"Lola?" tawag ni Wonwoo sa kanyang lola na agad namang lumabas mula sa bakuran nito.
"Wonwoo, apo! Napadalaw ka ulit" masayang sambit nito sabay yakap sa kanyang apo.
"At may mga kasama ka pa" sabi pa niya ng mapansin ang kasama niyang si Soonyoung.
Hindi na kasi nakasama yung iba dahil nga bumalik na si Joshua, si Jane at Soon hye naman umuwi na dahil pagod daw silang dalawa kaya si Soonyoung na lang nakasama sa probinsya ni Wonwoo.
Dito kasi dinala ni Wonwoo sila Jihoon.
"La, Si Jihoon po?" tanong ni Wonwoo.
"ah nandun sa may kwadra, pinapakain yung mga alagang kabayo ng Lolo mo." sagot niya sabay turo doon sa di kalayuan sa bahay nito.
"Puntahan mo na, Tutulungan ko muna dito si Lola." sabi ni Wonwoo kay Soonyoung kaya ngumiti ito at tsaka nagpaalam sa dalawa.
"Ka-ano yun ni Jihoon, apo?" tanong ng matanda kay Wonwoo na ngumiti lang.
Samantalang si Soonyoung sobrang kinakabahan dahil makikita niya na ulit si Jihoon. Hindi niya alam kung anong gagawin niya pag nakita nya na ito, Hindi nya alam kung yayakapin nya ba ito o hahalikan.
Kaso mukhang imposible yun dahil alam nyang itataboy din naman siya ni Jihoon pag nakita siya nito pero wala naman siyang pake eh.
Ang gusto niya lang naman maging maayos na relasyon nilang dalawa, kung wala talagang feelings si Jihoon sa kanya edi wala, tatanggapin na lang niya.
Basta ba maging magkaibigan na lang ulit sila.
"Soonyoung, Kalma! Kalma!" bulong ni Soonyoung sa kanyang sarili ng makarating ito sa kwadra ng mga kabayo.
Huminga muna siya ng malalim at tsaka akmang papasok na sana sa loob ng biglang lumabas si Jihoon mula doon.
"H-Hi!" bati ni Soonyoung ng makita niya ito.
"Sobrang namiss kita, Jihoon." saad ni Soonyoung sa kanyang isipan habang nakatitig dito.
Gustong-gusto nya ng yakapin ito ngayon dahil tatlong buwan din niyang hinding nakita si Jihoon, pero pinipigilan niya lang sarili nya at baka masaktan siya ng wala sa oras.
"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyong tanong ni Jihoon sa kanya na para bang hindi nagulat sa pagdating niya.
"Ha? ahh ano p-pinuntahan kita" utal pang sagot ni Soonyoung dahil kinakabahan ito sa hindi niya mapaliwanag na dahilan.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Jihoon at tsaka ito nilagpasan na agad din sinundan ni Soonyoung.
"H-Hindi ka man lang ba nagulat na nandito ako?" tanong ni Soonyoung sa kanya pero di siya pinansin ni Jihoon na busy sa pag-iigib ng tubig.
"Mas lalo kang naging cute sa suot mo, Ji." saad ulit ni Soonyoung sa kanyang isipan habang tinitignan si Jihoon mula ulo hanggang paa.
"Jihoon?" tawag ni Soonyoung kay Jihoon pero hindi pa din siya pinapansin nito at hanggang sa binuhat na ni Jihoon yung balde ng tubig.
"Ako na magbubuhat nito!" saad ni Soonyoung sabay hawak may sa balde.
"Bitaw!" utos ni Jihoon pero umiling lang si Soonyoung at hindi pa din ito binibitawan.
"Tangina, bitaw sabi eh!" Inis na sabi ni Jihoon at tsaka inagaw yung balde sa kanya pero hindi nagpatinag si Soonyoung at hinila din yung balde.
"Punyeta! Soonyoung bitaw kasi!" utos niya habang patuloy na hinihila yung balde hanggang sa aksidente ng nabitawan ito ni Jihoon at nabuhos yung tubig kay Soonyoung.
Mukha tuloy siyang basang sisiw sa dahil sa itsura niya.
"Sabi ko naman kasi sayo bitawan mo eh." tanging nasabi ni Jihoon at tsaka umalis pero agad din itong tumigil tsaka bumalik kay Soonyoung na nag-iigib na ng tubig pamalit dun sa nabuhos niya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Jihoon ng makita nyang nag-iigib ito.
"Nag-iigib. Natapon ko kasi yung inigib mo eh" sagot niya kaya napasapo na lang si Jihoon.
"Patayin mo na yan, magpalit ka muna ng damit." sabi ni Jihoon.
"Ha? ano sabi mo? di ko narinig, sorry" tanong ni Soonyoung sa kanya tsaka nya pinatay yung tubig.
"Magpalit ka muna ng damit mo." sabi ni Jihoon tsaka lumakad na
Ngumiti naman si Soonyoung nun at tsaka sinundan ang binata.
"Jihoon" tawag niya dito kaya tumingin naman ito sa kanya.
"Namiss kita, sobra." sabi ni Soonyoung tsaka lumapit at hinalikan siya sa ulo.
Matapos niyang gawin yun agad siyang tumakbo papuntang bakuran kung nasaan sila Wonwoo, alam niya kasing masasaktan siya ni Jihoon.
Tangina, Kwon Soonyoung.
BINABASA MO ANG
lost stars | soonhoon [COMPLETED]
Fanfictionuji: hoy nasan ka? howsh: /seen/ ▶ lost series#1 ◀ ❤180602 - #6 in short story