15

934 50 7
                                    


"Jihoon-ah, dali naaaa~ bisitahin mo na ako ditoo"

"Busy nga kasi ako"

"Para lang kay Noona dali naa, ayaw mo ba akonh makita?"

"Jaerim, busy nga kasi ako. alam mo namang hinahanap pa namin si Hoshi."

"Di nyo padin nahahanap? mag-iisang buwan na syang nawawala ah."

"Oo eh. . ."

"bisitahin mo muna ako dito, miss na kita! dali na pang-gigigilan lang muna kita hihi"

"talaga bang gusto mong maging kamukha ko yang anak mo? wag ako ah."

"Ehhh dali na jihoons, sayo talaga ako naglilihi eh, kung nakakain ka lang baka kinain na kita."

"Kinikilabutan na ako sayo ha? lalo akong hindi pupunta dyan eh."

"Yaan mo Ji, di naman kita kakainin eh hihi"

"Ewan ko sayo, sige na ibababa ko na to."

"oka-- ay oo nga pala Ji, wala ako sa busan."

"eh asan ka?"

"Dito sa Namyangju hehe text ko na lang sayo kung saang ospital, babye!!"

[ CALL DISCONNECTED ]

"OMG? TOTOO HYUNG? BUNTIS SI JAERIM NOONA?!?!?!?!?" Tuwang-tuwang tanong ni Seungkwan kay Jihoon na busy magligpit ng gamit nya.

"Oo sabi 4 weeks na daw syang buntis." sagot naman ni Jihoon kaya napangiti din siya.

sana lalaki maging baby nila.

"omg nakaka-excite naman!!!"

"san ka pala pupunta ji? ba't nagliligpit ka ng gamit mo?" tanong ni Wonwoo ng mapansin nya ito.

"Ah, pinapapunta kasi ako ni Noona dun sa ospital kung saan sya naka-admit. Sakin daw sya naglilihi eh, ewan ko ba dun." natatawang sambit ni Jihoon.

"saang ospital ba?"

"sa may namyangju daw eh." sagot ni jihoon kaya napatitig lang yung dalawa sa kanya.

"Gusto mo bang sumama ako sayo?" tanong ni Wonwoo sa kanya kaya umiling lang si Jihoon bilang sagot.

"Kaya ko naman mag-isa, tsaka tatry ko na din hanapin si Soonyoung dun habang andun ako sa Namyangju."

Hinayaan na lang ni Wonwoo si Jihoon na pumunta mag-isa sa Namyangju. Baka kasi gusto nya talagang mag-isa na pumunta dun. Ayaw nya namang pilitin si Jihoon baka mainis lang ito sa kanya at masaktan pa sya ng di oras.

* 1 message received *
Fr. Jaerim

" Eden Adventist Hospital, room 404"

"Alis na ako guys ah? medyo malayo layo pa lalakabayin ko." nakangiting saad ni Jihoon at tsaka nag-paalam sa mga kaibigan nya.

Paglabas nya ng unit nya agad na bumungad kagad yung mukga ni Seungcheol na kakatok na sana sa may pintuan nya.

"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyong tanong ni Jihoon.

"S-Saan ka pupunta?"  balik na tanong ni Seungcheol.

"Wala kana dun." sagot nya tsaka ito nilagpasan.

Agad naman syang hinabol ni Seungcheol at tsaka hinawakan yung braso niya.

"Mag-usap ta--"

"Tigilan mo na ako hyung, diba nilinaw ko naman sayo lahat? tapos na tayo. Di na kita babalikan pa." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ni Seungcheol.

Naramdaman naman niya na unti-unting binitawan ni Seungheol yung braso nya kaya hindi na siya nag-abalang alamin yung sasabihin ni Seungcheol at tsaka umalis na.

"Ang gago mo kasi hyung, nasa iyo na nga binitawan mo pa."

lost stars | soonhoon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon