82

637 31 11
                                    

— | | | —

Jihoon's

— | | | —

5pm na ng makauwi si Jane sa unit niya, Hahatid ko pa sana siya kaso tumanggi din ito at sinabi sa akin na tama na daw yung nakita ko siyang umiyak ng ganun.

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko yung nakita kong umiiyak siya, pati yung sinabi niyang alam niyang may nangyari sa amin ni Soonyoung.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, sobrang naguguluhan na ako sa mga nangyayari at nasasaktan na din ako.

Alam kong mali lahat, mali na may nangyari sa amin ni Soonyoung, mali na hanggang ngayon may nararamdaman pa din ako sa kanya.

Sobrang mali.

"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo ha? Lee Jihoon?" saad ko sa aking sarili habang nakatingin sa may salamin.

Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito ako, wala naman sa isip ko pumasok sa ganitong bagay pero hindi ko rin naman ginusto na may mangyari sa amin ni Soonyoung.

"Kung bakit ba kasi nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko eh, Tangina!" inis sa saad ko at napasuntok na lang sa salamin.

Pilitin ko man sabihin sa sarili ko na tama na, na itigil ko na tong nararamdaman ko pero hindi ko kaya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kaya.

Hindi ko din naman aakalain na mas lalalim din pala tong nararamdaman ko sa kanya, akala ko hanggang dun lang, pero bakit nung makita ko siya pagkatapos kong mawala ng isang taon kusa ng nagwala tong pesteng puso na to.

Nung makita ko siya, gusto ko siyang yakapin kasi masaya ako at buhay siya pero yung sayang naramdaman ko nung araw na yun, nagbago agad nung makita ko siya na may kasamang babae at ipinakilala pa niyang fiancè niya.

Tangina talo na ako eh, alam ko na.

Pero bakit may part pa din sa akin na nagsasabi na wag akong sumuko? Gustong-gusto ko na sumuko eh, kasi alam kong wala ng pag-asa.

Tanga ko din kasi may pa alis-alis pa akong nalalaman.

Tapos ngayon mas lalong nagulo na, may nangyari saamin, Hindi ko alam kung sinabi na ba niya sa fiancé niya yun or what. Umiyak si Jane ng dahil doon, May nasaktan na akong tao at pinapalayo ko na din si Soonyoung sa akin dahil ayokong mas lalong gumulo pa.

"Ba't kasi ang gago mo, Jihoon? ang gago mo!" saad ko na naman sa aking sarili at tsaka ginulo yung buhok ko.

Dapat kasi hindi na lang muna ako bumalik dito eh, edi sana hindi gumulo ng ganito.

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon