Min Ji's POV
~Lost my way,
swil sae eobsi morachineun geoc-Pinindot ko yung dismiss ng alarm clock ko at bumangon. Pumunta ako sa CR at ginawa ko yung morning routine ko. Bumaba ako at ang bango ng amoy.
"Oppa, Ano niluluto mo?" Tanong ko kay Jin oppa.
"Pancakes at bacon." Sabi nya.
"Sige ihanda mo na yung tinidor at plato. Gisingin mo na din mga kuya mo." Tumango ako at hinanda yung tinidor at plato. Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto ni kuya Joon.
"Oppa, gising na." Sabi ko at inalog si kuya.
"Mamaya na." Sabi nya.
"Nag-luto si kuya ng pancakes at bacon." Biglang bumangon sya at bumaba. Di yun tatanggi sa pag-kain. Sunod na man ay pumunta ako sa kwarto ni kuya V.
"Taehyung oppa. Gising na." Sabi ko.
"Nag-luto si kuya Jin ng pancakes at bacon."
"Mamaya, 5 minutes." Sabi niya. May naisip akong idea.
"Nasa baba si ate Jennie! Hinihintay ka." Sabi ko at biglang bangon din sya. Pag-kalabas nya sa kwarto ay tumawa ako. Haha, uto-uto. Lumabas ako sa kwarto at biglang narinig ko si Taehyung oppa.
"Kim Min Ji!!!!!" Sabi nya.
"Lagot ka sa'kin!" Dagdag nya. Biglang umakyat sya. Pumasok ako sa kwarto niya at ni-lock ko yung pinto
"Buksan mo 'tong pinto!" Sabi nya. Hindi ko binuksan.
"Pag di mo 'to binuksan tetext ko si Jimin, sabihin ko mahal mo sya." Sabi nya.
"Nasa akin naman cp mo." Paasar ko. Biglang naisip ko, yung cellphone ko, nasa kwarto!
"1!" Biglang binuksan ko. Lumapit sya sa'kin, di naman sya galit. Di nya naman kayang magalit sa'kin eh.
"Sorry na oppa." Sabi ko. Nalapit pa rin sya.
"Oppa, sabi baga sa akin ni ate Jennie. Crush ka daw nya." Sabi ko. Tumigil sya.
"Totoo?!" Tanong nya. Totoo naman talaga eh sinabi nya talaga yun. Tumango ako.
"Kaya mag-confess ka na!" Sabi ko.
"Dapat bukas kayo na ha?" Sabi ko.
"Kung hindi, di kita bibili ng video games." Panakot ko.
"Oo, bukas mag-coconfess na ako." Sabi nya.
"Tara kain na tayo sa baba." Sabi ko at bumaba na kami. He he, galing ko mangumbinsi. Umupo ako at kumain ng mabilisan kasi gutom na ako. Food is life u know.
"Bagalan mo lang ang pag-kain Min Ji. Mabilaukan ka." Sabi ni kuya Jin.
"May date pa daw kasi sila ni Jimin." Pang-asar ni kuya V, tapos muntikan na ako mabilaukan. Uminom ako ng tubig.
"Baka nga! Practice lang yun di date." Sabi ko at tumayo.
"Sure." Sabi ni kuya V sarcastically. Pagkatapos ko kumain ay nilagay ko yung pinag-kainan ko sa lababo. Tiningnan ko yung orasan, 10:56. Umakyat na ako at pumunta sa CR at naligo. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis ako. Suot ko ay tank top at leggings. Tinuyo ko yung buhok ko at sinuklay. Di na ako nag-lagay ng make-up. Kinuha ko yung cellphone at wallet ko at bumaba.
"Mga kuya, alis na ako." Sabi ko.
"Ingat ka." Sabi ni kuya Jin at lumabas na ako. Nag-lakad na ako papunta kina Jimin. Pag-punta ko dun ay kumatok ako. Hula ko tulog pa yun.
"Wait lang." Sabi nya at binuksan yung pinto.
"Pasok." Sabi nya at pumasok ako.
"Wait lang ha, papalit lang ako." Sabi nya at umupo muna ako. Mga minuto ay bumalik sya, naka-white na T-shirt at naka-pants. Pumunta na kami sa Dance Room.
"So anong sasayawin natin?" Tanong nya.
"Search muna tayo." Suggest ko at tumungo sya.
"Troublemaker nalang?" Tanong nya.
"L-luh, ang daming skinship dun E-eh." Sabi ko.
"Sige, hanap nalang tayo ng iba." Sabi nya. Napaisip ako. Sabagay maganda naman yung sayaw nun. Yun na nga lang. Hindi sa gusto kong mag-skinship kami ha! Ok, sige. Gusto ko nga pero unti lang. Para naman sa project 'to.
"Sige, yun na lang." Sabi ko.
"Sure ka?" Sabi nya. Tumungo ako.
"Tara, praktisin na natin." Sabi ko at tinuto na namin yung sayaw.
2 hours later
Pagod na ako.
"Break time muna tayo." Sabi ko.
"Sige." Sabi nya.
"Gutom ka na?" Tanong nya. Umiling ako nang biglang. Tumunog yung tyan ko.
"So hindi ka gutom?" Sabi niya at ngumisi.
"Oo na, gutom ako." Sabi ko
"Tara, mag-luluto ako." Sabi nya at pumunta kaming kusina.
"Anong gusto mo?" Tanong nya
"Kahit cup noodles nalang." Sabi ko.
"Sige." At naglabas sya ng dalawang cup noodles. Natapos nya ng lutuin at ibinigay sa akin yung isa.
"Ano naka-recover ka na kahapon?" Tanong ko.
"Oo. thank you uli." Tumango nalang ako.
"Jimin, may sasabihin ako sayo." Sabi ko. Tinaas nya yung kilay nya.
"Wag kang magagalit ha, promise mo." Tumango sya.
"Nasabi ko kina kuya na gusto mo si Seulgi." Tumigil sya.
"Oh, sabi mo di ka magagalit prinamis mo yun."
"Ah, Ok lang. Napapagkatiwalaan ko naman sila eh." Sabi nya ng kalmado.
"So, di ka galit?" Umiling sya. Buti naman. Pagkatapos ay naubos na namin yung cup noodles at pumunta na uli kami sa Dance Room.
"Isang pasada nalang" Sabi ko.
"Sige." Pagkatapos nung kanta ay bumaba na ako at pumunta sa pintuan.
"Sige, bye Jimin." Sabi ko
"Bye Min Ji." Sagot nya at nag-lakad na ako
869 words

BINABASA MO ANG
Fake Girlfriend (Jimin FF)
Fanfiction"Anong gusto mo?" "Be my fake girlfriend" PS. Tagalog 'to.