TUESDAY. On the way kaming tatlo ni Vince at ni Kyle sa Baguio para lang matakasan si Mama.
Umagang-umaga kasi ng Lunes ay sinugod ako ni Mama sa condominium ko sa Greenhills, with a news na I-meet ko daw yung boss ni Papa dahil taga-hanga ko daw. 'Yon yung babaeng sinasabi niya sa phone noong isang araw. Yung kabiyak daw ng puso ko.
Eksaktong kinagabihan ng Friday ay pinuntahan ako ni Kyle sa tirahan ko at naki-sleep over doon.
Nang hapong 'yon ay nagmamadali kaming mag-empake ni Kyle ng mga gamit at saka tinawagan si Vince para puntahan kami kasama ang kaniyang kotse. Dahil nga para magtungo ng Baguio bago man makapag-set ng date si Mama para sa meeting na 'yon.
"Bro..." tawag sa akin ni Kyle kaya naman nilingon ko siya. Nakasandal siya sa upuan at nakapikit ang dalawang mata. Pansin kong putlang-putla siya at namamawis kahit malamig naman.
"Patabi ng kotse, please." he said in a low voice, always like a whisper.
Kaagad kong tinapik si Vince na kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan, "Dude, ihinto mo ang kots-"
Before I can even finish my sentence, bigla niyang inapakan ang preno at nasubsob yung mukha ko sa balikat niya. And before I can even protest, bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ng pintuan si Kyle.
In a split second, yung kaibigan namin ay nasa harap ng bangin habang sumusuka.
"Matagal ba 'yan?" Tanong ko sabay abot ng tubig kay Vince.
Vince turned to me with a disgust plastered all over his face, "Marami-rami 'o."
Nagsalita bigla si Kyle, "Buntis yata ako mga pre..."
Napailing na lang ako.
Sumusuka na lahat-lahat, nakuha pang magloko.
Bumalik ako sa loob ng sasakyan at naisipang magbukas ng Facebook account.
Dahil nasa bundok kami at mahina ang signal, medyo nagtagal ang paglo-load. Medyo nakalimutan ko pa nga yung dahilan ng pag-o-online ko dahil sa dami ng notifications, messages, at friend requests na inasikaso ko.
Matagal-tagal na kasi yung huli kong pago-online.
Nang makita kong puro notifications about likes na lang yung iba, dumako ako sa search box at hinanap ang account ng isang taong dating kakilala ko. I want to see the whereabouts of that particular person.
"Rouise Mercedejas..."
Sorry, no results found for "Rouise Mercedejas"
~*~
#3
TRY DIVERTING YOUR ATTENTION TO OTHER MATTERS or BE CASUAL
One of the signs of being infatuated is being obsessed to that particular person. Hangga't makakaya, 'wag I-entertain ang mga 'cravings' ng utak. Baka lumala 'yan, patay ka.
PAGKAUWI sa bahay ay kaagad akong nag-online at saka ikinuwento kay Kyle ang lahat.
Francis Salvedra
Brad, kaklase mo yung Rouise Mercedejas? Yun yung tinutukoy ko. Crush ko na siya brad! May boyfriend na ba 'yon?
Kyle Morales active now •
Crush ko din HAHAHAHA Namin pala ni Jay. Sobrang bait niyan 'tsaka mahinhin.
Francis Salvedra
![](https://img.wattpad.com/cover/147356546-288-k35477.jpg)