Favor

92 10 2
                                    

Min Ji's POV

Tumayo sya at inabot ang kamay nya sa akin para tulungan akong makatayo. Nakatungo ang ulo nya, tumakbo ako palabas ng classroom, papuntang canteen. Pagpunta ko dun, umupo agad ako at kumain. Oo, may pagkain na. Habang kumakain kami, iniisip ko yung nangyari kanina, uminit yung pisngi ko at saktong dumating si Jimin.

"Oh, Min Ji ba't ang pula ng pisngi mo? Nilalagnat ka ba?" Tanong ni kuya Jin umiling ako. Saktong umupo si Jimin ay namula din pisngi nya. Iniisip nya rin siguro yung nangyari kanina.

"Oh, isa pa din 'to si Jimin eh." Sabi ni Lisa. Ngumisi si kuya V.

"May nangyari ba sa inyo kanina?" Tanong nya.

"W-wala." Sabi namin ng sabay.

"Weh? Napansin ko tumatakbo papunta si Min Ji dito eh, at biglang namula ang pisngi. Iniisip ko sana na wala yun pero, nung namula na din pisngi mo Jimin may nangyari nga siguro." Sabi nya.

"Wala n-nga 'to kuya." Explain ko.

"Bakit ka nauutal?" Pang-aasar ni Lalisa.

"Wala masama ba?" Tanong ko.

"Di naman." Sabi nya at nagpatuloy kumain. Pinagpatuloy ko na din ang pag-kain ko.

"O siya, pabayaan mo na yang dalawang yan Taehyung." Sabi ni kuya Jin.

"Oo na." Patol nya at tumahimik

"So ano? Wala na naman si Seulgi?" Tanong ni Joy Eonnie, umiling naman kaming lahat.

"Since naging sila ni Taeyong hyung di na sya sumasama satin." Sabi ni Tae oppa.

"Bukas na din yung outing natin." Dagdag nya.

"Kaya nga." Pag-agree ni Lisa

"Ay nako, malalaman din naman natin bukas kung sasama ba sya o hindi eh." Ani ni kuya Jin.

"Sabagay"

"Huy, Min Ji. Ang tahimik mo ngayon ah, usually madaldal ka eh." Sabi ni Yoongi oppa

"Hmmm, w-wala lang ako sa mood ngayon." Sagot ko

"Bakit?" Tanong ni Tae oppa

"Uhm, wala. Masakit lang ulo ko." Sagot ko.

"Masakit ulo mo? Gusto mo hatid na kita? Mamaya pa naman klase ko vacant kami first subject eh." Yaya ni kuya Jin.

"Ah, wag na kuya. Ok lang ako, mawawala din 'to." Sabi ko sa kanya at tumayo.

"Sige alis na ako."

"Min Ji, sabihin mo sa akin kung lalong sumakit ulo mo ha?" Sabi ni kuya, tumango lang ako. Dinispose ko na yung pagkain at pumunta na sa locker ko. And guess what? Walang letter? Hmmm, weird? Bakit wala? Hinalungkat ko yung buong locker pero wala talaga. Siguro, absent sya ngayon. Sinarado ko yung locker ko at pumunta sa classroom. Umupo na ako at naghintay sa adviser namin. Pag-dating nung teacher namin ay may kasama syang babae. Maganda sya, parang magkasing height lang kami, maputi pero di naman masyado parang saktong puti ganun.

"Class, may bagong kayong kaklase." Sabi nung adviser namin

"Please introduce yourself."

"Hi my name is Kim Dahyun. I'm 17 years old. Sana magkasundo tayong lahat." Sabi niya

"Uhmmm, Boys. Sinong mag-vovolunteer sa inyo kumuha ng upuan sa janitors room." At walang nag-volunteer.

"Jimin, ikaw nalang." Sabi nung adviser namin at tumayo si Jimin.

Fake Girlfriend (Jimin FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon