CHAPTER 18: Legend

29 2 0
                                    

*after class*

"BlackFaith uwi na kami ni Hydee." Sabay-sabay kaming umuwi,magkasabay kami ni Hydee dahil magkalapit lang naman ang bahay namin at may dadaanan pa kami kina Exie.

Tumigil kaming dalawa sa tapat ng bahay nina Exie.Sabi ng isa nilang katulong na kaibigan ko,hindi daw uuwi agad ngayon ang pamilya Montiares dahil may pupuntahan silang isang business party.

Sakto.Nang pindutin ko ang doorbell,agad binuksan ni Claire ang gate.Si Claire ay isa sa mga kababata ko,bata palang kami ay close na kami,kaso lumipat kami ng bahay kaya di namin siya natulungan sa pag-aaral niya kaya ayan,napunta siya kina Exie.

"Claire heto na yung mga hidden cameras.Kumpleto na lahat yan ang kailangan mo lang gawin ay hanapan mo ng magandang pwesto sa lahat ng sulok ng bahay." Utos ko then agad naman niyang sinunod dahil gusto niya ring makaganti kay Exie.She also experienced some bad habits of Exie.

CLAIRE'S P.O.V.
Oo tama si Zyrenne.Gustong-gusto kong gumanti sa babaeng yun.Napakasama niya.Nung lumipat sina Zyrenne,dumating naman sina Exie at lagi niya akong binubully nung bata pa kami.And ngayong katulong nalang nila ako,mas lalo pa siyang sumama.Minsan magpapakuha siya ng inumin tapos itatapon niya lang saken. Kaya nung sabihin ni Zyrenne na may plano siya para gumanti kay Exie,agad akong pumayag.

Nalagay ko na lahat ang mga hidden cameras sa lahat ng sulok ng bahay. Tinawagan ko na din si Zyrenne para makapagsimula na siya.

ZYRENNE'S P.O.V.
Great job Claire! Ngayon nakaconnect na ang camera sa laptop ko and nandito kami ngayon sa basketball court. Dahil walang naglalaro ngayom dito,this is the perfect place para gawin ang misyon.

Habang kinakalikot namin ang laptop,merong tumawag sa pangalan ko.Lahat kami ay napatingin at nakita kong si Deinile yun,kumakaway.Hayystt,parang magiging sagabal pa tong lokong toh sa plano namin.

Paglapit niya,agad ko siyang hinila at nagpaalam muna ako sa mga members na kakaausapin muna siya saglit.

Pumunta kami sa isang sulok at dun na nag-usap.

"Loko ka ba?! Bakit bigla-bigla ka nalang sumusulpot?! Meron pa kaming kailangang tapusin! Umalis ka na!" Pabulong na sabi ko pero siya nakangiti lang at para bang wala lang sa kanya ang mga binitawan kong salita.

"Haha,so ganyan ka ngayon? Gusto mo tawagin ko ang babaeng nagngangalang Gilvie Herish?

"What?! Si mama?! Wag! Wag! Ano ba kaseng kailangan mo?!"

"Yayayain sana kitang lumabas."

"Anak ng putek.Ano ka ba?! Lagi mo nalang akong niyayayang lumabas! Ni hindi na nga ako makapaglibang by myself eh! Tapos kung san-san mo nalang ako dinadala at kahit anong oras makahalik ka.G*go ka ba?"

"Sige pa isa pang mura.Nakaready na mga labi ko."Sabi niya sabay nguso.What the..?! Di na nahiya tong lalaking toh.Gusto pa atang gumawa ng scandal.

"Pervert!" Sigaw ko sabay palo ng mahina sa kanya at alis.

Pagbalik ko sa BlackFaith,di ko namalayan na sinundan niya pala ako.

"Zy ano ba yang ginagawa niyo?" At napatingin ang lahat sa kanya lalo na ako,binigyan ko siya ng isang SHARP look.

"'Zy'?" Nagtatakang tanong ni Francis.

"Yup Zy,tawag ko sa kanya is 'Zy',short for Zyrenne."

"Y'know it's obvious.Go away." Pagtataboy ni Kuya Lester.Nako nararamdaman kong nag-iinit na naman ang dugo nito kay Deinile.

"Sorry but I can't at oo nga pala,Zyrenne diba tawag mo sakin is 'Nile'?" Muntik nakong mahulog mula sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi niya.

Partners In Crime /Book 1/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon