CHAPTER SIX: M

15 1 0
                                    

#6

IT'S NOW OR NEVER. LET'S GET THIS OVER.

After you finish everything, escape. It's better to leave with an accomplished mission than leaving everything behind undone.


MONDAY, may pasok pa kaya naman maaga akong nagising para pumasok. Huling araw daw kasi ng pasukan para I-comply lahat ng mga kulang na requirements sa mga subject teachers.

Hindi na sana ako papasok pero may exam daw kami sa H.O.P.E subject. 'Tsaka ipa-pass daw ang lahat ng mga project sa Contemporary Arts.

Alas-otso ng umaga nang makarating ako ng school at kaagad na dumiretso sa morning classes namin sa specialized subjects namin. Kaso nadismaya ako dahil sarado ang classroom at naabutan ko ang adviser naming si Ma'am Mia sa faculty sa may senior high school building.

"Aba, Salvedra, kung kailan patapos na ang klase, doon ka pa lang pumapasok ng maaga a?" bungad kaya niya kaya naman natawa na lang ako at saka dumiretso na.

Pero bigla akong napatigil sa paglalakad nang may mamataan akong babaeng nakatayo sa tapat ng room namin.

Si Rouise Mercedejas...

I confirmed that she is a former Special Program in Foreign Language student since nakita ko ang T-shirt niya na may horizontal lines na tatlo ang guhit na kulay maroon. Merong ding ganoon ang T-shirt ng P.E uniform ko noong junior high school. 'Yon nga lang, sa aming mga Special Program in the Arts, nakalagay ang three lines sa may sleeves namin.

I clutched my chest when I suddenly felt that I'm running out of oxygen.

Hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko. LAKAS ah, hindi BILIS.

I breathed air and went straight as if I didn't see her.

Pero sa loob, actually, nagbubunyi ang aking pagkatao.

Nakasalubong ko sa loob ang dalawa kong kaklase na si Gerald at Regie nang makapasok ako ng classroom.

"Oh? Tayo-tayo pa lang?" tanong ko sa kanila.

"Dito na kami dumiretso. Sarado yung room ni Ma'am Mia 'e." sagot ni Regie.

I agreed to him, "'Buti pinapasok kayo ng mga ABM?" I asked and silently peeked to her direction.

"Kakaunti lang naman din sila." Gerald answered.

I busied myself by doing random stuffs. Typing novels, editing my amateur anime character illustration... kaso bored pa din talaga ako.

"Tara, laro tayo ng volleyball." I heard Mercedejas said to her companions.

"May bola ba?" one of her friends asked.

Then she quietly pointed at a corner and a girl went there then got the volleyball for them.

'Buti na lang pala at lumabas na sila. Kung hindi, baka sumabog na ako dito.

Kaso, partially, nanghihinayang ako. Akala ko, makakasama ko na siya dito sa loob buong magdamag at lalanghapin ang kaparehas na hangin na sinisinghot din niya. Kaso hindi 'e. Lumabas ang ate n'yo HAHAHAHAsad.

Dahil sobrang bored na ako, nagawa kong tumayo sa upuan at maglinis ng classroom. Yung mga kalat namin, katulad ng mga pinag-gupitan ng paper flowers bago pa man ang victory ball ay nandoon pa at hindi nalinis. Tinipon lang ng mga ABM sa tabi dahil kalat naman namin 'yon. Tapos yung mga basura pa na nakatambak sa tabi, umaalingasaw na.

Dahil feeling ko ay sinapian ako ng espiritu ng kasipagan, kumuha ako ng walis at saka nagwalis-walis sa piligid. Nagpatulong lang ako sa iba kong kaklase sa pag-iipon ng mga basura sa isang trash bag. Actually, inabonohan ko pa nga ng sarili kong pera yung bag eh. LOL.

The Six Major RulesWhere stories live. Discover now