[ 5: 48 pm ]
[ Calling. . . ]
Seungcheol Hyung"Hello, Jihoon? On the way na ako—"
"Wag ka na pa lang tumuloy hyung."
"huh bakit naman? akala ko ba—"
"Okay na hyung, Wag ka na umalis dyan sa trabaho mo"
"nahanap nyo na si Soonhyung? bilis naman?"
"Pasabihan na lang sila Seungkwan ha? Salamat."
"okay—"
[ Call Disconnected ]
— | | | —
"Jihoon?" rinig niyang tawag ni Soonyoung sa kanya kaya agad siyang napapunta sa may kwarto niya.
"Gising ka na pala, Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Jihoon sa kanya pero tinignan lang siya ni Soonyoung at hindi sumagot.
"Anong ginagawa ko dito?" tanong ni Soonyoung sa kaniya.
Bumuntong hininga naman si Jihoon nun at tsaka siya inabutan ng tubig.
"Nakatulog ka bigla dahil sa kalasingan mo, kaya dinala kita sa kwarto ko para makatulog ka ng maayos." paliwanag ni Jihoon.
Tinignan siya ulit ni Soonyoung at tsaka siya napahawak sa ulo nya ng biglang sumakit ito.
"Ayos ka lang?" tanong ni Jihoon sa kaniya pero hindi siya sumagot at tumayo kahit na nahihilo pa siya.
"San ka pupunta?" tanong ni Jihoon sa kanya pero di na naman siya sinagot neto at nagdirediretso lang palabas ng kwarto.
"Uy, Soonyoung? San ka kako pupunta?" tanong muli ni Jihoon sa kanya sabay hawak pa sa braso ni Soonyoung pero tinanggal lang niya ito at nagpatuloy pa din sa paglalakad.
"Hoy! Kwon Soonyoung!" tawag pa rin ni Jihoon sa kanya pero di pa din siya pinapansin.
"Hoshi!" tawag niya ulit dito at sa pagkakataong ito napatigil na si Soonyoung sa paglalakad at tsaka siya nilingon.
"Tumigil ka din sa paglalakad, bwisit ka!" iritadong sambit ni Jihoon sa kanya at tsaka lumapit kay Soonyoung.
"Ba't ba di mo sinasagot yung tanong ko ha? uuwi ka na ba? sabihin mo kasi ihahatid na lang kita" inis na sabi ni Jihoon kay Soonyoung na nakatitig na naman sa kaniya.
"Ano bang nangyayari sayo, Soonyoung ha? Para ka namang timang dyan sa ginagawa mo eh!" sabi pa ni Jihoon pero di na naman siya sinasagot ni Soonyoung kaya napasapo na lang siya sa noo niya.
ang sakit talaga sa ulo ng lalaking to!
"Ito kahit tango na lang gawin mo ha? Uuwi ka na ba?" tanong ulit ni Jihoon pero di na naman siya sumagot.
"Okay, sige uuwi ka na. Ihahatid na kita wait lang!" tanging nasabi ni Jihoon dahil sa inis niya at akmang aalis na sana ng bigla syang yakapin patalikod ni Soonyoung.
putangina.
"B-Bitawan mo nga ako?!?" utal-utal pang utos niya kay Soonyoung pero di siya pinakinggan nito at mas lalo panh hinigpitan yung pagkakayakap sa kaniya.
"H-Hoy! Kwon Soon—"
"Sorry." bulong ni Soonyoung sa kanya na nagpaisip na naman siya kung para saan yung sorry na yun.
Humiwalay naman na si Soonyoung sa pagkakayap sa kaniya at tsaka niya hinarap si Jihoon sa kaniya.
"Sorry para saan?" tanong ni Jihoon sa kaniya ngumiti lang ito at tsaka ginulo yung buhok niya.
"sa pang-iistorbo ko" sagot niya tas tumawa na naman.
luh? nabaliw na.
"Una na ako, Hindi mo na rin ako kailangan ihatid kasi kaya ko naman na sarili ko." sabi pa niya at tsaka tuluyang lumabas ng unit ni Jihoon.
Pagkalabas na pagkalabas niya sumalubong ka agad sa kaniya si Soon hye kasama si Jane na masayang nagku-kwentuhan pero agad din napatigil ang dalawa ng makita siya.
"Oppa? Andito ka pa din pala?" takang tanong ni Soon hye sa kanya pero di niya sinagot ito at dali-daling nilapitan para sunggaban ng isang halik sa labi.
"Oppss! I guess I have to go now~" sabi ni Jane at agad na tumakbo papasok sa unit ni Jihoon.
Hindi tama to.
Maling mali yung nararamdaman ko? bakit ganito?
Bakit ganito pa din yung nararamdaman ko sa kaniya? bakit— bakit parang siya pa din talaga?Saad ni Soonyoung sa isipan niya habang patuloy pa rin sa paghalik sa kanyang nobya. Nang tumigil na ito sa paghalik agad niya din siyang nagsorry kay Soon hye.
"Bakit ka naman nagso-sorry? Normal lang naman yun satin kasi boyfriend kita diba?" Tanong ni Soon hye sa kaniya.
Tama nga naman.
Girlfriend ko nga naman siya, pero bakit parang mali? bakit parang mali tong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
lost stars | soonhoon [COMPLETED]
Fanfictionuji: hoy nasan ka? howsh: /seen/ ▶ lost series#1 ◀ ❤180602 - #6 in short story