CHAPTER 32: Heartbreak

22 0 0
                                    

Nakita kong sinilip din ni Exie ang cellphone ni Hydee at parang hindi man lang siya nagulat.Ako naman heto,nakasandal habang nakacross-arms at nagdidikit ang kilay.

"Tssh..Nevermind them,Zyrenne." mahinang sabi niya."Hayaan mo na si Deinile.Kung nasasaktan ka and you think na sobra na ang ginagawa nila,hiwalayan mo na,makipag-break ka na."

"Don't worry,Exie.Gagawin ko yan..Soon." Nakangising sabi ko.

-----------

"Lo.Lolo Nestor." pagtawag ni Kuya kay Lolo Nestor dahil nandito na kami sa SM at siya natutulog pa din.

Nagising na din si lolo pero hindi naman mukhang inaantok.

"Oh apo,nandito na ba tayo?" tanong niya.

Tumango naman si kuya."Opo.Kakarating palang po." magalang na sagot naman niya.

Agad kaming pumasok sa mall at dumiretso sa SM Store kung saan madami kang mabibili like yung mga damit,tsinelas,sapatos etc.

"Aba't ang laki pala ng SM ano? At ang lamig pa." sabi ni Lolo Nestor at biglang humiwalay samin si Kuya.

Agad naman siyang bumalik at siniguradong ako lang ang nakakita sa kanya.Mabilis naman siyang bumalik nang may dala-dalang white at medyo makapal na jacket.

"Lo heto po.Suotin niyo." sabi ni Kuya sabay abot kay Lolo ng jacket at tinulungan niya siyang isuot ito.

"Lo hindi po ba kayo sanay pumunta dito?" biglang tanong ni Hydee.

"Hindi pa kase ako nakakapunta dito.Ito ang unang beses na nakapasok ako dito sa loob.Kapag pumupunta ang mga anak ko dito,sinasama nila ako pero ayaw ko dahil kailangan kong magtrabaho." pagpapaliwanag ni Lolo at naintindihan naman namin.

"Ahh..Sige po.Tara na po sa loob at marami pa po tayong bibilhin." pag-aaya ko at sinamahan naming lima si Lolo.

As usual,ginto pa din ang presyo ng mga damit dito.Puro ₱400+ ang presyo.But no worries,tinanong ko sila kung magkano ang dala nilang pera at ito ang sinagot nila.

Hydee - ₱3,000
Francis - ₱2,500
Exie - ₱4,300
Lester - ₱2,900
Me/Zyrenne - ₱3,000

Total: ₱15,600

Hehe,mayayamin kami eh :D.

Agad naming tinulungang pumili si Lolo Nestor ng tigli-limang damit pang-alis at sapatos para sa bawat miyembro ng pamilya niya.Ang galing din ni Lolo Nestor dahil alam niya ang size nilang lahat.At bumili na din kami ng laruan para sa mga apo niya.

Plano pa sana namin siyang papiliin pa ng marami kaso ayaw niya na daw.

"Mga apo sapat na ito samin.Kasya na ang mga yan.Marami pa naman kaming pweding isuot." sabi ni Mang Nestor at hindi na rin namin siyang pinilit.

"Sige po.Kung yan ang gusto niyo.Tara na po sa counter at magbabayad na po kami." sabi ko nalang at pumunta na kami sa counter.

Pagkatapos nang i-total ng cashier ang mga damit at sapatos,humarap siya sa amin.

"Ma'am the total cost is ₱13,650." sabi ng cashier.Hinanda na namin ang perang pambayad nang bigla ulit magsalita ang cashier."Lo,meron po ba kayong senior citizen card? Makakatulong po yun pang-discount sa babayaran."

"Ah oo meron.Sandali lang." sagot naman ni Lolo at kinuha sa wallet niya ang kanyang senior citizen card.

Kinuha lang ito sandali ng cashier at ibinalik din agad.Nakita naming bumaba ang presyo at naging ₱12,100 nalang ang babayaran namin.Napangiti nalang kaming lahat.

Partners In Crime /Book 1/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon