Min Ji's POV
"Class dismissed." Kinuha na ni Ma'am yung gamit nya at umalis. Inaayos na namin yung gamit namin ng kulbitin ako. Tumingin ako kung sinong nangulbit sa akin. Si Jimin.
"Tara na, mag-prapractice pa tayo." Paalala nya. Ay nga pala.
"Wait lang." Sinabi ko at inayos yung bag ko.
"Papaalam muna ako kina kuya." Sabi ko, tumango sya. Pinuntahan ko sina kuya, mag-kakasama sila.
"Kuya, pupunta muna ako kina Jimin, mag-prapractice lang kami ng sayaw." Sabi ko. Alam ko nang mang-aasar itong mga ito.
"Ehem" sabi ni kuya Nam Joon, diba sabi na eh.
"Sige" sabi ni kuya Jin
"Pero mag-prapractice lang kayo dun ha? Baka mamaya kung ano ano na ang ginagawa nyo." Asar ni kuya V. Namula ako sa sinabi nya.
"Langya ka kuya!" Sabi ko at hinampas sya. Nag-sitawanan silang tatlo
"Oh siya, Alis na ako." Paalam ko
"Geh ingat ka" sabi ni kuya Nam Joon
"Agahan mo umuwi!" Sigaw ni kuya Jin.
"Tara na." Sabi ni Jimin. Naglakad kami papunta sa bahay nila. Ang tahimik.
"So ok ka na?" Tanong ko. Tumingin sya sa'kin at tumango.
"Adik na adik ka talaga kay Seulgi ano?" Sabi ko, Tumango uli sya. Hays bakit kaya di mo ko napapansin? Nandito lang naman ako eh.
"Mahal ko sya pero ba't ganoon? Di nya ako mahal?" Tanong nya
"Eh ba't ikaw?" Bulong ko sa sarili ko
"Anong sabi mo?" Sabi nya.
"A-ah, wala" sabi ko ng pautal
Jimin's POV
"Eh ba't ikaw?" Bulong nya, pero narinig ko. Ba't ako? Huh?
"Anong sinabi mo?" Sabi ko
"A-ah wala." Sabi nya ng pautal.
"Daan muna tayong park?" Yaya nya, tumango nalang ako. Pumunta kaming park at umupo kami sa swing. May nakita akong babae at lalaki nakaupo habang nag-uusap at naka-akbay yung lalaki dun sa babae nag-tatawanan sila. Bakit parang kilala ko sila? Nanlaki mata ko.
Min Ji's POV
Umupo muna kami dun sa swing, tapos may nakita akong babae at lalaki na nakaupo habang nag-uusap at naka-akbay yung lalaki dun sa babae nag-tatawanan, parang familiar sila. Oh no.
"A-ay Jimin, tara na punta na tayo sa bahay nyo." Sabi ko, pero di sya sumagot. Tumingin ako sa kanya. Lagot, nakita nya na. Pumunta ako sa harap nya at hinawakan ko kamay nya.
"Tara na." Sabi ko at tinayo ko sya. Naglakad na muli kami papunta sa bahay nila, tapos nakita ko syang nag-luha. Nilagay ko yung kamay ko sa likod nya.
"Huy, Ok ka lang?" Tanong ko, umiling sya.
"Sorry, dapat di nalang tayo pumunta dun." Sabi ko
"O-ok lang, D-di mo naman alam na nandun sila eh." Sabi nya sabay punas sa luha.
"Sorry talaga." Sabi ko ulit. Tumango nalang sya. Nakapunta na kami sa bahay nila at binuksan nya yun.
"Asan sina Tito at Tita?" Tanong ko.
"Family Business" sabi nya
"Ah, saan?" Tanong ko
"France" sabi nya ng maikli.
"Baba mo muna bag mo." Sabi nya. Binaba ko yung bag ko. Pumunta kami sa dance room nila, ngayon na lang uli ako naka-punta dito.
"Namiss ko 'tong dance room nyo." Sabi ko
"Dance Challenge uli tayo?" Yaya nya.
"Sige ba." Payag ko at ngumisi.
"Matatalo ka kala mo." Sabi ko.
"Di pa nga nag-sisimula, talo agad." Sabi nya at tumawa.
"Wah, napatawa din kita." Sabi ko.
"Oo na, napatawa mo na ako." Sabi nya at ngumiti. Yung ngiti na yan yung ngiti nyang nakakainlove. Yung ngiti nyang halos di na kita mata nya.
"Bato bato pik muna, kung sino manalo sya una." Yaya nya.
"Sige" Payag ko
"Bato bato pik." Ang binaba ko ay papel, ang binaba nya ay bato.
"Oh, panalo ako." Sabi ko at tinaas yung kamay ko.
"Dali, sayaw na." Sabi nya, pumunta ako sa gitna at nag-isip ng sasayawin. Naisip kong sayawin yung Gashina.
Jimin's POV
(A/N:Habang sumasayaw ka)
Ang galing nya pala sumayaw. Ba't di ko napansin yun? Sabagay, si Seulgi naman ang laging nasa isip ko eh. Kaya siguro di ko sya napapansin. Aigoo, ang sexy nya pa sumayaw. Anong iniisip mo Jimin!
Min Ji's POV
Natapos na yung kanta at sya naman ang kasunod.
"Ang galing mo pala sumayaw eh." Sabi nya at uminit yung pisngi ko. Ngayon nya lang napansin, Sabagay kay Seulgi lang sya naka-focus.
"Thank you." Pasalamat ko.
"Ikaw naman." Tumango sya
Jimin's POV
Nag-iisip ako ng magandang sayawin. Naisip kong sayawin yung Ko Ko Bop.
Natapos na yung kanta at narinig ko si Min Ji na pumapalakpak.
"Magaling ka din naman sumayaw eh." Sabi nya.
"Salamat." Sabi ko.
"So sinong panalo?" Tanong ko.
"Parehas nalang." Sabi nya at ngumiti, nginitian ko din sya.
783 words

BINABASA MO ANG
Fake Girlfriend (Jimin FF)
Fanfiction"Anong gusto mo?" "Be my fake girlfriend" PS. Tagalog 'to.