Matapos matanggap ni Jihoon yung lugar na binigay ni Jane agad nya itong pinuntahan at umasang andun nga talaga si Soonyoung.
Kasi kung wala na naman, susuko na talaga siya. de syempre charot lang.
"Welcome" pagbati ng staff kay Jihoon ng makapasok ito sa isang K-Hub.
"Ahh miss, nakita nyo ba tong lalaki na to?" tanong ni Jihoon dun sa staff sabay ipinakita yung phone niya na may picture ni Soonyoung.
"hmmmm parang pamilyar siya" sagot niya sabay kinalabit yung katabi niyang staff para itanong kung nakita niya din ba ito.
"Ahhh! Oo sir, actually kakaalis nga lang niya eh" sabi nito kaya nabuntong hininga na lang si Jihoon at tsaka lumabas sa may K-Hub.
Nahuli na naman siya ng dating, Hindi na naman niya naabutan si Soonyoung.
"badtrip naman." saad niya sa kanyang isipan sabay tumingin sa may langit.
"Andaming stars ngayon." sabi niya sa kanyang sarili habang naglalakad paalis pero yung mga mata niya nakatingin pa din sa mga bituin na nagniningning sa kalangitan.
Hoshi.
"ay sorry po" paghingi ng tawad ni Jihoon ng may bigla siyang mabangga.
"sorry din" sabi nito at tsaka sila nagtinginan dalawa.
"Hoshi?"
"Jihoon?"
sabay na sambit nila at nakipagtitigan pa sa isa't isa na tila naninigurado pa kung tama yung nakita nila.
"oh shit! alis na ako bye" sabi ni Soonyoung ng matauhan ito at agad na nilagpasan si Jihoon.
"TEKA LANG, SOONYOUNG!" sigaw ni Jihoon kaya napatigil ito at tsaka yung ibang tao na din sa paligid nila na pinagtitingan pa si Jihoon dahil sa biglaang pagsigaw nito.
"B-Bakit?" tanong niya kay Jihoon.
"Mag-usap tayo" sagot niya sabay hila kay Soonyoung na wala ng nagawa dahil hila hila na siya ni Jihoon.
BINABASA MO ANG
lost stars | soonhoon [COMPLETED]
Fanfictionuji: hoy nasan ka? howsh: /seen/ ▶ lost series#1 ◀ ❤180602 - #6 in short story