Secret Admirer

74 7 1
                                    

Min Ji's POV

~Who are you stranger, can't stop thinking of y-

Pinindot ko yung dismiss ng alarm clock ko at bumaba. Nakita ko si kuya Jin nag-luluto habang may kausap sa cellphone nya. With matching ngiti pa, siguro si ate Jisoo yung kausap nya.

"Oppa, anong niluluto mo? Sinong kausap mo? Bakit pangiti-ngiti ka dyan?" Binombahan ko sya ng mga Tanong.

"Mamaya, isa isa lang. Doenjiang jjigae ang niluluto ko, Si ate Jisoo mo ang kausap ko at nakangiti ako kasi naririnig ko ang boses ni Jisoo." Sabi ni kuya habang nakangiti pa rin.

"Nakkkkkksssss, naman! Ang lalandi!" Pangasar ko at Tumawa ng mahinhin.

"Aish, Tumahimik ka na nga dyan dongsaeng. Tara na, kain na tayo tawagin mo na mga kuya mo." Sabi nya at hinanda yung pag-kain. Tumango naman ako at pumunta sa kwarto ni Joonie oppa.

"Joonie oppa." Sabi ko at inalog sya para magising.

"Ano na naman dongsaeng?" Tanong nya na naiirita.

"Ayaw mong kumain?" Tanong ko. Bangon agad sya galing sa higaan at bumaba. Sunod naman ay si kuya V.

"Kuya, gising na. Mag-dedate pa daw kayo ni Unnie Jen." Sabi ko at umikot sa kabilang side. Biglang bumangon na sya at sabay na kaming bumaba. Umupo na ako at kumain. Pagkatapos ko kumain ay ginawa ko na yung morning routines ko, naligo, naghilamos, nagbihis sa school uniform ko, tinuyo ko yung buhok ko, nagmake-up na ako ng light shades lang, inipit ang buhok ko sa two side braids, sinuot ang black shoes ko, kinuha ang bag at bumaba na ako.

"Kuya Jin, kuya Joon, kuya Tae! Alis na ako!" Sigaw ko.

"Oo!" Sabi nila, nako ang bagal talaga nang mga kuya ko eh. Pumunta na ako sa pintuan at umalis papunta sa bahay ni Chim. Pagpunta ko dun nakita ko palakad na sya.

"Chim!" Tawag ko sa kanya, lumungon sya at pumunta ako sa kanya

"Oh, Kimchi!" Sabi nya. Confused? Bakit kimchi tanong mo? Kasi Kim apelyedo ko at yung Ji sa pangalan ko ginawa nyang Chi. Kaya Kimchi. Weird 'no?

"Aishhh, bakit ba ang hilig mong tawagin ako nun?" Tanong ko.

"Wala lang, kyeopta eh." Sabi nya. Humaypakinggad, I swear na magwawala talaga ako dito sa harapan nya pero napakalma naman sarili ko.

"A-ah, Tara na sa School." Sabi ko at nag-lakad na kami papunta sa school. Pagpasok namin sa school ay unti palang mga nakikita kong estudyante.

"Oh sige una na ako sa room, Chi." Sabi nya.

"Sige Chim. Kukunin ko lang books ko." Sabi ko, tumango sya at umalis. Pumunta ako sa locker ko at may nakita na naman akong letter.

Dear Min Ji,

Second letter ko na 'to na binigay sa'yo ah. Kamusta ka na? Alam mo di ako nakatulog kahapon, Iniisip kasi kita eh. May ibibigay ako sa'yo mamayang class dismissal, sana tanggapin mo. Bibigyan uli kita ng hint kung sino ako. Nagsisimula sa letter J ang pangalan ko. Sige, nandito na ako sa room hinihintay kitang makapasok. Ingat😊❤

Fake Girlfriend (Jimin FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon