"Jihoon, Nawawala daw si Seokmin" pambungad ni Seungcheol ng pagbuksan siya ng pinto ni Jihoon.
"Ha? Saan naman pupunta yun? Chineck nyo na ba unit niya? o kaya dun sa bahay ng Mama niya?" tanong naman ni Jihoon sabay bumalik sa maleta niya dahil nag-aayos na ito ng mga gamit niya.
Ilang araw na lang kasi nakakalipas at babalik na siya ng States.
"Oo, Lahat kami chineck na yung mga posibleng lugar na puntahan ni Seoks, pero wala talaga eh. Hindi naman mahanap" sagot naman ni Seungcheol na kumuha na ng inumin sa kusina.
"Teka? Talaga bang kailangan mong umalis? Hindi ba pwedeng dito ka na lang? Tsaka nawawala pa si Seokmin oh, Tulungan mo muna kaming hanapin yun." sabi pa ni Seungcheol ng mapansin niyang nagliligpit si Jihoon.
Pinagpagan lang ni Jihoon yung sarili niya tsaka inagaw yung inuming tubig kay Seungcheol at ininom ito.
"Gustuhin ko man wag umalis pero kailangan talaga, pero habang andito naman ako sa Seoul, tutulong ako sa paghahanap." sagot ni Jihoon tsaka bumalik ulit sa ginagawa niya.
Napabuntong hininga na lang si Seungcheol at tsaka tinulungan magbuhat ng mga gamit si Jihoon na hirap na hirap na sa mga mabibigat niyang gamit.
"Kelan pa ba nawawala si Seokmin? Ngayon lang?" tanong ni Jihoon kaya napatigil si Seungcheol at tsaka ibinaba yung hawak niyang kahon.
"Ayon kay Tita, Dalawang araw na daw yun nawawala si Seokmin pero di daw niya masabi sa atin baka daw kasi mag-alala pa tayo, tsaka inisip niya din na baka umuwi din si Seoks ngayon pero hindi pa din talaga eh." paliwanag ni Seungcheol.
Napasuklay na lang si Jihoon sa buhok nya at tsaka napahawak sa bewang niya. Wala na kasi siyang maisip na posibleng lugar kung saan pupunta si Seokmin, Lalo na't ayon kay Seungcheol di nila ito nakita dun sa mga lugar kung saan madalas tumatambay si Seokmin.
"Tsaka sinabi din ni Seungkwan sa akin, Nag-break daw sila ni Joshua 2 days ago. Kaya iniisip namin baka yun yung dahilan kung bakit umalis si Seokmin." dagdag pa ni Seungcheol kaya napatingin siya dito.
"Ha? Bakit naman? Anong nangyari?" tanong niya.
"Sabi ni Kwan, Di daw kasi tanggap ng Mommy ni Joshua na may jowang lalaki ito, kaya ayun nakipagbreak yung gago." paliwanag ulit ni Seungcheol.
Napakunot na lang noo si Jihoon at huminga ng malalim.
Kalma Jihoon, Hindi ngayon yung oras para mainis ka! Kalma!
Saad ni Jihoon sa kanyang sarili tsaka kinuha yung phone niya para tawagan si Joshua pero hindi naman ito sumagot.
"Tinry din namin tawagan si Joshua pero wala eh, Di niya sinasagot." sabi ni Seungcheol dahilan para mas lalong uminit ang ulo ni Jihoon at parang anytime manununtok na.
"Kalma ka lang, Jihoon ha? Baka mamaya ako pa mapagbuntungan mo ng galit mo eh." sabi ni Seungcheol kaya naman tinignan siya ng masama ni Jihoon.
"oopz sorry hehehe u-una na pala ako, babye!" pagpapaalam ni Seungcheol at tsaka tumakbo palabas ng unit niya.
— | | | —
[ Incoming Call. . . ]
Unknown Number
ACCEPT | DECLINE
"Hello—"
". . . . . hyung. . ."
"S-Seokmin? Seokmin, ikaw ba to?"
". . . . .hyung, tulong naman oh?"
"Seokmin, Nasan ka? Sabihin mo kung nasaan ka?"
"Hyung, Di ko na alam gagawin ko eh? Hyung, Tulong naman."
"Seokmin, Sabihin mo sakin kung nasaan ka? Pupuntahan kita."
"Hyung, Bakit lagi na lang akong iniiwan? Bakit ganun hyung?"
"Please Seokmin? Sabihin mo sa akin kung nasaan ka ha? Mag-usap tayo ng personal, okay?"
". . . . .Hyung? Minahal niya ba talaga ako?"
"Seokmin please!"
". . . . . . .I'm sorry, Hyung."
[ Call Disconnected ]
; note ;
» ••• «
Promote ko lang yung Lost memories hehehehehe❤❤
Wavyu and Thank you ol😙
» ••• «
BINABASA MO ANG
lost stars | soonhoon [COMPLETED]
Fanfictionuji: hoy nasan ka? howsh: /seen/ ▶ lost series#1 ◀ ❤180602 - #6 in short story