga, "It's just I realized that change yourself for a better you, not for someone dahil at the end of the day, hindi naman nila maa-appreciate 'yon. Do things for yourself, not for someone you wanted to dedicate your success dahil sino ba aangat? Sila ba? Ikaw."
I tried to compose myself upon stating that retort. Baka kasi mabakas yung lungkot ko kahit hindi naman dapat. Ayaw kong kaawaan nila ako.
Kyle turned to me with a poker face on, "Ayan na naman sa pride mo, Francis. Hindi porque nagsabi ng saloobin ang isang lalaki, he's already letting his guard down o kadramahan na 'yon. We men still need to spread our arms a little," sambit niya.
"Kailangan ka pa bang lasingin para umamin?" tanong naman ni Vince habang naka-focus pa rin ang mga mata sa daan.
"Wala naman akong dapat na aminin 'e." buntong-hiningang sagot ko sa kanila.
Bigla akong napabalikwas nang biglang mag-ring ang cellphone na nasa loob ng bulsa ko. Kaya naman ng kinuha ko 'yon ay naka-flash sa screen ang pangalan ni Mama.
I sighed.
Here we go again.
"Ma?" tipid na bati ko habang sinesenyasan yung mga kaibigan ko na manahimik. Bigla-bigla na lang kasi silang uungol tuwing may kausap ako, lalo na 'yang si Kyle.
"Hoy, Francis! Sinugod kita sa condominium mo pati na rin sa apartment mo pero wala ka. Tinawagan ko rin yung sekretarya mo sa coffee shop pero missing in action ka. Saan ka ba nagsususuot ha?!" she nagged over the line.
"Nasa Baguio kami, and kung tatanungin mo kung nasaan ako sa Baguio precisely, sorry Mama pero hindi ko sasabihin."
"Nakakahiya doon sa anak ng boss mo, Francis! Dumalaw pa siya dito sa bahay natin tapos alam mo, panay ang compliment niya sa mga artworks mong naka-display dito sa bahay. I-entertain mo naman siya kahit minsan lang!"
"Busy talaga ako, Ma. At kung magmi-meet man kami, sisiguraduhin kong wala ka sa paligid. I'd even book an exclusive dinner overseas just to make sure you're not around the perimeter."
![](https://img.wattpad.com/cover/147356546-288-k35477.jpg)