- ||| -
Jihoon's
- ||| -
Isang taon.
Isang taon na ang lumipas simula ng umalis ako sa Seoul.
Madami ng nagbago, wala na rin akong balita sa mga kaibigan ko bukod kay Cheol hyung kasi sya lang nakakausap ko sa kanilang lahat.Paniguradong nagtatampo na din si Wonwoo sakin dahil kahit isang beses di ko sya tinawagan.
Pati si Soonyoung, wala din akong balita sa kanya. Ni di ko alam kung buhay pa ba sya o hindi, kung success ba yung operation nya o hindi, wala.
Wala na akong balita.
Ayoko rin naman kasing malaman.
"bwisit? antagal naman ni Seungcheol hyung, kanina pa ako dito."
Kanina ko pa kasi sya inaantay dito pero hanggang ngayon wala pa din siya, di ko din naman matawagan kasi nalowbat phone ko.
Malas ampota
"Where the hell are you, Choi Seungcheol"
"Jihoon?"
Rinig kong tawag sa akin kaya agad na lumingon ako.
"Dumati—"
"JIHOON HYUNG!!!" Sigaw ni Seungkwan sabay yakap saakin ng mahigpit.
Di na lang ako nakagalaw nun at napatitig na lang kay Wonwoo na nakatitig din naman saakin.
"I MISS YOU HYUNGGG!!! buti bumalik ka na" mangiyak-ngiyak na sambit ni Seungkwan ng bumitaw ito sa pagkakayakap saakin.
"Welcome back." maikling saad nya sabay iwas ng tingin sakin.
well, expected ko naman na yun.
"Bakit kayo andito? Nasan si Seungcheol hyung?" tanong ko kay Wonwoo pero di nya ako pinansin.
"Ahhhhh kasi si Hyung may pinuntahan pa kaya kami na lang pinapunta nya dito para sunduin ka hehe" sagot ni Seungkwan kaya tumango tango na lang ako.
"So, tara na hyung? Miss na miss ka na namin eh hehehehe" sabi pa ni Seungkwan sabay kuha sa maleta ko.
"wait lang, mag c-cr lang ako saglit, wait nyo na lang ako sa labas." sabi ko sabay alis papuntang CR.
Kanina ko pa din pinipigilan yung ihi ko, iniisip ko kasing baka mahirapan maghanap si Hyung pag umalis ako sa pwesto ko, kaso di rin naman pala pumunta leche.
"Palabas naman na ako ng banyo, intayin mo na lang muna si Soonyoung dyan okay?"
Soonyoung?
"Jihoon?" tawag sa akin kaya napalingon ako.
"Jeonghan hyung?" saad ko ng makita ko ito.
Agad na lumapit naman si Jeonghan hyung saakin tsaka kinurot yung pisngi ko.
"HALA! TOTOO NGA!!!!" Di makapaniwalang saad nya sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"Bumalik ka na pala, di ka man lang nagsabi!" sabi pa nya.
"Hindi sinabi ni Seungcheol hyung sayo?" tanong ko sa kanya kaya napatango sya bilang sagot.
Hanep talaga yun eh no
"pero teka nga? anong ginagawa mo dito sa airport? akala ko kasama mo si Seungcheol hyung?" tanong ko sa kanya.
"Kasama ko nga siya, kaso nag-CR lang ako saglit, tara dali puntahan na natin." sabi nya sabay hila sakin.
TEKA DI PA AKO NAKAKA-CR POTEK
"UY SEUNGCHEOL, TIGNAN MO NAKITA KO SI JI— UY SOONYOUNG ANDITO KA NA PALA!" sigaw ni Jeonghan hyung tsaka kami napatigil sa pagtakbo.
"Jihoon. . ." tawag ni Seungcheol hyung sa akin kaya tinignan ko siya, pero agad din ako napatingin sa katabi niyang si Soonyoung.
buti naman mukhang okay na siya.
"A-Andito ka na pala hahahahahaha" sabi ni Seungcheol hyung sabay lapit sa akin tsaka ako niyakap.
"Sorry na, Jihoon hehe" bulong nya sakin tsaka bumitaw sa yakap, sinamaan ko lang sya ng tingin nun tas napatingin ulit kay Soonyoung na nakatingin din sa akin.
"Welcome back." sabi niya kaya tumango na lang ako.
"Sala—"
"OPPA!!" sigaw ng isang babae sabay kumapit sa braso ni Soonyoung.
"Oh? Soon hye-ah, nakuha mo na ba yung naiwan mo?" tanong ni Soonyoung dun sa babae kaya agad na tumango ito at tsaka lumingon sakin.
"Sino siya?" tanong niya.
ngumiti ako at tsaka magpapakilala na sana kaso naunahan na ako ni Soonyoung.
"Ahh! Si Jihoon, kaibigan ko."
kaibigan.
"Ahhhhhh si Jihoon yung kinukwento mo sakin?" tanong niya kaya tumango na lang si Soonyoung.
Tumingin naman ulit yung babae sakin tsaka lumapit.
"I'm Kim Soon hye, Soonyoung's fiancé. Nice to meet you." pagpapakilala nya sabay offer ng handshake.
fiancé.
"Nice to meet you too." sagot ko naman tsaka nakipag handshake sa kanya.
"oh paano? tara na? baka inaantay na kayo nila Tita dun" pag-aaya ni Seungcheol.
"Sabay ka na samin, Jihoon." pag-aaya ni Jeonghan.
"No need, may sumundo na sakin eh, una na ako bye" sabi ko tsaka naglakad paalis.
"JIHOON!" sigaw ni Soonyoung kaya napatigil ako at tsaka siya nilingon.
"Bakit?" walang emosyong tanong ko.
Nakatitig lang siya sakin at hindi sumagot, lalapitan ko na sana siya kaso biglang kumapit na naman yung babae sa kanya kaya natauhan siya.
"Oppa? may problema ba?" tanong nung babae.
"ha? ah. . . wala" sagot niya sabay tingin ulit sakin.
"Ingat ka." sabi pa niya tsaka tumalikod paalis.
Ingat ka din.
BINABASA MO ANG
lost stars | soonhoon [COMPLETED]
Fanfictionuji: hoy nasan ka? howsh: /seen/ ▶ lost series#1 ◀ ❤180602 - #6 in short story